Chapter 4

1.7K 35 2
                                    

CHAPTER 4

Si Max Andrew Gil. Ang aking ex–boyfriend. Hindi ko alam kung bakit nakakangiti pa siya sa akin gayong niloko niya ako. Ang kapal naman ng mukha diba? Habang ako hindi ko matanggap na magagawa niya 'yon sa akin. Gosh! Masakit pa din eh.

"Oh bakit?" walang gana kong tanong sa kanya. Kung kaya kong mag monotone ay pipilitin ko maiparating lang sa kanya na ayoko siyang makausap.

"Wala naman. Ngayon lang ulit kita nakita eh. Kamusta na?" Tinatanong niya kung okay ako? Totoo ba 'to? Bakit tinatanong pa niya? Mukha bang okay ang taong niloko ng boyfriend?!

"Okay naman." kaya ko pala talagang mag monotone! Tinalikuran ko na siya at hindi na ako nagtangka lingunin pa siya.

Naging classmates kami noong 4th year high school after a month niligawan niya ako then sinagot ko siya noong una gusto siya nina Clavs for me kaso habang tumatagal lagi na nila akong sinesermonan at sinasabihan na I-break ko na daw si Andie. Hindi ko kaya.Tanga na kung tanga siyempre first boyfriend ko yun. Hays nilayuan ako nun nila Clavs kasi daw mag-aaway at mag-aaway lang naman kami dahil kay Andie. After 1 year okay naman kami ni Andie kahit napaka loner ko nun.

Naging cold na ang treatment niya sa akin dun na din ako nag hinila na may third party. Tama nga ako may another girl siya. Huhu. Saklap naman ng buhay oh. So I decided na makipag-break na. Aba times up na sa pagpapaka-tanga ko. Buti na lang nandyan ang mga kaibigan ko for me. I love them so much! Makikinig na talaga ko sa kanila.

Caleb's POV

I'm so lucky! Hindi ko lang classmate si Bonsai seatmates pa kami. Haha. I think di naman magiging boring dito sa new school ko. Sarap asarin eh. Tapos deny pa na kilala niya ako. So Tiffany pala pangalan niya, parang alahas lang ah. Haha. Ang ganda niya talaga ganun mga trip ko mapuputi kaso ang liit talaga nya. 5 flat or so siguro akala mo nga elementary pag nakatalikod.

Anyway di ko naman siya masyado nakausap or naasar nakatulog kasi ako sa 3 subjects sobrang boring nung mga prof! Tsk.

"Caleb tara ililibot kita dito sa school." anyaya sa akin ng pinsan kong si Nica.

"Sige. Ang boring naman dito insan!" bibihira lang ang magaganda at kung makatitig ay parang ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Naku close na nga kayo agad ni Tiffany. Cous handsoff ka kay Tiffany barkada ko yun." nag-smirk lang ako at hindi siya inintindi.

"Trip ko siya." inirapan lang ako ni Nica at umiling.

"Hindi pwede. Wag mo idadamay si Tiffany sa mga kagaguhan mo" Kill joy naman si pinsan oh. Tsk! Di naman kami masyadong close pero siya lang talaga masasamahan ko ngayon.

"Tara sa canteen nandoon sila Tiffany." akala ko ba ililibot niya ako tapos bigla akong aayain sa may canteen.

"Wag na! Dun na lang ako sa basketball court." maghahanap nalang ako ng kalaro sa bola kaysa sumama sa kanila. Tss. Puro babae kaya sila. Baliw talaga si Nica.

Tiffany's POV

Yes! Last minor subject na namin! It means huling subject na makakatabi ko si Caleb! Ang saya! Sa wakas ay gaganda na rin ang araw ko at bukas sa isang subject ko lang siya kaklase. Thank you po! Pumasok na yung ibang students, Oh si Caleb yun ah?! So kabarkada na pala nya ngayon yung 3 na pinaka gwapo sa block namin. Sina Troy, Alex and Albert varsities lang naman sila at gwapo talaga pero I admit pag sinama si Caleb siya ang most outstanding.

Tumabi na sakin si Caleb then as usual nag grin na naman sya sakin. I hate that smile! Para talagang di gagawa ng mabuti. Hmp! So inirapan ko na lang sya.

"Pare try mo kasi mag try-out." hindi ko naman gustong makinig sa usapan nila is just that malakas lang talaga ang boses nitong si Troy.

"Sige pare. Dota tayo maya ah." sagot naman ni Caleb. Nanlaki ang mga mata ko. Close na agad! Wala akong ideya paano nagiging close ang mga lalaki sa kapwa nila but I find them cool. Bagay ngang makasama si Caleb sa grupo nila Troy.

"Tiffany sama ka dota tayo?!" inirapan ko nalang si Troy dahil biglang sa akin napunta ang atensyon niya. Hindi nga ako nagsasalita para hindi na ako mapansin ni Caleb eh. Kainis!

"Itong pandak na 'to marunong magdota?!" sakit naman makasalita! Hindi mo alam kung ilang bote ng Cherifer ang naubos ko maging 5 flat lang! Saka marunong naman talaga ako 'non kasi tinuruan ako ni Andrew.

"Pare small but terrible yang si Tiffany. Try mo!"sarap upakan nitong si Alex! Matagal na kong di naglalaro 'non!

"Weh. Di nga? Maya nga dota tayo oh. Babae lang yan." I smirked. Ang yabang talaga! Papakainin kita ng alikabok diyan eh. Tignan lang natin kapag natalo kita. Tss.

"Pustahan pa." mahina ang boses ko ng sinabi ko 'yon. Wala nga pala akong pera! Huhu.

"Sige ba! Magkano?!" oo na mayaman ka na! Wala akong perang pampusta sakto lang lagi ang baon ko kung minsan nga kulang pa.

"Ayoko ng pera. Walang thrill." sagip ko sa pride ko. Narinig ng iba pa naming kaklase ang usapan naming dalawa kaya naman nakigulo na rin sila.

"Ganito na lang kung sino matalo magiging slave for one week." ay nandito pala ang presence ni Albert? Siya ang lalaking version ni Nica. Tahimik masyado! I wonder paano nila nagagawang hindi magsalita. Nakakabaliw 'yon.

"Call" sabay naming sabi ni Caleb.

GAME ON!

ܹ

I Wish I Never Met You (Edited)Where stories live. Discover now