12

6K 301 74
                                    










Unedited...









"Morning," bati ni Ethan sa dalagang nag-aalangan kung lalabas sa kwarto o hindi. "Breakfast?"

"Hindi pa ako gutom. Sa office na lang ako kakain," tanggi ng dalaga na ayaw makipag-usap sa binata. "Mauna na ako."

"Wait, Tash. Sabay na tayo," tawag ng binata pero nakalabas na ang dalaga. Hinabol niya ito pero nakasakay na sa tricycle.

"Manong, sa labas na ho," sabi ni Tasha na hindi lumingon sa binata dahil wala talaga siyang mukhang ihaharap. Kagabi, isinuko nya ang bandera. Wala naman siyang dapat na sisihin kundi ang sarili dahil hindi naman siya lasing. Kusa niyang sinuko ang Bataan pero dito sa Iloilo pa.

"Tasha naman! Ilang taon mo 'tong iningatan tapos ganito pa ang nangyari!" inis na sabi niya sa sarili. Pagkababa niya sa labas, saktong may taxi na dumaan.

Pagdating sa opisina, agad na tumungo siya sa opisina ni Rica.

"Madam. Ang aga mo naman," sabi ni Rica.

"Kamusta na ang pinapa-follow-up ko sa 'yo?" tanong niya.

"Madam. Nag-reply na ang Viktor's company. Hindi raw nila ibinebenta ang Viktor's subdivision sa Pavia," sabi ni Rica.

"Eh ang sa Lambunao na lupain?" tanong niya. Kahit na iyon na lang sana ang makuha niya para sa pamilya ni Ethan.

"Hindi rin. Kahit na malaki na ang offer ko, hindi talaga nila ibebenta," sagot ni Rica.

"Kainis!" sabi ni Tasha.

"Kumain ka na ba, madam?"

"Hindi ako nagugutom. Sige na, punta na muna ako sa office," paalam niya dahil thirty minutes early siya kaya wala pang tao sa opisina. "Balitaan mo ako kung magbago ang isip ng Viktors at nung nasa Lambunao."

"Okay, madam," nakangiting sabi ni Rica.

Lumabas si Antasha sa opisina ni Rica at pumunta sa opisina nila.

"Tash."

"Bakit nandito ka na?" tanong ng dalaga kay Ethan.

"Dinalhan kita ng breakfast," sagot ng binata at itinaas ang dalang pagkain. "Teren-teren. Mainit pa 'to."

"Akala ko ba kumain ka na?"

"Hindi ko natapos. Gusto kong makasama kang kumain."

"Wala akong ganang-"

"Huwag mo akong iwasan, Tash. Sana naman maging okay tayo. Magkasintahan naman tayo at di ba sabi ko, pananagutan kita."

"Hindi kita inoobliga."

"Oobligahin kita dahil ginusto ko at wala akong pinagsisisihan sa nangyari kagabi."

"Bunganga mo! Baka may makarinig sa 'yo!" saway ng dalaga na palinga-linga.

"Nahihiya ka ba dahil ako ang boyfriend mo?"

"Of course not!" tanggi ng dalaga. "Haist! Bigyan mo nga muna ako ng space. Hindi pa nag-sink in sa utak ko ang nangyari pero walang kinalaman ang pagiging mahirap mo rito ha."

"Okay. Pero pwede bang mag-breakfast na tayo?" pakiusap ng binata.

"Okay, fine. Tara na nga sa canteen," yaya ng dalaga kaya doon na sila sa canteen kumain ng dala ng binata.

"Ano kaya ang nararamdaman niya? Nagsisi ba siya?" tAnong ng dalaga at isinawsaw sa kape ang mainit na tinapay.

"Masarap ba?" tanong ng binata nang mapansing nakadalawang teren-teren na ang dalaga na binili nito sa Tibiao.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon