Chapter 7

219 2 0
                                    


"W-wha-"

"Watawat."

Nahahalata na sa mukha ng kaharap ko ang inis, well mainis ka lang mamaya pa kita gagantihan sa pagsampal mo.

Liningon ko ang katabi ko na ngayon ay inaayos ang blazer na bigay ko. Nagkasya naman sa kanya dahil medyo maliit ito babae kumpara sa'kin. Tumingin ako sa mga grupo ng mga studyanteng may hawak hawak na cellphone na tila ba kinukunan nila ng video ang babaeng ito. Sinamaan ko sila ng tingin na ikinaiwas nila.

"H-hey bakit ka nangingielam?!" She shouted at me.

Ako? Tumingin ako sa gilid at likod ko bago ituro ng patanong ang sarili ko. Kita talaga sa mukha niya ang inis kaya natawa ako. Pinahid ko ang labi ko at hinarap siya ng maayos.

"Should i kick you? Or beat? Or either mhmm wait a minute I'm thinking." I chuckled while putting an act.

She looked shock on what I said!

"Or slap you?"

"Oh no.."

I hear other students gasp, lumapit ako ng kunti sa kanya at tinapik ng mahina ang mukha niya.

"You slapped me, and you dare to shout at me?"

Ayoko mag simula ng gulo pero anak ng tipaklong ang walang ganti sa masamang pugad na'to.

"Nag hahanap ka ng gulo diba? Audience ba kamo? Here! Andito na sila nanunuod sa makapal mong mukha." Pasimple kong tinuro ang mga studyanteng nanunuod sa amin.

"B-bakit ka ba nangingielam? Away naming mag k-kapatid 'to."

"Oh really?" I asked her.

Lumikot ang mata niya kaya napangisi ako ng palihim.

"I'm not the one to handle and fix your problem. The one who raises will arrange and decide for you." I said.

Namutla siya at biglang tinignan ako.

"N-no please i w-was teaching her lesson she's my s-sister!" Nauutal na sambit niya.

"Y-you're not my sister! You bitch!"

Gulat kong tinignan ang babaeng nasa tabi ko ng sumabat ito. Tinignan ko ang babaeng kaharap ko at mas lalo itong namutla.

"Oh my my~ hindi naman pala ikaw kapatid niya eh." I grabbed my phone in my pocket and check the contact.

Hinanap ko ang number ni Dean, at ng makita ito at pinakita ko sa kanya.

"Look, this is your sign para magdasal ka na!" Natatawa kong saad.

"D-dont pleas-" hindi niya naituloy ng may sumigaw.

"DON'T!" Tinignan ko ang isang babae at tinignan ang kaharap ko.

Tatanungin ko sana kung 'kakampi mo?' kaso sumigaw ulit yung babae.

"DON'T STOP GO ON!"

Tumawa ako ng mahina at tinignan ang babaeng nasa harap ko, rinig din naman ang nga tawanan ng nga studyante na naririto.

"Paano ba yan, don't stop daw at go on." I tease her.

Nag iba ang expression ng mukha niya at akmang aagawin ang phone ko ay aksidente kong nasapak ang mukha niya.

Eh? Tapos na agad?

Knock out.

Napakamot ako sa ulo, nalakasan ko ata ng sapak kaya nakatulog.

"Hoy tulog ka na?" Sinipa ko ng mahina ang katawan niyang nasa lapag.

"Grabe ka naman bakit dyan ka natutulog, hays!" Kunwaring na sstress na sabi ko.

Tumingin ako sa mga studyanteng nanunuod at may gulat sa mukha nila. Yumuko ako at ngumiti sa kanila.

"I'm sorry for causing such a trouble! Hindi ko nasadya na oo!"

Natawa ang ilan at ang iba ay gulat pa rin, tumawag ako ng ilang studyante para ipabuhat itong higad na nasa lapag at dalhin sa clinic.

Nang matapos ang eksena ay aalis na sana ako ng may humila ng braso ko. Napatingin ako dito.

"T-thank you." Nahihiyang sabi niya.

Bumuntong hininga lang ako at tinignan siya. Hindi pa ba siya aalis para mag bihis? Or bet niyang rumampa ng ganyan ang itsura? Hindi ko namalayan na natabingi ko ang mukha ko kakatingin sa kanya.

"Fix yourself, ibalik mo nalang ang blazer ko pag nakita mo ako." I said before leaving, she smiled at me and bowed slightly.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang gilid ng labi kong may sugat. Ang lakas mang sampal tulog naman nung sinuntok.

Mahinang nilalang!

I look at the time, hindi pa tapos ang break time kaya pumunta na ako ng rooftop, ng makarating at sinarado ko ang pintuan para walang makapasok.

"Yes peacefully!" I shouted.

Dumeretso ako sa isang umupan at umupo doon. Kumuha ako ng isang sigarilyo sa kaha at sinindihan iyon. Makakahinga na ako ng maluwag, wala ng sagabal na nakaharang sa daan ng kapayapaan.

Tumingala ako bago binuga ang usok na nasa bibig ko. Kahit saan nasusundan ako ng gulo, i was just helping that girl pero nasampal kasi sinalo. Sinong tanga?

Paniguradong makakarating na naman ang balita sa angkan ako hindi na muna ata ako uuwi mamaya total ayoko pang malibing sa mga salita nila.

Tumunog ang phone ko at sinagot ko naman.

"Dean wants to talk to you." Yun lang at pinatayan na ako.

Naiiling kong tinapos ang yosi ko bago nag stay muna ng ilang minuto para mawala ang amoy. Tumayo na ako at umalis na.

Tinungo ko ang papunta sa office ng Dean pag uusapan siguro namin ang issue kanina, gising na ata ang bruha kaya nag sumbong.

Nang makarating ay kumatok ako at pumasok wala ng hintay hintay ng sagot.

"You're late."

I looked at a person who spoke on the side and was sitting on the couch. He was the one who called me the secretary of the Dean, Hael.

"Where's Dean?" I asked him.

Umupo ako sa kaharap niyang couch at linibot ang tingin sa kwarto, wala akong nakitang impakta kaya tulog pa siguro 'yon at binabangungot na ngayon.

Kasabay ng pagbukas ng pintuan ay pumasok ang araw ng bansa! Si dean at ang mahiwaga niyang ulong kay kinis.

Umupo ito sa upuan niya at tinignan ako, tinignan ko din siya hanggang sa mag ka titignan nalang kami, in the end ay inalis niya na ang tingin niya.

Staring contest pala ang gusto mo ako pa kinalaban mo eh magaling ako dyan, tsk!

"So what happened early Ms. Santiago?"

Napahawak ako sa baba ko ay nag iisip kung anong tinutukoy niya kahit na alam ko kung ano.

"What do you mean, dean?" Tanong ko dito.

Matunog itong bumuntong hininga at tinignan ako na para bang sawang sawa na siya sa ugali ko.

"The fight you cause earlier!" He shouted.

"Hindi ako nagsimula non!" Sinigaw ko din.

"Then who?"

"Well.." i tell him what exactly happened after that i pointed my lips.

"See this, sinampal ako at aksidente kong nasapak kaya tulog." Pagtatapos ko sa usapan.

Napatampal ito sa nuo. "I'm gonna tell this to your parents Ms. Santiago."

Tumango lang ako dahil wala naman akong magagawa. Basta hindi ako uuwi mamaya!

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now