Chapter 32

143 2 0
                                    

Natapos ang exam namin na lantay ang istura ko. Hindi pumasok sa utak ko ang nga nireview ko kagabi. Kawawa na brain cellss koo!

Naglalakad ako ngayon sa hallway dahil tapos na ang exam namin. Tinapos namin lahat ngayon jusko isahan lahat.

Bigla kong nasalubong si Leonora, ang babaeng nasampal sa hallway nung nakaraan pa. Iiwas na sana ako kaso huli na ang lahat, nakita niya na ako. Lumapit agad siya sa akin.

"Oh my! Finally nakita din kitaa!!"

Napatingin sa amin ang ibang studyante, iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Tumingin lang ako sa babaeng nasa harap ko nakangiti ito sa akin. Napabuntong hininga ako.

"Ay you look tired beh, stress ba masyado exam?" She asked.

Nag simula akong mag lakad kaya sinabayan niya din ako. Nasa gilid ko siya habang nakapamulsa sa bulsa ng blazer niya.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Grabe ganyan mo ba talaga ako ka-hate? Ang cold ah?"

"Hindi kasi mainit kaya cold."

Natawa siya nang bahagya dahil doon. Umiling iling nalang ako na nag patuloy mag lakad.

"Y'know sabi nila kapag daw tinanong ka ng tanong wag mong sagutin, imbis na sagutin mo ay tanungin mo mismo yung tanong para makuha mo yung tamang sagot." Nakangiti niyang sinambit 'yon.

Napatulala naman ako saglitan dahil sa sinabi niya. Nagtataka ko siyang binalingan ng tingin.

"Huh?"

"Di mo gets noh? Gan'to kasi 'yan. Pag mahirap yung tanong sa test paper, imbis na mag 123 ka eh mas nakaka help pa yung tanungin mo yung tanong." Sabi niya.

Naguguluhan pa ako dahil doon. Huminto kami sa isang bench at naupo siya doon, hindi na sana ako uupo nang hilahin niya ako paupo. Wala na akong nagawa kundi ay umupo nalang din. Hindi kami naabot ng araw dito dahil may puno sa likod namin kaya medyo malilim. Tabi ito ng field.

Hinintay ko siyang mag salita ulit mukhang nakuha niya naman agad ang pinapahiwatig ko.

"Kasi pag tinanong mo yung tanong, makukuha mo agad yung sagot. Well 36% yes 64% naman ang No. Ibig sabihin niyan yung 36 ay totoo ang 64 ay hindi."

Natawa siya dahil doon. Napahilot nalang ako nang sintido dahil kumikirot 'yon.

"Aalis na ako." Tumayo na ako sa inuupuan namin.

Bigla niya akong hinawakan sa palpulsuhan ko para hilahin paupo ulit. Wala na akong nagawa dahil hindi niya talaga binitawan ang pulsuhan ko. Tinignan ko siya na ngayon ay nakangiti sa akin.

"What?"

"Grabe ka talaga hindi ka man lang mag tatanong kung nangyari sa akin?" Nakanguso niyang sambit. Para itong nagtatampo sa itsura niya. Napabuntong hininga ako.

"You look okay naman," I said to her.

She look at me, tumaas lang ang kilay ko.

"I'm not kaya."

Naging malumanay ang boses nito, nagtaka ako sa paraan ng pag sasalita niya.

"What happened? Binubully ka pa rin ng kapatid mo?" Tanong ko dito.

"Hindi ko kapatid 'yon!"

Nakatingin lang ako sa kanya, deretsong tingin at hindi inaalis ang paningin sa kanya. Yumuko siya nang kunti dahil sa paraan siguro nang pag titig ko sa kanya.

"You say so..."

"I swear halata namang na hindi ko kapatid 'yon!"

Tumango tango nalang ako sa kanya. Ngumuso siya ng maliit.

"Hindi naman na niya ako binubully dito sa school. . ." She said, i look at her. "Kaso pag dating sa bahay nagsisimula na naman siya."

"Lumayas ka nalang kaya sa bahay niyo." Biglaang sabi ko.

Halos gusto ko'ng hampasin ang bibig dahil sa sinabi. Aircon humor tayo dito eh bakit naman biglang naging kanto humor teh?! Nasabi ki nalang sa isip ko.

Umiwas nalang ako nang tingin. Narinig ko ang mahinang tawa niyang mapakla.

"Kung pwede lang, kaso kawawa ang mama ko ayaw kong iwanan siya." Sambit niya.

Hindi na ako sumagot, tumingin nalang ako sa harap namin. Mamaya pa ay nag salita ulit 'to.

"Ay nako! Wag na nga natin pag usapan 'yan. Balik tayo sa topic kanina, bakit ang lamig ng pakikitungo mo sa akin? Grabe ang unfair naman!"

Napailing iling nalang ako para kasi itong batang maliit na nag tatanong sa akin. Kumbaga ang nasa imahinasyon ko ay boses dwende siya.

"Because we're not close." I said.

Natigilan siya pero bigla ding ngumiti. "Kaya nga ginagawa ko best ko para maging mag close tayo!" She said.

Hindi siya mapakali sa inuupuan niya dahil nasa tabi ko na talaga siya ngayon at hinihila ang suot kong damit. Inuuga pa nito ang balikat ko pero hindi ako nag patinag.

"You don't need to, nag aaksaya ka lang ng oras." Sambit ko sa kanya.

She pouted and i look away.

"Grabe ka na ah, alam mo bang wala akong ka-close dito."

"Di ko alam wala akong pake." Nasabi ki nalang.

Umirap lang ito sa kawalan at nag dekwarto nang  upo. Umayos ako ng upo at sumandal sa upuan.

"Sa'n ka ba nag mana ng ugali ha?! Ang sama neto." Sumimangot ito.

Sa kapatid kong may tupak din sa ulo.

"Why are you here?"

Napapitlag ako sa gulat ng biglang sumulpot sa likod ko si Sage. Nilahad nito ang isang bottled water kaya kinuha ko 'yon.

"And who's this?" Tanong niya sa akin. Tinutukoy niya siguro yung kasama ko.

Napatingin ako sa kasama ko na ngayon ay tulala.

Nag tataka ko silang tinignan, pati ata itong si Sage ay nakatingin din sa kanya. Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Leor.

"I'm her friend! I'm Leonora!" She said to him.

"You're not my friend." Madiing sabi ko sa kanila.

Nakita ko silang dalawa na natigilian

What?

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now