Chapter 26

169 1 0
                                    


Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng gutom. Medyo nawala na rin ang sakit sa puson ko, hindi ko namalayan kanina na nakatulog na ako dahil siguro sa sakit kaya naitulog ko nalang. Tumayo na ako sa higaan ko at lumapit sa pintuan. Binuksan ko 'yon at madilim na ang bumungad sa akin, sobrang tahimik napatingin ako sa orasan na nakadikit sa pader at nakitang pasadong alas-tres na ng umaga.


Dahan dahan akong nag lakad papuntang kusina, binuksan ko ang ilaw doon at tinignan ang loob ng ref kung may makakain pa. Nakita ko ang isang mangkok na may lamang chicken wings, kinuha ko 'yon at nilagay sa loob ng oven at pinainit ng ilang minuto.


Naupo muna ako sa upuan habang hinihintay na tumunog yung oven. Napahilot ko ang sintido ko nang biglang kumirot 'yon. Nagugutom na talaga ako, hindi ko kasi alam na ngayon ako dadatnan I mean kagabi pala nakakahiya kay Alas!


Umuwi na kaya 'yon? Dumukdok nalang ako sa lamesa at pinikit ang mata, sumasakit na naman kasi ang puson ko kaya kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Dapat hindi matuon ang atensyon ko sa puson ko dahil kundi sasakit lalo. Narinig kong tumunog na agad yung oven kaya tumayo ako ng dahan dahan at hawak ang tyang naglalakad.



Kinuha ko na agad 'yon at nilapag sa table, sinilip ko ang rice cooker kung may kanina ba at ng makitang meron ay kumuha na ako ng plato para simulang kumain.



Tahimik lang akong kumakain ng makarinig ako ng kaluskos sa paligid. Napatigil ako sa pagsubo at pinakiramdaman ang paligid ko. Hindi na muli ako nakarinig ng kaluskos kaya binalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa kinakain ko. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ako, tinambak ko nalang 'yon sa lababo at umalis na sa kusina.



Nadaanan ko ang sala at bahagyang nagulat ng makitang may nakahiga sa sofa, nakabalot ito ng kumot na parang lumpia. Naglakad ako papalapit doon sa tao na 'yon ng dahan dahan, ng makalapit sa kinaroroonan niya ay bahagya kong inangat ang kumot sa ulo niya at sinilip kung sino. Napanganga nalang ako ng makitang si Alas 'yon.


Marahan kong hinawakan ang buhok niya at hinaplos iyon ng dahan dahan, nangingiti naman ako dahil doon. Bahagya siyang gumalaw kaya nilayo ko agad ang kamay ko, at ako naman ay nagulat ng nag mulat siya ng mata at tinitigan ako.


"Ang ganda mo." He said in a whisper, his eyes were still closed, obviously still sleepy.


Pasimple akong umirap kaya natawa siya ng mahina. Umayos siya ng higa at humarap sa akin.



"I must have dreamed." He said. Umiling ako ng mahina at hinawakan ang mukha niya.



"Your hand is warm," he took my hand and brought it to his lips and planted a kiss on it.


Bahagya akong namula dahil doon. "Are you okay now? Hmm?" He suddenly asked me.


Tumango ako ng bahagya sa kanya, napangiti siya dahil doon. Umupo siya sa sofa na hinihigaan niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya at napaupo ako sa tabi niya. Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko.


"Bakit gising ka pa?" Mahinang tanong niya.


"Nagugutom ako kaya nagising ako."


Umalis siya bigla sa pagkakasandal at nilingon ako. Nagdikit ang mga kilay niya, kahit na medyo madilim banda dito sa sala ay nakikita pa rin ang angking niyang kagwapohan.


"What do you want to eat? Magluluto ako."


"Okay na kakatapos ko lang kumain."


Ngumiti ako sa kanya at linayo ang kilay niyang nagdidikit na.


"Sleep ka na ulit nagising tuloy kita." Sabi ko sa kanya.


Hinapit niya ang baywang ko at yinakap ako. Yinakap ko din siya pabalik, pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan siyang yakapin lang ako.


"It's okay, you should rest rein." He whispered.


Liningon ko siya, hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay.


"Matutulog na ako."


"Then let's go to sleep."


Bigla niya akong hinila pahiga sa tabi niya, nagulat ako dahil doon. Nakayakap siya patalikod sa akin at ako naman ay hindi makagalaw dahil pa rin sa gulat.


"A-alas babalik na ako sa kwarto." Mahinang sabi ko.


Nakaunan ako sa braso niya at ang isa niyang kamay ay nakayakap sa akin.


"Wag na dito na kasya naman tayo."


Hinarap ko siya pero wrong move dahil sobrang lapit naming dalawa.


Umiwas agad ako ng mukha. "Baliw ka ba makita tayo ng kuya ko!" Mahinang sambit ko dito.


"He's sleeping."



"Ewan sayo, babalik na ako sa room ko." Tinanggal ko ang pagkakayap niya at umupo.


Mahina siyang natawa at umupo din, ngayon ay dalawa na kaming nakaupo. Inayos niya ang buhok kong nakabuhaghag sa mukha ko at nilagay 'yon sa gilid ng buhok ko.


"Just kidding, go back na sleep ka na ulit maaga pa just rest again hmm?"


Tumango ako, linapit niya ng bahagya ang mukha niya sa akin at pinatakan ng halik ang nuo ko. Hindi naman ako nakakilos dahil doon.


"How about you?" I asked him.


"Me?"


"Yes," tumango ako sa kanya.


"What about me?" He asked.


Napakamot ako sa kilay ko. "Okay lang na dito ka matulog?" Tanong ko sa kanya.


"Don't worry I'm okay here, ayaw ng kuya mo ng may katabi matulog eh." He said.


Napanguso ako dahil doon, natawa siya ng mahina at inangat ang mukha ko paharap sa kanya. Bigla niyang pinatakan ng halik ang pisnge ko na naginh sanhi upang mamula ang mukha ko.



"Don't worry sanay na ako matulog sa ganto, go back to your room na matulog then mag rest ka hmm?"


Tumango nalang ako at tumayo na, tinignan ko pa siya ulit at ngumiti lang siya ng bahagya.


"Goodnight Alas."


"Goodnight too have a good rest."


Ngumiti ako at tumalikod na, tumungo na ako sa kwarto ko at pumasok doon. Dumeretso ako sa kama at humiga ng payapa doon.


Simula nung umamin si Alas sa akin ay hindi pa rin ako nasasanay, nanliligaw palang siya! Bumuntong hininga ako ay yinakap ang isang unan at pumikit.

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now