Chapter 4

274 4 0
                                    


"Hindi ka na nasanay."

Tumingin ako sakanya, nakangiti siya ngayon na parang baliw.

"I was worried kanina bai, ano bang nangyari?" Now he seriously asked me.

"Sorry na, hindi mo kasi ako pinatapos kanina pinatayan mo din ako ng call." Dahan dahan kong yinakap ang braso niya.

Oo na tyansing tawag dito.

Tumingin siya sa akin kaya nginitian ko siya, nang hindi siya nakasagot ay aalisin ko na sana ang braso ko ng bigla niya akong kabigin at yinakap sa baywang. Ang mukha niya ngayon ay nakasiksik sa leeg ko.

Shitt

"H-hoy, bitaw nga."

Grabe naman dinaig pa linta kung maka kapit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa ginagawa niya, masyado siyang clingy na ewan. Ang tanong ano bang tawag sa hindi ko naman syota pero nakayakap naman sa'kin pag gabi?!

Friends with benefits?

Naramdaman kong inaamoy niya ako?! Putragis. Hindi pa ako naligo, ni magpalit ng damit ay hindi pa hanggang ngayon ay suot suot ko pa rin ang pulang dress ko isang off shoulder kaya lantad na lantad talaga balikat ko.

⁄⁠(⁠⁄⁠ ⁠⁄⁠•⁠⁄⁠-⁠⁄⁠•⁠⁄⁠ ⁠⁄⁠)⁠⁄

"Smells sweet." He whispered, nanatiling naka siksik ang mukha neto.

"Sira na pang amoy mo." Sabi ko dito.

Hindi niya ako sinagot kaya hinayaan ko nalang muna. Kalaunan ay naging comfortable narin ako kaya hinayaan ko nalang.

"Kumain ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Mhmm, i was kaso di ko naubos pumunta na agad ako dito."

Pinalo ko siya sa likod kaya narinig ko ang mahinang tawa niya. Lumayo na siya sa akin tinignan ko siya ng masama.

"I was worried okay!" Nakangiting sambit niya.

Umirap lang ako sa hangin.

"So what happened?" He asked.

Tumayo ako at iniwan siya doon, ramdam ko ang mga tingin niya sakin ngunit deretso lang ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. At ng makuha ito ay lumabas na ako ngunit hindi ko siya nakita sa sofa.

"Asan 'yon?" Mahinang bulong ko.

"I'm here."

Tumingin ako sa likod ko ng makita siya, so nasa likod ko siya? Aba malay ko.

"What's that?" Tukoy niya sa hawak ko.

"Cellphone?"

"I don't know if your eyes are blurry or not." He sarcastic said.

Napatawa ako ng mahina. Hindi malabo mata ko baka nga siya 'tong may malabo ang mata nakita na niyang laptop ang hawak ko tatanungin pa ako kung ano ang dala ko. Diba sino ang tanga?

Umupo ako sa sofa na siya ding tinabihan ako.

"May napindot akong link I don't know what is that, pero after that nag sunod sunod yung paglabas ng mga link na hindi kaaya aya sa mata." Paliwanag ko dito.

In-open ko ang laptop ko at pinakita sa kanya. Napangiwi siya dahil doon. Tinignan niya ako bago tinignan ang laptop ko.

"Hoy Alass alam ko kung ano iniisip mo, hindi ganun 'yon napindot ko lang talaga mag qu-quillbot lang sana ako para sa thesis ko." I said to him.

"Is that so?"

Tumango ako sa kanya kahit hindi niya nakikita, nakatutok kasi ito sa laptop.

"Can you fix that, Alass?"

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now