Chapter 27

168 1 0
                                    


The day and the day.


I got out of my brother's car who drove me to my school. I wave him as goodbye when i close his car door. He mouth at me a 'take care' so i nodded at him. After that he drives away.


Nasimula akong maglakad sa loon ng campus namin, maaga pa naman at mamayang 9 o'clock ang klase ko. Naglakad lakad lang ako, ang ibang department na nadadaanan ko ay kinakawayan pa ako kaya ngumingiti nalang ako pabalik, tulad nila ay wala din siguro silang klase or either tapos na.


Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Cj, may hawak itong libro habang nag babasa, hindi ko na sana siya papansinin at linampasan nalang siya nang bigla niyang hawakan ang palpulsuhan ko kaya napatingin ako sa kanya.


"Uhm. . . You want some coffee?"


I stared at him then nodded my head, he have a smiles on his face. I look at his hand who's holding mine, he let go my wrist.


"I'm sorry for that." Anito. Umiling lang ako sa kanya para sabihing okay lang.


"Let's go libre mo naman siguro no?" I said.


Tumawa siya ng mahina at naglakad na sumabay naman ako sa kanya. Ngayon ay nag lalakad na kaming dalawa papalabas ng campus namin, sa labas kasi ng school namin ay may sikat na coffee shop kaya doon kami pumunta ni Cj.


Pag pasok namin ay sobrang tahimik tanging classical music ang maririnig. Napaka Instagram spot din ng loob, kaya naging sikat siguro ito dahil ganito ang sound. Pinaghalong historical at new generation ang theme. Halata talagang nakikisabay sila sa uso o ano pa man.


"What do you want?" Cj suddenly asked me.


Natigil ako sa pag linga sa paligid at tinignan ang mga benta nila sa nakasulat sa taas.


"Latte macchiato nalang," i said to him.


He told to the crew what we order so i find a seat. Nakahanap ako ng spot malapit sa bintana, couch ang upuan at mukhang comfortable talaga umupo doon. Agad akong tumungo doon at naupo. Hinintay ko siyang matapos, at maya maya nga ay may bit bit na siyang order na galing din mismo sa amin. Self service pala 'tong coffee shop.


"Thanks."


Inabot ko ang latte macchiato ako at sumimsim, ang sarap grabe. Matamis at sakto lang sa panlasa ko grabe!


"I think you liked it." He said.


Tumango ako, paborito ko kasi itong inumin. I'm not into sweet drinks pero masarap kasi 'to kaya sige na dyan.


"This is one of my favorites," I smiled.


Tumango tango lang siya at sumimsim lang din ng binili niya. Maya maya pa ay tumingin siya sa akin at mukhang may sasabihin.


"Rein, do you have a boyfriend?" He suddenly said.


Muntik ko ng mabuga ang iniinom ko sa kanya, nanlalaki ang mga mata ko siyang tinignan at napalunok seryoso pa din kasi ang itsura nito habang hinihintay na sumagot ako.


"Bakit mo natanong?"


"Nothing, forgot about that." He sighed and sip his coffee.


Naiwan naman akong nagtataka pa rin dahil sa tanong niya. Well wala pa naman akong boyfriend, suitor meron at si Alas 'yon. Wala naman akong balak sagutin si Alas na agaran bigla. Kaya siguro ay wala pa. Gusto ko mang sabihin sa kanya na wala pa ay tumahimik nalang ako.


Tumingin ako sa may bintana at tinignan ang mga sasakyang nag dadaanan. Mamaya maya pa ay narinig kong bumukas ang pintuan ng coffee shop. Nakarinig kami ng maiingay na grupo ng studyante.


"Grabe ang ganda pala dito si Coffeday!"


"I told you maganda dito."


"Ang galing mo talaga pumili."


"Syempre ako pa, balita ko madaming poging pumunta dito."


Naiiling nalang ako sa huling narinig ko, ganyan na eh basta pogi sige go, pero pag pangit nako.



"Balita ko yung barista dito may biceps tapos ampogi!!"


Naknang pucha.


"Hoy tahimik nga kayo nakakahiya kayo kasama ang iingay niyo."


Narinig ko pa silang nag iingay at hindi ko nalang sila pinag tuunan ng pansin. Tinignan ko ang oras at nakitang 8:39 na pala, tumingin ako sa kaharap ko na nakatingin pala sa akin. Bigla itong napa ayos ng upo.


"Uhm malapit na time ko. Should we go?"


Inubos nito ang iniinom niya at ako naman ay tumayo na at ng makitang tapos na siya ay tumayo na rin siya, nung bigla akong humarap ay saktong may bumangga sa akin at ramdam ko ang sarili kong matutumba na anytime. Napapikit nalang ako pero agad ding napamulat ng may naramdaman akong sumalo sa akin.


"Okay ka lang?" Cj asked me.


Bigla akong napa ayos at tumayo, tinignan ko ang bumangga sa akin at nakita pati siya ay nagugulat.


"I-i'm sorry po ate!" Bigla itong yumuko at humingi ng tawad.


Nag tinginan ang mga tao sa loob kaya nailang ako.


"It's okay just be careful next time." I said.


Ngumiti siya sa akin at humingi ulit ng tawad. Nagawi naman ang tingin ko sa isang table kung saan may lalaking nakatingin sa akin, hindi ko lang masyadong maaninag ang mukha nito dahil naka sumbrero ito. Bigla akong hinila ni Cj palabas ng coffee shop.


"Ikaw ata ang hindi okay sa ating dalawa." Aniko sa kanya, mukha kasi siyang mawawalan ng dugo dahil sa biglaang pag putla niya.


Hinarap niya lang ako at ngumiti. "Let's go don't mind me." He said.



Hinatid niya ako sa room, akala ko ay nalampasan niya na naman ang kwarto niya pero ngayon ay hinatid niya na ako. Saktong pag pasok ko ay bahagya akong nagulat dahil sumalobong sa'kin ang nakakunot na nuona si Sage. Masama ang tingin niya sa akin kaya naman nag tataka ko siyang tinignan.


"What's your problem na naman? Aga aga nakakunot nuo mo." Sambit ko.


Lumapit ako sa upuan ko at nilagay ang gamit ko sa upuan. Hinarap ko siya at nanatiling ganon pa rin ang itsura niya.


"Bakit mo kasama 'yon?" Tanong niya.


Nagtaka naman ako pero nakuha ko din kung anong tinutukoy niya.


"He treats me a coffee near this school that's why kasama ko siya." Sabi ko, walang kibo akong umupo sa upuan ko.


Wala pang tao sa room namin at paniguradong nasa labas ang mga ito.


"Is that so?"


Tumingin ako sa kanya, masama ang tingin niya sa labas ng pintuan kung saan ako pumasok. Hindi siya kumibo pagkatapos at umalis nalang bigla.


Anyare?

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now