Part 36

30.1K 730 3
                                    

CHAPTER 36

Sa engrandeng garden ng Resort dinaos ang reception ng kasal ko. Sinunod ni Klitz ang pangarap kong tinkerbelle na theme, parang fairy land na kung saan sa garden gagawin ang reception.

Nagulat ako sa ganda ng pagkaayos, may mga malalaking mushroom sa gilid at puro fresh flowers ang ginamit. May mga malalaking fake butterflies ang nakadikit sa paligid. May nilagay na malaking fountain sa at mini falls sa swimming pool na naging atraction narin dahil sa magandang pagkagawa nito.

Halos glass lahat ang nandoon, glass tables and chairs, ay may mga vines pang nakasabit sa malaking puno na syang nagsisilbing panangga sa init ng araw.

"how did you prepare this all?" naiiyak kong tanong sa kanya.

"we plan this after graduation" nakangiti nyang sagot.

"sing we?" nangunot ang noo ko sa sinabi nyang we.

"ang barkada, sila Mom and Dad and your friends. Buti na ngalang nagtiyaga silang tumulong sa akin to make your dream wedding happened today" sabi nya.

"kasabay pa talaga sa monthsary natin noh?" nakangiti kong sabi na kinatawa nya.

"para tipid ang celebration" tawa nya.

Halos hindi maalis ang mata ko sa kakaikot sa ganda ng reception ng kasal ko. I cant imagine im having this dream wedding for real.

Nakapatong ang mga regalo ko na parang mga treasures sa isang malaking sako na sadyang ginawa para maging style nya.

Kung sinong mga kamag-anak ni Klitz ang bumabati sa akin, ngumingiti ako in return to pay respect for their presence in coming here.

Manghang-mangha ako sa wedding cake kong chocolate na may fountain ng goldin grains. Hindi ko alam kong anong ginamit nila sa grains na ito basta ang sabi ni Klitz lahat daw ng nasa cake na yun ay pwedeng kainin.

Napayakap ako sa braso ni Klitz at napasandal, "thank you for giving me this wonderful dream wedding" sabi ko.

Nakangiti lang sya, "its my pleasure wife to make you happy today" sabi nya ta hinalikan na ako sa labi.

Nakakapagod ang buong araw. Hindi naman ako masyadong kinulit ng mga bisita, alam siguro nilang buntis ako at medyo may kabigatan narin ang tiyan ko.

Pagsapit ng gabi, binisita ko si Tiya sa kwarto nila ni Rosie. Hanggang ngayon ay naiiyak parin ito kahit may ilang oras na ang nakalipas ang nangyaring kasalan.

Umaapaw raw sa tuwa ang kanyang puso dahil napakasalan na ako ni Klitz at nakapag-asawa raw ako ng matino at maalagang lalaki.

Hindi rin ako nagtagal sa kanila dahil sinundo na ako ni Klitz para raw makapagpahinga na.

Pagpasok namin sa cottage namin na kinuha kahapon ay agad akong nagpahinga. Nakasandal ako sa dulo head board nang umupo si Klitz sa paanan ko at minasahe ito na syang kinabigla ko naman.

"anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"i know napagod ka sa suot mong heels kanina, naaawa nga ako sayo kasi hindi manlang nila naisip palitan ang suot mong sapatos" sabi nya habang pinipisil nya ang apakan ng paa ko.

"its okay, pareho lang tayong napagod habz" sagot ko pero kinailing nya nalang ito at nagpatuloy ito sa kakamasahe.

"sana ganito kaputi at kaganda ang paa ng magiging anak ko. Para sa paa palang marami nang magkakagusto sa kanya" sabi nya na nakangiti.

Sa babae, pero sa lalaki?" natawa ako. "baka mapagkamalan pa syang bakla."

Minasahe nya hanggang sa tuhod ko. Kahit puro ako tawa dahil sa kiliti na dala ng bawat pisil nya, tiniis ko parin dahil sa ayaw nyang tumigil sa kakamasahe nya.

Masaya akong natulog sa gabing iyon. Halos ayaw ko na ngang pumikit kasi baka bukas pagising ko joke lang pala ang lahat kasi dreams lang.

Niyakap nya ako sa kanyang mga bisig at sabay kaming natulog.

Kinabukasan, ang ibang guest namin ay nagsiuwian na, ang iba naman ay nag-paiwan pa para samantalahin ang pahinga at magandang hotel at resort.

Buong araw kong kasama si Tiya, Rosie at Kuya Nathan. Nasa lagoon kami at nagkwentuhan lang kasama rin ang ilan sa mga kaibigan ko. Nagbalik-alala kami tungkol sa mga nakakatawang nangyari noong bata pa kami.

Si klitz naman ay kasama ang mga kabarkada at ilang mga kaibigan, nagjetski sila at nag-surf.

Samantala ang ilang mga pinsan ni Klitz naman nasa dagat lang at nagpapaaraw. ini-enjoy nila ang bakassyon nila dito sa pilipinas.

may ilan pa akong nakikitang kalalabas lang ng hotel at kakagising lang.

"kumusta naman ang baby mo? nakapa ultrasound ka na ba?" tanong ni Irah sa akin.

Umiling ako. "next week pa siguro after this vacation"

"may name na ba kayong naiisip?" tanong ni Tiya.

"opo, pero ayaw pang ireaveal ni Klitz baka raw makopya" natatawa kong sabi.

"baka naman weird ang name ng anak mo ha?" tawa naman ni Rosie.

umiling ako. "maganda ang pangalang binigay ni Klitz"

"sigaraduhin lang" gatong din ni Janus.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now