Part 34

31.6K 757 8
                                    

CHAPTER 34

Maaga kaming umalis ni Klitz papuntang Ti Amo, panay ang tawag nya sa phone nya habnag nasa byahe kami. Next week malalaman na namin ang kasarian ng magiging baby namin.

Nagkaisa kaming dalawa na kapag babae, ako ang magbibigay ng name at kapag lalaki naman siya ang magbibigay ng pangalan.

"Okay Fred, thanks ha, regards mo nalang si Camilla kay Mika" sabi nya at nangunot naman ang noo ko. Hindi ko naman sinabi yun ah, bakit niya ako nireregards kay Mika na pwede ko naman tawagan ang bebang na yun?

Nakatulog ako sa byahe, paminsan-minsan nagigising ako sa tuwing napapahinto ang sasakyan namin at nararamdaman ko ang paghaplos ni Klitz sa tiyan ko.

Pagdating sa resort, dumiretso kami sa floating cottage. Ayaw ni Klitz sa penthouse nila sa Hotel magstay kasi mahihirapan raw akong magakyat at baba sa hotel, baka mabinat pa ako. Kahit naman may elevator nag-iinarte parin si Klitz. Nagsasayang ng pera ang lalaking to.

"may function kayo ngayon dito?" tanong ko sa kanya nang makita ko ang ilang truck ng mga bulaklak at gamit.

"oo, kaya nga nagpunta tayo kasi aattend tayo." sabi nya na kibit balikat ko ring hindi na inisip yun.

Halatadong magara ang kasal, isang garden wedding ito maraming fresh na bulaklak at open air ang kasal. Tulad ng pangarap kong kasal. Nasa ilalim ng malaking puno at dadaan ako sa gitna ng pool. Isang sunrise wedding na tanging kakilala ko lang dapat ang naroon para masaksihan ang kasal ko.

Napayuko ako habnag nakahawak sa braso ni Klitz. Tinalikuran ko ang nakikita kong dream reception at wedding style na inihahanda. "lets go" sabi ko.

"yung dadamitin mo ipapadeliver ko nalang mamaya kapag dumating na. Si Mom kasi ang nagstyle nun para sayo." nakangiti nyang sabi sa akin.

"sino pala ang ikakasal?" tanong ko.

"ang pinsan ko sa mother side" sabi nya. "nasa state sila naka base pero dito nila gustong magpakasal" anya.

Tumango nalang ako. Pambihira, sa lahat pa naman pati dream wedding ko may kaparehas parin?

Naglakad lakad kami ni Klitz sa tabi ng dagat. Nagkwentuhan at nagkainisan pa. Nakuha pa naming kumain sa bagong bukas na club house malapit sa lagoon. Kaunti lang ang taong nandoon.

"swimming tayo habz?" anyaya ko, nakikita ko kasi ang tubig ng lagoon na nakakaakit tingnan dahil sa light nitong nagrereflect sa tubig. Ganito pala kaganda ang lagoon kung gabi dito. Hindi ko kasi napuntahan ito noon sa gabi dahil laging naka unahan ng listahan ang tagay ng barkada ni Klitz.

Nagpahinga kami ni Klitz, natulog ako habang sya naman ay makikipagkita raw muna sa mga pinsan nya. Hinayaan nya akong magpahinga at matulog.

Umalis syang suot ang pinadala ng Mom nyang damit. Kulay puti na pares ng damit. Nag-ahit sya ng balbas nya at naglagay ng pabango. Pinagmamasdan ko lang syang naghahanda para sa sarili nya habnag ako ay nakangiti lang na nakaupo sa dulo ng kama.

"hindi ako iinom, hindi ako gagawa ng kagaguhan at hindi ako lalapit sa mga babae" nagtaas pa sya ng kamay bilang pangako. Natawa ako. Ganito ang lagi nyang sinasabi sa tuwing may lakad sya kasama ang mga kaibigan nya.

"ingat ka Habz, enjoy your night with them" niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi nya.

