4

5.9K 247 16
                                    








Unedited...






"Morning," inaantok na bati ng dalaga nang lumabas sa kwarto.

"Kumain ka na, mauna na akong maligo," sabi ng binata na tapos nang magluto ng ensaladang talong.

"Sige, thanks," pasalamat niya at kumuha ng kanin saka kumain. "Ikaw?"

"Tapos na. Kung gusto mo ng kape, may coffee maker diyan," sagot ng binata at tumungo sa banyo para maligo.

Nang matapos kumain ay hinugasan ni Antasha ang plato niya at tinakpan ang ulam.

Pabalik na siya sa kwarto niya nang biglang bumukas ang banyo kaya napatigil siya at napatingin sa katawan ng binatang naka-topless na naman.

"Padaan," sabi ng binata.

"Ah, sige," ani Antasha at binigyan ng daan si Ethan saka sinundan ng tingin.

"Kapag ganyan ka parati, mapapalayas talaga kita sa bahay ko," seryosong sabi ni Ethan kaya iniwas ni Antasha ang mga mata at agad na pumasok sa kwarto para kumuha ng tuwalya.

"Bakit kasi hubad nang hubad! Pwede namang magbihis sa loob!" reklamo niya saka lumabas para maligo.

Nang matapos siyang maligo ay inayos niya ang sarili at lumabas.

"Anong oras ba ang pasok mo? Hindi ka man lang in-interview?" tanong ni Ethan.

"Hindi na. Ang manager ko na ang bahalang nag-endorse sa akin. Sabi niya pumunta na lang ako ngayon," sagot niya. "Pasabay ako ha. Hindi ko pa alam ang daan."

"Sige," sagot ng binata at naunang lumabas. Sumunod naman si Antasha at naupo sa frontseat. "Kakabisaduhin ko na lang ang daan para kapag umuwi ako, hindi ako iligaw ng taxi."

"Pwede ka namang mag-jeep at tricycle," suhestiyon ng binata.

"Hindi ba nakakatakot? Syempre kapag first month kailangan ko munang matuto," sabi niya dahil never pa sya nakasakay sa pampublikong sasakyan. Hatid-sundo talaga siya ng driver at minsan ay siya mismo ang nagmamaneho.

"Pero magastos."

"Isabay mo na lang ako minsan para makatipid," suhestiyon niya. "Tutal nasa iisang workplace naman tayo at sa company naman ang sasakyan na 'to."

"Baka kung ano ang isipin nila sa opisina."

Napatingin siya sa binatang nagmamaneho. Ang fresh nito tingnan lalo na't bagong ligo. Kung pwede lang niyang i-expose ang sarili, kukunin talaga niya itong bodyguard.

"Hayaan mo sila. Hindi sila mapagperahan," sabi ng dalaga at itinuon ang mga mata sa unahan. "Wait, pahingi ng cellphone number mo para matawagan kita kapag maligaw ako or in case of emergency."

"Hindi ako namimigay ng number."

"Wala akong kamag-anak dito, ikaw lang," malungkot na sabi niya kaya napilitan si Ethan na ibigay ang number.

"Thanks. Ano nga pala ang apelyido mo?"

"Sebastian," pagsinungaling niya na ang dinala ay middle name pa ng kanyang ina.

"Tasha Sebastian," ulit ni Ethan at ipinagpatuloy ang pagmaneho.

"Ikaw? Di ba Gonsales ka?"

"Oo."

"Parang marami rin ang mga Gonsales dito sa Iloilo, no?"

"Kahit saan naman may Gonsales kahit na hindi magkakamag-anak."

"Uy, infairness ang yaman ng mga Gonsales ha."

"Ako lang ang mahirap," sagot ng binata.

"Pogi ka naman," sabi niya kaya napailing si Ethan. "Totoo. Mas pogi ka sa bago ni Rutchel," pag-amin niya.

3.The CEO's Secret LoverWhere stories live. Discover now