32 (.)

6.3K 304 32
                                    








Unedited....







"Ethan!" tili ni Tasha nang lumabas si Ethan sa building.

"Uy, psssh. Wag kang sumigaw," nakangiting saway ng binata dahil marami siyang nakasabayang empleyadong lumalabas.

"Hi, pogi talaga ng boyfriend ko," puri ni Tasha saka hinalikan sa mga labi ang kasintahan. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan sila ng mga empleyado ng CA at Viktors.

"Akala ko ba sa parking lot ka," ani Ethan dahil iyon ang pinagkasunduan nila kanina. Sinubukan niyang patayin ang pagkailang dahil sa pagiging showy ni Tasha.

"Tinatamad akong pumunta. Pwede namang mag-park dito," sagot niya sabay pulupot ng mga kamay sa braso ng binata. "Kinausap ka ng bigaon?"

"Sino?"

"Taga CA."

"Ahm... sabihin nating mukhang pera ka raw," nakangiting sagot ng binata.

"Talaga?" bulalas ni Tasha. "Pengeng isang milyon!" nilakasan niya ang boses para marinig ng mga tsismosa.

"Adik ka talaga," bulong ni Ethan.

"Hala! Parang isang milyon lang e. Sige na, penge na. Bibili ko lang ng bags and shoes," nakangusong sabi niya.

"Seryoso ka?" alanganing tanong ng binata.

"Oo, seryoso ako," sagot ng dalaga.

"Sige, pa-transfer ko na sa bank account mo," pagpayag ng binata.

"Yeah! Walang bawian ha!" sabi ni Tasha. "Isang milyon."

"Ba't ko naman babawiin?" tanong ni Ethan.

"Tara na?" Pinagbuksan niya si Tasha ng sasakyang dala nito kanina. "Ako na ang mag-drive."

"Sige. By the way, punta muna tayo sa hotel, doon si Ace e." Sumakay siya sa sasakyan tapos umikot naman si Ethan at pumasok sa driver's seat.

"Kailan siya dumating?"

"Kanina lang tapos uwi rin siya bukas ng madaling araw. Pumunta lang siya dahil sa anniv mamaya tapos mag-abroad na siya."

"Okay. Mabuti naman at dadalo siya," sabi ni Ethan saka nagmaneho na patungo sa hotel.

"Oo nga e. Busy kasi ng buhay niya. By the way, doon na tayo mag-dinner tapos punta na tayo sa party."

"Ayaw mong kumain sa party?"

"Eh? Light dinner lang," sabi ni Tasha. "Nagugutom na ako e."

Nang makarating sa hotel na tinutuluyan ni Ace, nag-usap muna sila.

"Ang laki naman ng hotel mo, may babae ka bang tinatagpo rito?" biro ni Tasha.

"Pwede ba, ate? Ikaw ang nag-book nito. Sabi ko maliit lang eh," reklamo ni Ace at napatingin kay Ethan. "Kuya, paki-control nga ng ugali nito at kung pwede, gampanan na niya ang pagiging boss sa company namin dahil napapagod din ako, no."

"Excuse me, I can do whatever I want na. Di ba sabi ko sa 'yo, makakahanap din ako ng rich guy na magtatrabaho para sa akin at charaaaan! Nandito na si Ethan!" proud na sabi niya sabay tingin sa katabing kasintahan.

"Mukhang pera ka talaga," ani Ace.

"Naman! Dapat ganoon. Practical dapat sa buhay," proud na sabi ni Tasha.

"Mahal mo ba talaga ang ate ko?" hindi makapaniwalang tanong ni Ace.

"No choice eh," pabirong sagot ni Ethan sabay akbay sa kasintahan.

3.The CEO's Secret LoverWhere stories live. Discover now