30

6.2K 292 46
                                    









Unedited...







"Oh, akala ko ba umuwi ka na?" tanong ni Tasha nang lumabas pero nakita si Rica sa labas.

"Ah, hinihintay ko lang 'yung grab," sagot niya na palinga-linga sa paligid.

"Akala ko ba nagco-commute ka na?"

"Madilim na at tamad akong maglakad para magbantay ng sasakyan sa labas," sagot ni Rica. "Uwi ka na madam? Ingat."

"Hinihintay ko si Ethan," sagot ni Tasha at tumayo sa tabi ni Rica.

"Ah, dito ka rin magbabantay, Madam?"

"Oo. Tamad akong pumunta sa parking lot kaya dito na ako mag-aabang." Sagot niya at napatingin kay Rica na tumalikod sa kanya. "Saan ka pupunta?"

"Ah, doon na sa labas maghintay ng Grab."

"Rica!" tawag ni Ritz sabay busina nang buksan ang bintana nang tumigil sa tapat nila. "Saan ka pupunta?"

"Ah, sa labas," napakagat ng ibabang labi si Rica.

"Halika na. Sabi mo dito na kita i-pickup."

"Ah, kasi—"

"Sumakay ka na!" sabat ni Tasha kaya napatingin si Ritz sa kanya.

"Madam, ikaw pala 'yan," ani Ritz na hindi napansing si Tasha pala ang kasama nito dahil bahagyang naka-sideview.

"Kayong dalawa, wag na nga kayong magtaguan! Hindi ninyo ako nanay! Matanda na kayo kaya wala akong pakialam kung mag-date man kayo. Pagod na ako sa katangahan ni Ethan kaya please lang, mas masaya ang relasyon kapag hindi itinatago!" pangangaral niya sa dalawa.

"Wala kaming relasyon," agad na depensa ni Rica.

"Talaga ba, Rica?" nakataas ang kanang kilay na tanong ni Tasha.

"Ahm... oo."

"Pero nanliligaw na ako sa kanya, madam," nakangiting sabat ni Ritz.

"Hey!" ani Rica sabay irap sa binata.

"Seryoso naman ako. Nasa iyo na kung bibigyan mo ako ng chance," sabi ni Ritz kaya napangiti si Tasha.

"Deserve mo 'yan, gurl. Sagot na ni Ethan ang lechon at cake sa kasal ninyo," sabi ni Tasha na nakatingin kay Rica na pumasok nang pagbuksan siya ni Ritz.

"Madam naman," nakalabing sabi ni Rica. "Ingat kayo madam ha. Bye."

Sinundan ni Tasha ng tingin ang papalayong sasakyan ni Ritz.

Nakabukas na ang streetlight kaya kinuha niya ang cellphone para sana tawagan ang kasintahan pero nakita na niyang papalapit ito kaya kumaway siya.

"Wag mo nang buksan," pagpigil niya sa kasintahan nang tumigil ito sa tapat niya. Siya na ang nagbukas ng pinto at pumasok saka hinalikan sa mga labi si Ethan.

"Kamusta?" tanong ni Ethan saka pinaandar na ang sasakyan.

"Ayun, ang daming ginagawa. Nakakapagod," reklamo niya. "Gusto ko na lang talaga maging plain housewife. Yung anytime pwede akong matulog at magising kapag ginusto ko."

"Ikaw ang bahala. Gawin mo kung ano ang gusto mo at kung ano ang makakapagpasaya sa 'yo."

"Oo. Tapos bibisitahin kita sa office kapag gusto ko," sabi niya. "Syempre dapat palagi akong nasa office mo kasi ang daming ikratan sa mundong ito e."

"Gusto ko 'yan," sabi ni Ethan at kinabig ang manibela pa kanan.

"Ang palagi kitang dalawin?"

"Ang pagiging possesive mo minsan," pagtama ni Ethan.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon