Part 6

49K 1K 12
                                    

CHAPTER 6

Pagdating sa Purple Plate, kinalas ko ang seatbelt ko. Malungkot ang mata nyang nakatitig sa akin.

"i need space!" sabi ko at bumaba na. Agad akong pumasok sa loob ng resto para hindi na sya magkaroon ng pag-asang makausap pa ako.

Naguguluhan ako sa mga nangyari kaya kaylangan kong mag-isip ng maayos.

Nasa trabaho na ako. Dahan-dahan na ang pagdami ng tao, kumukuha ako ng order ng isang grupo ng mga lalaki nang bigla akong hinablot ni Janus. "ako na" sabi nya at ngumiti. "may pinabigay sayong paper bag sa cashier, need mo raw yun ngayon!" nagsmirk sya at tumango nalang ako kahit nag-iisip pa ako kung anong need ang sabi nito.

Lumapit ako sa cashier at inabot sa akin ni Jana ang paper bag. "kanino galing?" tanong ko sa kanya. "ewan kung sino yun, basta alam ko siya yung gwapong lalaki yun na taga engineering department". Kinuha ko ang paper bag at pumasok ako sa quaters area namin. Binuksan ko ito at nakita ang isang bagong bili na pantalon, punit na ang price pero ang brand nyang Von Dutch ay sumisigaw sa mata ko.

Kinuha ko ang sulat na naroon at binasa.

"wear this, i hate how men inside stares at your legs. Please?" napangiti ako. "Gago!" sambit ko. Tinanggal ko ang tag niya at isinuot ito. Halatadong alam nya ang size ko kasi parang sinukat sa akin ang pantalon. Halatadong mamahalin at maganda ang tela nya kasi komportable.

Nagtipa ako ng text sa phone ko "thanks! :)" yan ang pinasa kong message sa kanya. Naisip ko, na siguro kung lalayo ako muna sa kanya baka mapag-aralan ko syang mahalin.

Lumabas akong suot ang pantalong bigay nya sa akin.

Natapos ang duty ko ng alas onse, sama-sama kaming lumabas ng resto. Nakita ko ang nakapark nyang kotse sa kalayuan pero nagkunwari akong walang nakikita. Agad kaming nakasakay ng jeep.

Mag-isa akong bumaba sa kanto kasi nasa kabilang kanto sila nakaboard, naglakad akong mag-isa sa dilim habang may nakasunod na kotse sa likuran ko na syang umiilaw sa daanan ko. Natatawa ako pero nagpipigil.

Nakapasok na ako ng dorm nang makita ko ang pag-alis ng kotse nya. Napangiti ako. Feeling ko ang swerte ko sa kanya.

Pagpasok ko ng room ko, naabutan ko na naman si Rosie na nagkakape at nakaharap sa libro nya. Medisina ang kurso nya, kaya wala syang ginawa kundi ang magbasa. Marketing na man course ko.

"your home!" bati nya. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "i heard outside Klitz is dating you, is it true?" mausisa nyang tanong na kinagulat ko.

"naniwala ka naman?" sagot ko. "asus! Buong buhay kitang nakasama Camilla, hindi ka magaling magsinungaling sa akin noh?" sabi nya at tinapunan pa ako ng crumpled paper nya. Natawa ako na parang kinikilig.

"naguguluhan ako!" diretsa kong sagot. "as if naman hindi mo sya crush noh? Hindi ba't hangang-hanga ka sa kanya kasi lagi syang nagtatop sa mga subjects nya" sabi nya na kinatawa ko.

"yup, noon pero ngayon? I dont know!" sabi ko habang nagbibihis.

"ambisyusa ka, ikaw pa kunwari ang choosy ha?" natatawa nyang sabi. "wow, von dutch!" agad syang tumayo at nilapitan ang pantalon ko. "kelan ka pa bumili ng ganito ka mahal na pantalon Camilla?" nakangusong tanong nya.

"bigay lang yan sa akin ni Klitz" agad kong sagod na kinalaki lalo ng mata nya. "you mean, ipinagshopping ka nya?' halos hindi sya makapaniwala. "hindi ha? Nakaskirt ako kanina, ayaw nya raw kaya pinadala nya yan sa akin" relax kong sagot.

"nakakainggit ka talaga, kainis!" pag-iinarte nito sa akin. Si Rosie lang ang naging kaibigan ko simula pagkabata hangang mapadpad ako dito sa University. Halos buong buhay ko syang nakasama at sya na halos kapatid ko. Alam nya ang lahat ng sekreto ko kaya naman kampante ako sa kanya. Pero ang totoo pareho lang kami pinalaki ng umampon sa amin na dating Madre.

"san ka natulog nung dalawang gabing hindi ka umuwi dito?" tulis nguso nya akong nilapitan. "sa kanya ka natulog noh?" pangungulit nito sa akin.

"hindi ha? nag-over time kami noh?!" sabi ko na kinatawa nya lang.

"ang ilong mo teh namumula!" sigaw nya sa kakatawa. Umupo ako at napaseryoso, gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot akong mag-iba ang tingin nya sa akin. Baka pandirihan ako ni Rosie kung aaminin kong may nangyari na sa amin ni Klitz.

"share mo na yan teh, what's my purpose here?" sabi nya. Napangiti ako. Matanda sya ng dalawang taon sa akin, pero kung titingnan mo halos magkasing mature lang kami.

"may nangyari na sa amin ni Klitz, pero hindi ko yun ginusto Rosie maniwala ka" pagpapaliwanag ko, "napilitan lang ako. Hindi ko nga rin naiintindihan kung anong nangyayari sa akin, feeling ko gusto ko na ayaw ko" paliwanag ko sa kanya, napangiti lang sya sa akin. "gusto mo kasi hinayaan mo, may gusto ka kasi kaya okay lang sayo pero kung ibang lalaki yun siguro nasa kulungan na yun" sagot nya sa akin.

"nahihiya ako sayo, feeling ko ang landi ko, marumi at hindi na karapatdapat" yumuko ako at nangilid na ang mga luha ko. "hindi ko inaasahan na umabot ako sa ganito, kilala mo ako Rosie hindi ako ganito diba?" naluluha kong sabi.

"nagising nalang ako na nakahubad na, wala kong galos or anuman." hiyang-hiya ako sa kanya. Niyakap nya ako at pinatahan.

"your 21, pretty, smart and very hardworking person and sleeping with him wont decrease your ability to survive dear. Do not dwell on it that much. Accept it that you like him so that you will enjoy his company." nagwink sya sa akin na para bang hasang-hasa na sya sa mga ganitong sitwasyon.

"diba nga sabi ni Sister Nora, marami tayong mga bagay na dapat matutunan dito sa labas na pwede nating ituro para maiwasan nila" aniya.

"your beautiful Cam, even a priest can turn his head and drool over you" nakangiti nyang sabi. "that is what Sister Nora is trying to tell you, being a Nun is not your calling"

"i would love to meet that famous Mr. Klitz" sabi nya at bumalik na ito sa study table nya. "matulog kana!" sabi nya at natawa lang ako. Nagpunas ako ng luha at nagpout. Natawa lang sya at bumalik na sa mesa nya.

Pagkatapos kong maligo, nahiga na agad ako para makapagpahinga. Dinungaw ko ang cellphone ko na kanina ko pa hindi nasilip. May apat akong message na galing sa kanya.

(1) Unknown number:

Im sorry.

(2) Unknown number:

Ill wait for you outside, gusto lang kitang ihatid pauwi. Just wanna make sure your safe. Please, allow me?

(3) Unknown number:

Still mad?

(4) Unknown number:

Goodnight, i miss sleeping beside you. I love you.

Napangiti ako, nagtipa ako ng reply.

Ako:

Goodnight. Sleep na ako.

Pinikit ko na kaagad ang mga mata ko para wala na akong maisip pang iba at pinilit ko ang sarili ko na makatulog.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now