Chapter 33

148 1 0
                                    

Biglang ngumisi si Sage sa akin tinignan ko siya nang nagtataka. Itong si Leor naman ay nakatingin din sa akin.

Tumikhim ako bago mag salita. "Leor, she's not my friend." I said.

"But soon to be!" Leor suddenly spoke.

I sighed.

"Never and never."

"Ang sakit mo talaga mag salita! Look and watch and listen! I'm gonna persuade you!"

Bumuntong nalang ulit ako dahil sa kakulitan niya, narinig ko nag mahinang pag tawa ni Sage sa likod na siya 'ding nakatingin sa aming dalawa. Binuksan ko nalang ang bottled water ko at ininom 'yon.

"Para kayong mag kapatid."

Umirap ako sa kawalan ng sambitin niya 'yon. Nakita ko ang pag ngiti nang malaki ni Leor. Hindi ako nag salita.

"Alam mo Leonora, pag pasensyahan mo na 'yang si Rein. Ayaw niya lang talaga makipag kaibigan sa mga babae." Sambit ni Sage kay Leor.

Nakita kong bumagsak ang balikat ni Leor dahil sa narinig niya, tumingin ito sa akin.

"And why is that?" Tanong nito.

Umiwas ako ng tingin.

"Basta."

"Sayang naman, pero gagawin ko lahat para maging close tayo!" Hinawakan nito ang braso ko kaya bigla akong napatingin sa kanya.

Napapagod kong hinawakan ang nuo ko gamit ang isa kong kamat at pagod na bumuntong hininga.

"How was your exam?"

Napatingin ako kay Sage na ngayon ay nasa harap ko. Nakakapit pa rin itong si Leor sa braso ko at hinayaan ko nalang siya.

"Hirap. Hindi pumasok sa utak ko lahat ng ni-review ko kagabi." Sambit ko.

I sighed again.

"Pang ilan mo nang buntong hininga 'yan." Biglang nagsalita itong katabi ko.

Kase pagod ako! Gusto kong isigaw kaso wala na rin akong energy.

"It's okay, at least you did your best." Ngumiti ito sa akin.

"Wait mag jowa ba kayo?" Biglaang salita na naman ng katabi ko.

Nanlaki naman ang mata ko at tumingin sa kanya. Umiling ako at sinabay pa ang kamay ko na magsiwas.

"Hindi, ano bang naiisip mo at nasabi mo 'yan?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Tumabingi ang ulo niya at tumingin kay Sage kaya napatingin na rin ako. At ang loko nakangiti na parang loko.

"Palagi ko kayong nakikita, I mean siya nakatingin sayo palagi tapos kung umakting parang boyfriend mo."

Napatigil ako. Sinamaan ko nang tingin si Sage na ngayon ay natatawang tinaas ang kamay.

"I'm innocent Naya i swear."

I glared at him. He just chuckled.

Tumingin ako kay Leor na ngayon ay nagtataka pa rin kaming tinitignan.

Ngumiti ako. "Don't mind him. He's not my boyfriend. He's my friend." Sambit ko at diniinan pa ang huli.

Tumingi ako kay Sage na ngayon ay naiiling na lang bigla. I grin out of nowhere. Panigurado sinasabunutan niya na ako ngayon sa isip niya.

"Weh?"

I look at Leor who's not believing of what i said. I just nodded to her.




"Ansakit mo mag salita, kaugali mo talaga kapatid mo." Parang batang sambit ni Sage.

Sinasabayan ako nito ngayon mag lakad palabas ng campus.

"Kambal ko eh malamang."

Narinig ko pa ang ilang reklamo niya.

"Wala bang level up?" He suddenly said.

I look at him and I raised an eyebrow. Nakapamulsa ang isang kamay nito at ang isa naman ay buhat ang bag niya na parang sako. Sa itsura niyang 'yan mukha siyang binully ng mga kanto.

"Anong level up?"

"Yang feelings mo. Wala ba?"

I sighed.

Huminto ako sa pag lalakad at hinarap siya. Tiningala ko siya nang kunti dahil may katangkaran ito. Tirik na tirik ang araw dahil bandang tanghali pa naman.

"Eh kung i-level up ko yang rejection mo?"

Sumimangot ito bago ako akbayan at nag simulang maglakad. Inalis ko ang pagkaka akbay niya pero binabalik niya rin 'yon.

"Ayaw mo ba talagang ligawan kita?" Biglaang tanong niya na naman.

Natahimik ako dahil doon. Nililigawan ako ni Alas at wala akong planong paasahin ang isang 'to. Bukod sa mag kaibigan kami na medyo, ay wala akong nararamdaman sa kanya na kahit ano. Ayoko namang sabihin sa kanya 'yon at baka bigla nalang ako ingudngud dito sa daan.

Umiling lang ako bilang sagot, natahimik siya dahil doon. Tahimik kaming dalawa hanggang makarating sa labas ng gate.

Hinarap niya ako at tinanggal ang tali ng buhok ko.

"Ano ba! Langya ka!" Singhal ko dito.

Inayos ko ang buhok ko at sinamaan siya ng tingin.

"Cute mo." Nakangiti niyang saad.

"Inamo."

Tumawa ito at inabot ang ipit ng buhok ko na binigay niya kanina. Aabutin ko na sana 'yon ng bigla niyang nilayo. I glared at him that made him chuckled. Nilapit nito bigla ang mukha niya kaya napa atras ako.

Nilapit niya ang mukha niya bansa sa gilid ko, ngayon ay ramdam ako ang pag hinga niya sa tainga ko. Nanigas ang katawan ko dahil sa ginagawa niya.

"I will do everything, even if you don't feel anything for me." He whispered to my ear.

Nilayo niya na ang mukha niya sa akin at ngayon at nakangiti na sa harap ko. Hindi ako nakakilos agad agad, nakatulala pa rin ako sa harap niya.

Inipit niya ang buhok ko sa tainga ko, umayos siya ng tayo. He snapped his finger. Nabalik ako sa wisyo.

"What was that for?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"...."

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Ngumiti lang ito. Bumuntong hininga ako sa kanya.

"Umalis ka na kay–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng magsalita siya.

"That man he's been looking at us for a while."

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Nakatingin ito ng deretso sa mga mata ko at seryoso ang istura niya. Pasimple kong nilinga ang paningin ko pero wala naman akong nakita.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya. "Who?"

"Don't trust to anyone, Rein."

I looked at him confused, because he suddenly became serious like never before. Yes, he's being serious pero hindi yung ganito. Kakaiba ang nararamdaman ko, kaba at pangamba na hindi ko maipaliwanag, pakiramdam ko ay naramdaman ko na ito dati pa.

Kinain kami nang katahimikan. Maya maya pa ay hinawakan nito ay balikat ko at tinapik. Napatingin ako sa kanya at hindi sumagot.

"I'm sorry."

"Leave now," i said to him.

He sighed before nodded. Before he leave he suddenly hug me out of nowhere. Hindi ako nakakilos agad.

Umalis din siya pag katapos ay ngumiti kasabag ng pagtalikod niya sa akin. Naiwan akong nakatulala.

"Rein."

I heard a cold voice coming from behind me.

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now