Chapter 11

206 2 0
                                    


Trigger Warning: Self Harm

Hinihingal akong napabangon at tila nauubusan ng hangin, natataranta kong hinanap ang inhaler ko. Tanging ilaw lamang na nanggagaling sa lamp ko ay liwanag. Hindi mapakali ang kamay ko sa paghahanap dahil pakiramdam ko ay mauubusan na talaga ako ng hininga. May nakapa ako sa isa drawer ng side table ko kaya kinuha ko ito agad at hindi na ako nag abala tignan iyon.

Linagay ko 'yon sa bibig ko at napasandal nalang ako sa gilid habang nakasalampak sa sahig ng makahigop ng hangin ay napapikit ako at hinihintay na kumalma ang sarili.

"Mhmm.."

Narinig ko ang mahinang ungot ni kuya ngunit hindi ko 'yon pinag tuunan ng pansin. Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, ilang minuto ang tinagal ko bago minulat ang mata nanginginig kong binaba sa sahig ang inhaler ko.

Mahigpit kong hinawakan ang anit ng buhok ko at binalik sa isipan kung anong klaseng panaginip ang nakita ko. Pakiramdam ko ay totoo lahat ng iyon. Parang mawawalan ako ng katinuan.

"Rein?"

Hindi ako sumagot, narinig kong bumangon ito pero hindi ako gumalaw sa gilid ng kama. Yinuko ang ulo habang hawal hawak ang anit ng buhok ko mahigpit ko iyong hinawakan.

"Rein? Baby where are you?"

"Stay here!"

Humigpit lalo ang paghawak ko sa anit ng buhok ko, naramdaman ko ang ilang pag tanggal ng ilang piraso nito.

Naramdaman ko ang pagbigat ng hininga ko pero nanatiling nakayuko pa rin ang ulo sa tuhod ko.

"Rein? What happened?!" Naramdaman ko ang pag hawak nito sa akin ngunit hindi man lang ako gumalaw.

"H-hey baby, Stop pulling your hair."

Hinawakan nito ang kamay ko at nilayo mismo sa ulo ko. Naramdaman ko hinamas niya iyon na para bang tinatanggal ang nasamang pirasong buhok ko.

"B-baby what happened hmm? Talk to kuya please." He begged me tenderly.

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya. Walang lumalabas na salita sa bibig ko nakatingin lamang ako sa kanya. Ang mukha niyang nababakas ang pag aalala at takot. Hindi mawari kung anong nangyari.

He was still holding my hand and caressing it slowly. He looked at my whole face, he held my face and caressed it slowly. Ngayon ko lang naramdaman na basa ang mga pisnge ko dahil sa luha na kanina pa kumakawala.

Tumayo siya at binuhat ako paupo sa kama pagkatapos non ay tumungo siya sa sindihan ng ilaw para buksan. Pagkatingin niya dito ay lumaki ang mata niya dahil sa kalat sa sahig. Lumapit siya roon at tahimik na inayos na lamang ang kalat. Dumapo ang kamay niya sa inhaler ko at tinignan ako, iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Hanggang sa matapos siya ay tahimik lang siyang nakatingin sa akin, hinahaplos nito ngayon ang buhok ko.

"Rein.. talk to kuya please?"

Umupo siya sa tabi ko at pinaharap ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin pero nahahalata pa rin ang pag aalala at takot niya.

"What happened baby? You can tell me mhmm?" He gently asked me.

"I-i..." Nauutal na panimula ko.

Ayon na naman ang mabigat na pakiramdam, huminga ako ng malalim at tinignan siya.

"I have a nightmare," pagsabi ko dito.

"It's terrible nightmare... It feels real." I said.

Kumunot ang nuo niya. "Anong klaseng nightmare?" He said.

Mabigat ang pag hinga ko at naalala na naman ang panaginip na 'yon. Hindi ko namalayan na yakap yakap na ako ng kapatid ko, hinahagod nito ang likod at hinahaplos niya naman ang likod ng ulo ko.

"Shh it's okay that's only nightmare baby, stop crying." Humigpit ang pagyakap nito.

Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at hinayaang matapos ang luhang kumakawala sa mata ko. Yinakap ko ang leeg niya at siniksik ang mukha ko sa leeg nito habang siya ay yinakap ang baywang ko. Sa paraan ng pag yakap nito ay napapakalma niya ako.

"K-kuya.."

"Hmm?"

Naka yakap pa rin ako sa kanya.

"I'm sorry for worrying you." I said softly.

Hinapit niya ako papalapit pa sa kanya at hinalikan ang ulo ko.

"Don't be sorry for that, rein. I'm your brother, it's normal for me to worry about you." He said he carries my hair.

Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at ngayon ay nakaupo nalang kaming dalawa sa kama.

"Are you okay now?" He asked me.

Tumango lang ako sa kanya at nginitian siya ng maliit.

"Let's sleep now mhmm?"

Hindi na ako sumagot at humiga na, tumayo siya at pinatay ang ilaw, humiga na rin siya sa tabi ko at hinila ako palapit sa kanya. Inunan niya ako sa mga braso niya at niyakap ako.

"If that's happened again, wake me up hmm? Or if I'm not here call me. Please don't hurt yourself again..."

"Hindi ko kayang makitang sinasaktan mo ang sarili mo rein." Mahinang sambit niya.

Naging malungkot ang boses nito at hindi na kagaya kanina. Pinikit ko ang mga mata ko at yinakap lang siya pabalik.

Nakarinig ako ng mahinang singhot kaya agad kong minulat ang mata ko at tinignan siya.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya, nakatakip ang braso niya sa mata niya.

"N-no." Tanggi niya.

Halata namang umiiyak 'tong mokong na 'to.

Tinanggal ko ang braso niya buti nalang talaga at hindi nanlaban, medyo may liwanag na nagmumula sa lamp ng table ko kaya nakikita ko pa ang mukha niya.

Namumula ang mata niya at may luha pang natira sa mata nito.

Cute...

Pinunasan ko ang mga mata niya. "Bakit ka umiiyak huy! Moments ko eh inaagaw mo..."

Yinakap ko siya kaya ngayon ay parang nakadagan na ako sa kanya, naramdaman kong niyakap niya rin ako pabalik kaya napangiti ako ng maliit.

"I'm sorry kuya."

Suminghot ito kaya tinignan ko ulit siya, naluluha pa rin siya kaya pinunansan ko ulit ang mata niya para pawiin ang mga luha niya.

"S-sabi ng wag na mag sorry eh, wala kang kasalanan." He said.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"I know..."

"You know that so don't be sorry."

"Yeah i just feel guilty, because of me umiiyak ka tuloy." I pouted.

"Don't feel guilty, we're twins. Magkadikit ang pusod natin kaya kapag umiyak ka naiiyak na din ako." Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Oo nalang dyan."

Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya ng mabuti, maayos na ang itsura niya pero namumula pa din ang mata niya.

"You know you're the only one I have Rein." He said softly.

" I know..." Hindi na ako umimik pa.

Humiga na ulit ako sa braso niya at hinayaan siyang yakapin ulit ako.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay dahan dahang napapikit ang mata ko at hinayaan ng lamunin ng antok ang sarili, pero bago iyon narinig ko ang huling sambit niya.

"Have a good dream Rein..."

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now