21

5.3K 268 54
                                    








Unedited...







"Hi," bati ni Tasha nang bumaba sa parking lot.

"Hello," bati ni Ethan at humalik sa kanang pisngi ng kasintahan. "Tara na?"

"Ahm, Ethan? Pwede bang i-meet muna natin ang parents ko?" pakiusap ni Tasha.

"Akala ko ba wala ka nang parents?"

"Ha? Kasi ang totoo, ampon lang ako tapos dalaga na ako nang matagpuan ko ang tunay kong mga magulang kaya wala na akong feelings pa sa kanila. For formality lang," pagdadahilan niya. Syempre handa na siya sa idadahilan niya.

"Okay," nakangiting sagot ni Ethan. Siguro aamin na si Tasha mamaya kapag makaharap na niya ang parents nito.

"Saan na ang sasakyan mo?" Sabay silang umalis kanina sa bahay kaya hindi niya dala ang sasakyan na pinahiram ni Manang Inday.

"Here," sabi ni Ethan sabay pindot ng susi ng sasakyan. Nagulat si Tasha nang buksan nito ang dilaw na Porsche.

"Sa 'yo 'yan?"

"Mula ngayon, ito na ang gagamitin natin," sabi ni Ethan.

Sumakay si Tasha at inilagay ang seatbelt.

"Alam na siguro niya," bulong ni Ethan habang nagmamaneho. Mabuti naman at hindi na niya kailangan pang magpanggap.

"Haist! Nagpapauto ka na naman sa Viktor na 'yon?" sabi ni Tasha nang hindi makatiis.

"Ha?"

"Hindi ko alam kung ano ang pinakain ni Viktor sa 'yo at nauuto ka niya, Ethan. Dapat mag-ingat ka sa kanya!" pagbabanta niya na salubong ang mga kilay.

"A—Ano ang ibig mong sabihin?'

"Huwag ka nang mag-deny. Ayaw kong tumanggap ka pa ng mamahaling bagay o kahit na anong bagay mula sa kanya. Oo, mayaman siya pero kapag nagkataon, pwede niya tayong baliktarin like nagnakaw tayo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang dami niyang ibinibigay sa 'yo? Baka kung anong project ang ginagawa niya at ikaw ang frontrunner niya!" mahabang litanya niya. "Imagine, ang bilis ng paglago ng negosyo ng Viktor na iyon kaya napaka-question mark. Malay mo, member siya ng tiger gang at mga nagbebenta ng laman-loob talaga ang main source ng company. Dahil hindi ka licensed engineer, ikaw ang pinapagalaw niya."

"Pinagsasabi mo?"

"Gamitin mo nga ang utak mo, Ethan! Magtrabaho tayo ng patas. Sa lahat ng employee, bakit tayo ang binibigyan ni Viktor ng mamahaling gamit? Dahil kapag pumalya ang project niya, tayo ang sisisihin dahil ipapalabas na ninakaw natin ang gamit niya. Ibalik mo 'tong kotse!"

"Ay, hindi pwede. Don't worry, ipinahiram lang niya sa akin ito. May contract na 'to kaya safe tayo. Sabi kasi nya marami siyang sasakyan kaya baka raw masira 'to," pagdadahilan ng binata. Hindi pa rin pala alam ng dalaga.

"Ayaw ko ng ganyan! Lumayo ka sa Viktor na 'yun at gawin mo ang trabaho mo nang maayos!"

"Okay. Last na 'tong sasakyan," pagpayag ng binata. "Ba't ba galit ka kay Viktor?"

"Basta. Malakas ang kutob ko na hindi siya mabuting tao."

"Paano mo nasabi?"

"Basta manyak yun tapos ang yabang pa! Kung ako ang babae, hinding-hindi ako papatol sa Viktor na 'yun!" gigil na sabi niya kaya napatingin si Ethan sa labas at napabuga ng hangin.

"Tingin ko mabait naman ang CEO ng Viktors at gwapo pa." depensa ni Ethan. Syempre kailangan mapabago niya ang tingin ni Tasha sa kanya.

"Bakla ka ba?" ani Tasha saka tinitigan ang kasintahan nang tumigil ito sa pagmaneho dahil sa stoplight.

3.The CEO's Secret LoverWhere stories live. Discover now