Kinagulat ko ang pagyakap nya sa akin ng mahigpit at pagsiil ng halik sa labi ko. "ill promise to be here with, no matter what!" anya at tumango lang ako.

Ilang besis nya ng hinaplos ang tiyan ko hinalikan ito. "dada will have fun tonight baby, please behave and quit kicking to much" sabi nya na kinatawa ko.

Nakangiti syang lumabas ng cottage namin habnag ako naman ay nahiga nalang at natulog agad para bukas maaga akong makagising at makapaghanda para sa kasal ng pinsan ni Klitz.

nagising ako dahil sa click ng camera. May dalawang taong nakatao sa harapan ko at nakangiti.

"good morning Maam, magligo napo kayo para makapagsimula na po tayo" sabi ng babaeng sa harapan ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang orasan, alas dos palang ng umaga. Napanganga ako sa dalawa.

"isa po kayo sa entourage maam, kayo po ang naatasan na susundo sa bride kaya kami maaga dito ngayon" sabi ng parang bakla.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi nya, hindi naman sinabi ni Klitz sa akin ito. Nilingon ko ang paligid at wala akong makitang Klitz na naroon.

Mabilis akong naligo, pagkaupo ko agad na inunang pinatuyo ng bakla ang buhok ko gamit ang blower.

Ako:

Ano toh? Bakit nasali ako?

Hubby:

Sorry habz, hindi kasi nakarating ang pinsan ko at ang girlfriend nya na dapat para dito kaya kagabi lang nasabi ng Tita ko na tayo nalang daw muna ang papalit. Sorry :(

Hubby:

Nandito na ako to assist my cousin, im sorry hindi na kita nagising pa.

"no Choice! An entourage with a bumpy tummy!" sabi ko na kinangiti naman ng dalawang nag-aayos sa akin.

Kinulot nila ang buhok ko. Nakahalf ponytail ito na may konting side bangs na nakaayos para tabunan ang isang bahagi ng noo ko. Malalaking kulot ang ginawa nila na mas lalong bumagay sa bagong kulay kung Palm brown na buhok.

Pinasuot nila ako ng inner na jumpsuit para raw hindi masyadong maging bola ang tiyan ko.

Pasado alas quatro na nang matapos ako. Pumasok ang photographer at ilang besis akong kinunan ng litrato suot ang puting robe ng hotel. Ang sabi ay ipapagawang magazine daw ito ng bride kaya dapat lahat ng detail may documentation.

Pinagbigyan ko na kahit, sagad na ang pasensya ko. Ang arte naman ng ikakasal na to. Ipinasok ang gown na susuotin ko. Kulay puti ito na may kulay beige na upper at puno ng sequences. May transparent itong nakacover sa balikat na halos kakulay ko na rin ito. Mahaba ang damit at bagsag ang tela sa pang-ilalim nito.

Tinulungan akong isuot yun ng babaeng tumulong din sa pagmake-up sa akin.

Gandang-ganda ako sa sarili ako sa salamin. Naka-ilang pictures din ako at feel na feel ko ang ganda ng damit ko. Ang galing talaga ng future mother in-law ko sa paggawa ng mga damit na babagay sa akin.

Pinapunta ako sa labasan ng hotel, doon ko raw hintayin ang ikakasal. Sakay ako ng old vintage car na pangarap kong sakyan sa araw ng kasal ko. Yung totoo lang, parang kinupya yata ang dream wedding ko noh?

Pagdating sa entrance ng hotel ay ilang photographers ang naroon para kunan din ako ng litrato.

"miss na late kana, nandoon na ang ikakasal punta ka nalang doon kasi ikaw nalang ang hinihintay. Nakatago na sya sa likuran ng puting telang yan" tinuro nya ang telang nakacover sa wall.

Nakamdam ako ng kaba at hiya. Habnag busy naman sa kakalagay ng kung ano ang dalawang babae sa likuran ko. Nilagay pa silang tiara sa ulo ko.

Naglakad ako sa gitna ng red carpet, medyo nakasimangot pa dahil parang nahihiya ako. Pagkarating ko sa gitna, nakita ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki. Napangiti ako.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now