31

6.8K 286 36
                                    








Unedited...





"Hello po, grandma," masiglang bati ni Antasha sa lola ni Ethan na nag-aabang sa kanila sa balkon.

"Tasha," masayang wika ng matanda. "Napakaganda talagang bata."

"Hello, tita Viktoria," nahihiyang bati ni Tasha at nakipagbeso-beso rin sa ina ni Ethan.

"Hija, mabuti at dumalaw kayo."

"Oo nga po. Naging busy lang kaya hindi kami nakabalik," sabi ni Tasha.

"Mag-pretend pa ba akong-"

"Tita, sorry," agad na paumanhin ng dalaga. "H-Hindi ko talaga alam. Si Ethan kasi!" paninisi niya pero napangiti lang si Ethan.

"Para kaming tanga ni Tita Kristina," natatawang sabi ni Viktoria nang maalala ang kabaliwang pinaggagawa ng dalawa.

"Every weekend uuwi na kami rito ni Tasha para magkaroon na ng time kay Lola," pag-iiba ni Ethan na inakbayan ang kasintahan. "Lola, may dala kaming pasalubong sa 'yo."

"Ang dami ko pang stocks na gatas," sabi ng lola.

"Mga tinapay ho galing sa JD, la. Di ba paborito mo ang piña bar at asado roll nila? Dinalhan kita nang marami," sabi ni Ethan.

"Naku, batang ka. Salamat talaga," nakangiting sabi ng lola. "Halikayo, kain na tayo. Nagluto kami ng tinolang manok."

"Lagi na lang tinolang manok ah," biro ni Ethan.

"Native 'to kaya special talaga. May tambo rin diyan na may alimasag," sabat ni Viktoria. Pumasok sila sa loob. Iginala ni Tasha ang paningin sa loob ng bahay. Mas malawak itong bahay kaysa sa kanila dahil na rin siguro sa malawak na lupain. Unlike sa kanila na may limit ang lupa dahil nasa ciudad.

"Like it?" bulong ni Ethan. "This is yours."

"Pero ang mom mo?" bulong niya.

"Sa papa ko ang lupain dito sa Caninguan," sabi ni Ethan. "Gusto ko nga sanang kunin pa yung katabing lupain."

"Oh, ba't di mo bilhin?"

"Ayaw ibenta nina Ken at Luwel dahil may pera din naman sila. Si Ken seaman at si Luwel naman ay nurse na. Dito na kami lumaki kaya mahalaga rin sa mga Bistoyong itong lupa sa tapat ng elementary."

"Okay lang 'yun. Pinapahalagahan din nila ang naiwan ng ninuno nila."

"Kain na kayo," tawag ni Viktoria kaya lumapit sila sa dining room at kumain. Nang matapos silang magtanghalian, nagpaalam si Viktoria na bumalik na sa City.

"Lola," sabi ni Tasha na naupo sa tabi ng lola ni Ethan.

"Hindi ka po ba matutulog?"

"Hindi po ako makatulog," sagot niya. Si Ethan ang sarap ng hilik.

"Masaya ako dahil ikaw ang mapapangasawa ng apo ko," sabi nito at nginitian siya. "Ang ganda na, mabait pa. Wag mong lokohin ang apo ko ha."

"Lola, hindi ba talaga close sina Ethan at mama niya?"

Napabuntonghininga ang matanda at napatingin sa malayo.

"Lasenggero ang ama ni Ethan at madalas nitong saktan si Viktoria. Muntik na nga siyang mamatay kung hindi lang namin napigil dahil gusto nitong itakin si Viktoria. Masyado ring seloso kaya tumakas si Viktoria. Nagmamakaawa si Ethan na isama ng ina pero ikinulong ito ng kanyang ama sa kwarto kaya ang buong akala niya ay inabandona siya ng ina. Kahit na anong paliwanag namin, nakatatak na sa isip ni Ethan na hindi siya mahal ng mama niya dahil iyon ang araw-araw na ipinapaalala ng kanyang ama. Nagpapadala naman si Viktoria ng pera nang mag-abroad para kay Ethan pero hindi tinatanggap ng kanyang ama," paliwanag nito kaya napatango si Tasha.

3.The CEO's Secret LoverWhere stories live. Discover now