Part 47

22K 898 42
                                    

CHAPTER 47

"Dutch call your Dad, tell him your ready for school" nakita ko syang mabilis na umakyat sa hagdan namin. Tuwing umaga si Klitz ang naghahatid sa kanila sa school at diretso naman ito agad sa opisina nya.

"Sitti dont forget your art materials" agaw pansin ko sa kanya habnag nanonood ito ng cartoons. Tumango ito sa akin at agad na kinuha ang art briefcase nya sa side table.

"MOM!!" napahinto ako nang marinig ko ang sigaw ni Dutch mula sa taas.

"MOM HELP!!" sigaw nya, agad kong binitawan ang hinahanda kong sandwich para sa kanilang dalawa.

"Nina tapusin mo!" bilin ko sa katulong namin. Hindi ko na sya narinig pang nagsalita dahil mabilis na akong umakyat sa taas.

Pagbukas ko ng pintuan narinig ko kaagad sigaw ni Klitz sa loob ng banyo, umiiyak si Dutch sa harapan ng nakasaradong pintuan.

"M-mom" nanginginig si Dutch sa takot habang umiiyak.

"go out and wait for me there" agad ko syang pinatayo sa kinauupuan nya at tinuro ang pintuan.

Sumunod naman sya sa akin, kaya mabilis kong binuksan ang banyo gamit ang spare key na tinago ko sa baba ng mat ng banyo. Madalas kasing nagkukulong si Klitz sa banyo sa tuwing aatakihin sya. Kaya naisipan kong magtago ng susi para mabilis kong mabuksan ang pintuan.

"Habz!" napasigaw ako nang makita ko syang namumutla na at puno na ng luha ang mukha niya.

"Get Out!" sigaw nya sa akin, ayaw ni Klitz na makita namin syang nahihirapan o nasasaktan kaya nagkukulong suya sa banyo sa tuwing nakakaramdam sya ng kakaiba sa katawan nya.

"Habz, come" nilapitan ko sya sa dulo ng banyo kung saan matamlay na sya at namamaga na ang mga mata nya. Nagkalat narin ang mga tableta ng gamot nya sa sahig at ang basag na baso.

"Go Out! I said go out Habz!" sigaw nya habnag naiiyak sya.

Umiling ako, pinulot ko ang pira-pirasong basag na baso at nilagay sa basurahan.

Nilapitan ko sya habang sinasabunot nya ang kanyang ulo at tahimik na humihikbi sa gilid.

Inabutan ko sya ng gamot nya at baso ng tubig. Alam kong hindi pa sya nakainom dahil sa tuwing aatakihin sya nanginginig ang mga kamay nya.

Ngumiti ako sa kanya, "drink this" sabi na agad naman nyang tinanggap. "you scared Dutch too much Habz" sabi ko at niyakap sya.

"hindi ko na kaya?" pagod nyang sabi.

Napalingon ako sa pintuan dahil isasara ko na sana pero nakita ko ang dalawa naming anak na nakatayo at umiiyak parin si Dutch.

"go down, ipapahatid ko nalang kayo" sabi ko pero umiling sila.

"Dad, are you okay?" nanginginig na tanong ni Dutch pero nakayuko lang si Klitz.

"im fine, go now!" hinihingal nyang sabi bago sya nawalan ng malay.

"Nina!" sigaw ko sa katulong namin na mabilis namang umakyat at kinuha ang mga bata. Alam na nya ang gusto kong mangyari.

Kinuha ko ang phone at agad na tinawagan si Fred para magpatulong sa kanya.

Nagising si Klitz na nagwawala sa sakit ng ulo nya, nakasabunot ang mga kamay nya sa ulo nya at halos nawawala na ito sa sarili nya.

"Habz" pinipigilan ko sya sa pagsabunot nya sa ulo nya.

Naaawa na ako sa kanya, ayaw ko syang makitang ganito at nahihirapan sya.

"Habz!" inaalo ko sya, "Fred is coming, okay?" pero hindi ko sya mapigilan sa pagwawala nya. Tumulo ang dugo sa ilong nya na lalong nagpapanic sa akin.

Elite 2: My obsessed PrinceWhere stories live. Discover now