Chapter 55

142 2 0
                                    


Naalimpungatan ako nang maramdaman na para bang may nagbubuhat sa akin. Hindi ko maigawang maimulat ang mga mata sa kadahilanang mabigat ang talukap ng nga mata ko, i tried to open my eyes slowly but it's just a little bit open to see who's the person carrying me.

Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil may kadiliman ang kalangitan. Madilim din ang kapaligiran kaya mas lalo kong hindi naaninag ang kanyang mukha.

Nakaramdam ako nang panlalamig kaya medyo napagalaw ako sa hawak niya. Nakita ko ang pagsulyap niya at mas lalo akong hinawakan ng mabuti. Pinikit ko nalang muli ang nga mata ko dahil nagiging mabigat na naman ang talukap nito.

"Lets kuya make it up to you mhmm?" He suddenly spoke. "And next time sa maayos na silong ka sana nanatili, you're wet because of rain. Then now you are very hot, you have a fever." He said.

Hindi ako kumibo, ang hirap magsalita ngayon dahil pakiramdam ko pati lalamunan ko ay barado. Mahapdi sa pakiramdam.

Kaya ayoko maulanan eh.

Hindi ko alam kung ano na ang oras, basta alam ko madilim na at paniguradong gabing gabi na. Nakarinig na ako nang ingay at papalapit ito ng papalapit.

"Oh god! Where did you found her kuya?" My twin brother voice echos in my head and its hurting.

Mabigat ang pakiramdam ko at ulo ko, pati lahat ng parte nang katawan ko ay mabigat.

"Under the tree, she's sleeping while soaking wet because of the rain."

I heard Kuya Eryx cursed under his breath. Naramdam kong may kumapa sa nuo ko.

"She's burning."

Yeah, fire, what?

"She have a fever Eryx, called Dr. Rameriz now."

Narinig ko nalang ang pangsang-ayon ng kambal ko bago narinig ang yapak niyang paalis na, ito namang nagbubuhat sa akin ay nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko na alam kung asan na kami dahil nga nakapikit ako at may dinadamdam na kainitan at kabigatan sa katawan at ulo.

I feel warm right now, kanina pa ako gising at alam na ng kasama ko 'yon. At ngayon ay nasa higaan na ako at chinecheck up ng doctor ang kalagayan ko. Nasa bawat tabi nang higaan ko naman ang dalawa kong kapatid na ngayon ay tahimik na inoobserbahan ang doctor na 'to.

Akma na sana nito akong hahawakan sa leeg ng humarang ang isang braso sa doctor. Nakita ko na natigilan ito at naiiling nalang.

"Easy, I'm going to check her."

Narinig ko ang pagbuntong hininga nang dalawa na'to, pinikit ko nalang ang mata ko dahil nakaramdam na ako ng antok. Hindi ko na alam kung anong nangyari dahil hinila na ako nang kaantukan ko.

Naalimpungatan nalang ako dahil nakaramdam ako ng pagka ihi. Dahan dahan akong bumangon upang umalis sa higaan ko. Ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang makita ang dalawa na nasa sahig natutulog. Mukha naman silang komportable kaya dahan dahan akong naglakad paalis sa kanila. Hinikabang ko ang isa kong paa ngunit nasagi ko ang isang paa at hindi ko alam kung kanino 'yon, pinagdadasal ko na sana ay hindi siya magising kung sino man siya.

Naghintay pa ako nang ilang sigundo kung nagising siya ngunit walang pahiwatig kaya nag patuloy na ako hanggang sa makarating na sa cr at ginawa ang dapat gawin sa loob. Pagkatapos non ay ganun ulit ang ginawa ko, dahan dahan hanggang sa makabalik ako sa higaan.

Kinapa ko ang nuo at leeg ko, nararamdaman ko talaga na mainit ako at walang halong biro. Tumagilid ako nang higa at niyakap ang isang unan at pinikit nalang ang mata ko upang makatulog ulit, hindi naman ako nabigo dahil nakatulog ulit ako.

Lady Red Dress (Past Series #1)Where stories live. Discover now