Part 10

47K 984 11
                                    

CHAPTER 10

Naabutan ko syang, nakabalot sa kumot nya at tulog. Nakita ko na kunti lang rin ang nabawas sa kinain nya. Mahimbing ang tulog nya, hindi nya ata na nahalata na may nakapasok o baka inisip nyang mga kaibigan nya ang dumating.

Magulo ang pad nya. Walang hugas ang mga palto at nakatambak lang ang mga ito sa sink nya. Nagkalat din ang mga hindi naubos na pagkain sa table at kahit ang mga kumot sa sofa.

Habang tulog sya nagligpit ako ng kalat sa pad nya at naghugas ng plato. Nagtry na magtiklop ng kaunti at maglaba gamit ang automatic washing machine nya.

Halos inabot din ako ng dalawang oras sa pagliligpit at pagtiklop ng mga bagong laba nyang damit. Maayos naman ang locker nya kaya hindi na ako nag-atubili pang makialam sa mga gamit nya.

Nagpadeliver ako ng soup at food galing sa purple plate at pinahatid ito sa kasamahan namin.

Nang maihanda ko na ang food, nilapitan ko sya at ginising.

"hoy pangit na rapist!" tawag ko sa kanya. Halatadong may sakit sya kasi namumutla siya at mainit. Dumilat sya at natulog ulit.

"ayaw mong tumayo? Okay aalis nalang ako!" sabi ko at tatalikod na sana nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako. Napahiga ako sa tabi nya at niyakap nya ako.

"kailangan ko pa palang magkasakit bago ka magbisita sa akin dito?" malambing nyang sabi habang yakap ako mula sa likuran ko.

"he! Sana nga magkasakit ka nalang araw-araw para wala nang asungot sa pag-aaral ko sa school!" galit kong sabi. Ramdam ko ang mga halik nya sa leeg ko at ang mga galaw ng kamay nya. "tumayo kana, kakain na tayo!" sabi ko at naunan nang tumayo.

Nang makalabas sya ng bed area nya, nakita nya na malinis na ang pad nya, napangiti sya at napailing nalang habang nakatitig sa akin.

"your making me really die hard to marry you!" sabi nya at lumapit sa akin. Nagpoker face ako at bumelat ako sa kanya at napatawa naman sya.

Sinubuan ko sya ng chicken mushroom na soup at beef stake ang ulam namin. Naparami ang kain nya lalo na masaya nyang kinakain ang bawat subo kong pagkain sa kanya.

Pagkatapos nyang kumain, pinainom ko kaagad sya ng gamot at sa salas kami tumambay. Naupo kami sa sofa habang sya ay higa at nakaunan sa mga binti ko. Nanood kami ng indian movie.

Mahimbing syang nakatulog habang ako naman ay naenjoy din sa kapapanood ng hindi ko naman naintindihan na movie. Umilaw ang phone nya, inabot ko ito at sinilip kung sino ang nagtext. Automatic na magdisplay ang message sa screen nya basta may nagtext.

Eva:

A frnd told me ur dating sum1. Is it true? Stop it!

Binalik ko nalang ang phone nya, wala akong naramdaman na selos o kahit ano dahil ang naglalaro sa isip ko ay baka kapatid o pinsan lang niya ito.

Halos dalawang oras din syang nakatulog ganon din ako. Nauna syang magising kasi pagkagising ko, nakaupo na sya at sa akin nakatingin. Napangiti sya nang makita akong dumilat na at naestatwa sa kanya.

tumayo ako at kinuha ang gamot nya. Inabot ko ito sa kanya kasama ang tubig.

"bakit ka pala may sakit anong ginawa mo?" tanong ko sa kanya. "nadepress kasi ako kaya ako inatake ng asthma ko" sagot nya. "bakit anong ginawa mo nung nadepress ka, tumakbo?" natatawa kong sabi. Nakatitig lang sya sa akin at matagal bago nagsalita. "nagwala!" tipid nyang sabi.

Tinapunan ko sya ng unan sa sofa. "nakakahiya ka talaga!" sabi ko na kinatawa nya lang. "sira ulo ka, nagseselos ka ng wala sa lugar at sa katangahan mo" pinaghahampas ko sya ng unan. Napapaubo sya sa kakatawa. "kaya nga ikakamatay ko kung iwan mo ako" sabi nya.

Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko, kinilig ako sa mga sinabi nya ang isang gwapong lalaki tulad ni Klitz ang talaga bang nagmamahal sa akin ng ganito ka tindi?

Nagtitigan kami ng matagal, hanggang sa naramdaman ko nalang ang mga yakap nya sa akin.

"sorry Cam, hindi ko naman talaga sinasadya ang masaktan ka. Uminit talaga ang ulo that time akala ko nagloloko ka" paliwanag nya. Tumango ako, "sorry din kasi hindi kita na sabihan na kasama namin ang kuya namin" sabi ko.

"San pala kayo nakatira, sa Leyte?" tanong nya sa akin. Yakap-yakap nya ako mula sa likuran at nakasandal ako sa kanya. "hahahahah, hindi" natatawang sagot ko. "Don' kasi siya naasign para tumulong magtayo ng mga kapilya sa Leyte" sagot ko.

"ano pala ang trabaho ng kuya mo?" tanong nya ulit habang pilit na ibinababa ang suot kong long skirt para matakpan ang mahaba kong legs. "engineer sya, nagtatrabaho na sya, paminsan-minsan tumutulong lang sya simbahan para sa mga ganitong project" sagot ko.

"ilan pala kayo magkakapatid?" tanong nya ulit. Ngumiti ako at isinalikop ang mga daliri ko sa kamay nya na nasa tiyan ko. "tatlo" tipid kong sagot. "ikaw, ilan kayong magkakapatid?" dinungaw ko sya, nakasandal sya sa sofa at sa tuhod nya ako nakasandal, nakatitig sya sa akin at pinagmamasdan ang mukha ko. "tatlo rin, ako ang kuya" sabi nya.

Tumango ako at hindi na nagtanong. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa dibdib nya at tiniklop ko ang mga tuhod ko. Lumitaw ang legs ko dahil sa pagkahulog ng skirt ko. Inayos nya ito para matakpan ang legs ko.

Matagal kaming ganoon ang posisyon halos antok na sya at nakapikit na.

"I love you Klitz" mahina kong sabi. Dinig ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso nya at ang paghinga ng malalim. Napangiti ako sa biglaan nyang pagdilat at pagtitig sa akin.

"what did you say?" tanong nya ulit. Napatawa ako, hindi ako sumagot sa tanong nya. "hey!" inalog nya ako mula sa malakas kong tawa. "anong sabi mo, ulitin mo!" pangungulit nya. Umiling ako at nagsubsob nalang sa dibdib nya.

"i heard it right!" sabi nyang nakangiti. "narinig mo naman pala ipapaulit mo pa!" sabi ko at umupo na ng maayos at malayo sa kanya. "gusto ko ulit marinig!" sagot nya at tinabihan ako ulit. Kiniliti nya ako na syang dahilan ng mga tawa ko. "please, say it again!" excited nya akong pinipilit na. "please?" inalog nya ako habang ako naman ay natatawa lang.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya. Nagtitigan kami ng matagal at hinalikan ko sya sa labi nya. "i said, I love you Klitz." mahina at nakangiti kong sabi sa kanya.

Namula ang pisngi nya at nakangiti lang sya. Niyakap nya ako ng mahigpit at idiniin nya lalo ang katawan ko sa kanya. "you dont know how happy i am to hear that from your lips Cam, you have no idea how fucking happy i am now!" seryoso nyang sabi na naiiyak pa. Natawa ako sa kanya. "naiiyak kana yun palang? Hahahaha" natawa ako. "bakla!" sabi ko at bigla syang kumalas sa pagkayap sa akin at masamang titig nya ang binigay sa akin.

"ahhh, bakla pala ha?" hinubad nya ang suot nyang jacket at shirt pati ang pantalon. Naiwan ang boxers nya. "you call me gay?" niyakap nya ako at pinaghahalikan sa mukha hanggang sa nakuha nya na ang labi ko.

|V)

Elite 2: My obsessed PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon