Chapter 1

11.2K 267 24
                                    






Undited...







"Madam," nakangiting bati ni Rica nang pumasok.

"Ano na naman ang masamang balita ang dala mo?" tanong niya.

"Sabi ni Sir Ace, ikaw na muna ang bahala sa company kasi aalis siya papuntang Sagada."

"Okay. Basta bukas ng hapon kailangan niyang makabalik ha."

"Madam, one week siyang mawawala."

"What? One week?" bulalas ni Antasha."One week siyang aalis? Anong gagawin ko sa company?"

"Kaya mo na 'yan," sabat ni Ace nang pumasok.

"Ace, nababaliw ka na ba?" bulalas ni Antasha.

"One week lang naman, Ate."

"Oh my gosh! No! Hindi ka aalis."

"Please, sasamahan ko lang ang kaibigan ko. Ikaw nga ang dapat na umasikaso kasi ikaw ang panganay eh," depensa ni Ace.

"Ayaw ko ngang mag-manage ng company kaya naging freelance designer ako eh," sagot niya. Gusto lang niyang maging normal na empleyado at ayaw niya ng sakit sa ulo. "Sige na, bunso. Matalino ka naman e."

"I'm sorry ate pero ngayon lang 'to," pakiusap ni Ace na ikinasimangot ng kapatid.

"Rica? Tulungan mo naman ako," pakiusap niya nang tumingin sa personal assistant.

"Ako ang bahala, Madam," nakangiting sabi ni Rica.

"Sige ho, mga ate. Alis na ako."

"Mag van ba kayo?"

"Chopper ng friend ko ang gagamitin," sagot ni Ace at lumabas na.

"Ano ang gagawin ko sa kompanyang ito? Hihingi ako ng tulong kay Daddy," sabi niya. Ang dami nang branch ng kompany nila pero ang ama pa rin niya ang may hawak ng main branch nila at ang iba ay sila nang magkapatid.

"Hija," sabi ni Kristina nang pumasok.

"Lola!" bulalas niya. "Aalis si Ace papuntang Sagada."

"Nagpaalam nga siya," sabi ni Kristina at inilapag ang mamahaling bag sa ibabaw ng mesa.

"Lola, ayaw ko na pong mag-manage dito. I mean keri ko naman pero oh my gosh! Yung solo ko na naman ang responsibilidad? I kennat!" maarteng sabi niya.

"Don't worry, ako ang bahala sa company," sabi ni Kristina.

"Really?" bulalas niya pero agad na sumimangot. "Ayaw ko ng kapalit."

"Makipag-date ka sa anak ni Mister Tupas," sabi ni Kristina.

"Na naman?" bulalas niya.

"Ayaw mo? Sige, isang linggo kang dito sa opisina."

"Oh gosh! I hate this!" sabi niya na walang choice. Pang ilang reto na nila ito pero wala siyang nagustuhan dahil puro kayabangan lang ang binibida ng mga naging ka date niya.

"Ikaw?" ani Kristina.

"Mabait ba siya, grandma?"

"Hindi ko pa siya nakita pero sabi ni Anelyn mabait man."

"Yung last guy na inireto ni Anelyn, sobrang hangin!" sabi niya.

"Try mo lang," sabi ni Kristina.

"Okay, grandma. Basta mula bukas, ikaw na ang bahala sa company ha," pakipag-deal niya.

"Okay. I-send ko na lang ang address kung saan kayo magkikita," pagpayag ni Kristina.

"Madam, sure ka ba sa ime-meet up mo?" tanong ni Rica nang lumabas si Kristina.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon