Chapter 29

147 1 0
                                    

"Huh?" Nagtaka ito sa sinabi ko.

"Tayo ka daw sa harap, kanina ka pa tinatawag ni prof."

Nanlalaki ang mga mata niya kasabay no'n ay ang pagtayo niya, muntik pa siyang matumba na siya ding muntik ko nang maitawa. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya at pinigilan ang sariling matawa.

Naglakad ito papalapit sa Prof namin at mukhang kinakausap ata.

"GO BACK TO YOUR SIT!"

Kinagulat naman ng mga kaklase ko ang pag sigaw ng prof namin, namumula ang mukha nito na para bang nagpipigil ng galit. At ako naman ay nag pipigil ng tawa. Tinignan ako ng masama ni Sage at tahimik na bumalik sa upuan.

"Bastos."

Tinignan ko siya at halatang bad trip ang mukha niya, mahina ko siyang tinawanan na siya ding kinasama ng tingin niya sa akin.

"Yan tutulog tulog ka kasi." Natatawang aniko sa kanya.

Inirapan niya lang ako, naiiling akong napangiti.

You're back to yourself. Ya'n ang kilala ko.

Sinabi ko sa kanya na may test kami, mahina pa nga itong nag reklamo pero wala ding nagawa dahil nagsisimula na ang test namin. Sa buong oras na 'yon at focus kaming lahat mag sagot. Tumingin ako ng palihim sa katabi ko at seryoso din itong nagsasagot. Pagkalipas ng kalahating oras ay natapos na din ako na sinundan ng ilan naming kaklase at ang katabi ko.

Inunat ko ang braso ako at bahagyang napahikab.

Nagsasagot pa ang iba kaya naman ay tumahimik nalang ako. Ilang minuto din ng sabihin ng prof namin na tapos na ang oras, gaya kanina ay walang nagawa ang iba at pinasa nalang sa harap. Inabot ko nalang ang papel ko sa kahit kanino at dumukdok na naman sa lamesa.

Wala kaming klase dahil bakante ang schedule time namin ngayon. Kaya ang ginagawa na naman siguro nang mga kaklase ko ay ganun pa din.

Bandang uwian ng lahat ay inaya ako ni Sage na mag usap kaming dalawa sa rooftop. Nakaupo kami ngayon sa edges ng rooftop at tahimik na dinamdam ang malamig at sariwang hangin.

Hindi ko malabas ang yosi ko ulit sa bulsa dahil baka may kinabit silang CCTV dito sa rooftop. Mahirap na kapag nahuli.

"Don't worry walang cctv dito." He suddenly said.

I look at him and saw the he also looking at me. I feel akward. I immediately grab some cigarettes in my pocket and lit up'.

He's being weird day by day. Hindi lang ako nag rereact pero nakikiramdam ako. Hindi naman kasi kami close nitong katabi ko, medyo lang. Tumikhim ito kaya napatingin ako sa kanya.

"Hirap pala pag 'di ka gusto ng gusto mo no?" He said.

I inhale the yosi in my hand and blew it out. Ramdam ko ang kaba niya sa bawat pag banggit ng mga salita niya.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya.

Sandaling katahimikan ang yumakap sa amin, ang simoy na hangin lamang ang naririnig at nararamdaman. Papalubog narin ang araw, kasabay non ang pagbuga ko nang usok.

"Joke lang naman," tumawa ito nang pagak.

Natahimik ulit siya, nagtataka ko na siyang tinignan. Maya maya pa ay bumuntong hininga ito at tumingin sa malayo.

"Sometimes we can't really get the things we would always wish to have, ganon kaselfish ang mundo."

Mahina kong tinapik ang balikat niya. Broken siguro 'to

Lady Red Dress (Past Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora