Chapter 47

116 1 0
                                    

Tila napaso ang mga labi namin ni alas at naitulak ko nalang siya dahilan para ako naman ay mahulog sa sahig. Lagapak ang balakang ko hindi ko alam kung anong una ang mararamdaman ko, hiya ba o sakit.

"Fuck. Are you alright? Why did you push me?" Alas immediately helped me stand up and made me sit on the sofa.

Ako naman ay hinihimas ang balakang ko, pakiramdam ko ay naputulan ako nang buto dahil sa pagkahulog ko. Biglang hinahawak ni alas ang likod ng balakang ko at siya na itong hinihilot 'yon kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso siya sa ginagawa niya. Kahit papaano ay medyo nawala na ang sakit.

Bigla kong naalala may narinig akong nagsalita, kasabay din no'n ang pakiramdam na para bang may nakatingin sa aming dalawa ni alas. Napaawang ang bibig ko nang makita kung sino ang nasa pintuan at may madilim na aura habang nakatingin sa amin.

"K-kuya...?" Halos sa hangin ko na binulong ang pagtawag sa kanya.

Naghalo bigla ang pakiramdam ko nang makita siya. Ang laki nang pinagbago niya, ang kulay niyang itim na buhok ay nahing ash gray na 'to. Hindi ko na mapag kaila na mas lalo ngang gumwapo 'to. Dahan dahan akong tumayo na alam kong pinagtaka ni alas sa tabi ko. Pero hindi din nag tagal ay narinig ko ang mahina niyang pagmura.

I slowly walked closer to my brother's place. Even though my knees were shaking, I tried to get closer, I couldn't deny that I had a grudge against him. Wala itong emosyon habang nakatingin sa akin.

At nang makalapit ay huminga ako nang malalim bago siya tignamn sa mata, nagtitigan kami nang walang kibo.

"B-bakit ka..." Lumunok ako, pakiramdam ko ay may kung anong tinik ang tumusok sa lalamunan ko. "Bakit ka pa nagpakita?"

Nakita kong natigilan ito. I didn't break our eye contact.

"Why? Why did you show up??"

Hindi ito nakasagot, tumalim ang tingin ko sa kanya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa pagpipigil ko nang luha. Nakita ko ang pagdaan ng kung anong expression sa mga mata niya. Naging malikot ang mata niya habang nakatingin sa akin. Akmang hahawakan ako nito ng iniwas ko ang braso ko sa kanya.

"I hate you."

That's it.

Dumaan ang sakit sa mata niya nang marinig 'yon, sinubukan niya ulit akong hawakan ngunit ako na ang umatras.

"R-rein... Please? Let kuya explain..." His voice became crack while saying that.

"Na ano? Kung bakit ka nawala? Kung bakit hindi ka na nag pakita? Kung bakit wala ka nang paramdam?" Natawa ako nang pagak. "Umalis ka... Umalis ka nang walang sinasabi sa akin. I try to contact you for fucking days, weeks. Tapos ngayon andito ka?" I laugh sarcastically.

"B-baby please...  let kuya explain."

"Kung ano anong nangyayari sa akin kuya. I lost my memories, na-coma ako kuya..." Nahihirapang sambit ko. "Hanggang panaginip at pag gising ko, ikaw hinahanap ko... Bakit ha?! Bakit andito ka?!" Hindi ko na napigilang sigawan siya habang pumapatak na ang luha ko.

Hindi niya na nagawang magsalita dahil umiiyak na rin ito habang nakatingin sa akin. Hindi siya kumikibonat tanging pag tangis lang kagaya ko.

I hold my chest because of the pain i felt right now. "Selfish ba tawag dyan? Hindi ka magparamdam for almost a months, maintindihan naman kita eh kung kahit isang message isang tawag or paramdam man lang."

"S-sinubukan ko rein, sinubukan ko..."

Para bang hirap na hirap ito, pinunasan ko ang luha ko sa mukha pero nagpatuloy tuloy lang ang mga luha ko na mahulog.

"S-sasabihin ko sayo lahat... But please calm down rein... W-wag ganito mhmm?" He try to hold me pero umiiwas lang ako.

"You don't need to. Umalis ka na." Naging malamig ang boses ko.

Nakita kong natigilan siya, bumaba ang tingin niya sa kamay niya pababa sa sahig. May kung anong tumusok sa puso ko dahil doon. Gusto kong bawiin sa kanya ang mga sinabi ko pero hindi ko na nagawa pang makapag salita dahil pinapangunahan ako nang lintek na hikbi ko.

"U-umalis ka na..."

Wag kang aalis, dito ka muna..

Gusto kong sabihin 'yon ngunit iba ang lumalabas sa sarili kong bibig. He wipes his own tears before looking at me. Ngumiti siya nang maliit ngunit ma halong lungkot doon.

"I will. Just take your time, pupunta ulit ako dito..."

Tamulikod na ito sa akin kasabay ng pagsarado nang pinto ay siyang pagka upo ko sa sahig. Napatakip ako ng bibig at hindi napigilan ang hikbing pinipigilan ko kanina.

"Everything is gonna be alright, it's okay rein, it's okay. . ." Alas hug me.

Napasubsob nalang ako sa balikat niya at doon umiyak ng umiyak. Habang siya ay sinusubukan na pakalmahin ako.



"I'm going outside, babalik din ako," rinig kong paalam niya.

Nakatalikod ako dito at nakapikit ang mata. Naramdaman kong pinatakan niya nang halik ang ulo ko bago ko narinig ang mga yapak niya papalayo sa pwesto ko kasabay no'n ang pag bukas at sarado nang pintuan.

Minulat ko ang mata ko at dumeretso agad ang tingin sa labas ng bintana. Kinapa ko ang mga talukap ng mata ko at naramdaman na medyo namamaga ito. Nanginig ang labi ko at bumuntong hininga.

Matapos ang nangyari kanina ay hindi ko na din alam kung paano ako napunta dito sa kama ko. Alam kong mali lahat ng sinabi ko kanina. Dapat hinayaan ko si kuya mag explain sa akin pero ako itong pinagtatabuyan pa siya.

Nanikip na naman ang dibdib ko.

Pumikit nalang ako at hinayaan na pakalmahin ang sarili ko. I heard the doors open. Hindi ko na nagawa pang lumingon pa.

"Ay tulog, check ko lang vital signs niyo miss naya ah."

Another nurse came again to check me. Nakapikit lang ako at nagpapanggap na tulog. Masyadong pagod ang mga mata ko para imulat ang mga 'yon.

"Ang gwapo nung mga lalaki sa labas ma'am, boyfriend niyo po ba yung isa? Tapos yung isa naman parang magkamukha kayo."

Nasa labas sila??

Hindi ako umimik.

"Para silang nag aaway kaya pinalabas sila, nako masyado na ata akong chismosa."

Napamulat ako. Nag aaway?? Langya ah..

"Sign na ata 'to nang kabaliwan, cause of kabaliwan is ka stressan." Natawa pa ito. "Okay na ma'am, take your rest po." Nag paalam na ito.

Pumikit nalang ako ulit dahil nakaramdam na ako nang antok. Hindi ko alam sa pag iyak ko o ano. Nilamon na ako nang kadiliman.

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now