11

5.8K 271 54
                                    


Unedited...

"Mister Gonsalez," tawag ni Rutchel nang makita si Ethan na papasok na sana sa sasakyan.

"May kailangan ka?"

"Pakihatid sa akin sa Molo," sabi ni Rutchel.

"Bakit?"

"Kasi may pupuntahan ako at kikitain na client para mga tela."

"Si Mang Ambo available."

"Driver ka ng company kaya bakit ka tatanggi?" tanong ni Rutchel na sumakay na sa sasakyan kaya napilitang magneho si Alas patungo sa Molo.

"Dito na tayo," sabi niya nang tumigil sa tapat ng Molo plaza. "Hintayin pa ba kita?"

"Oo. Ganyan naman ang trabaho mo, 'di ba?"

"Patapos na ang oras ko."

"Kaya nga may sasakyan ka para anytime ay available ka, 'di ba?"

"Wala na ba akong karapatang magpahinga?" tanong ni Ethan.

"Kung nagrereklamo ka, sa boss ka magreklamo at hindi sa akin. Trabaho ang ipinunta ko rito, Ethan!"

"Okay. Pumunta ka na at hintayin kita," pagsuko ni Ethan.

"Nagmamadali kang umuwi? Takot ka kay Tasha?"

"Hindi ako sanay na umuwing late sa schedule ko."

"Trabaho ito. Bumabyahe ka nga sa malayo eh. Isa pa, OT din ito. Hindi ka ba nanghihinayang sa pera?"

"Hindi lahat ng oras ay pera ang iniisip ko, Rutchel. May mas mahalaga pa sa pera."

"Ano? Si Tasha ba? Pinagloloko mo lang ang sarili mo, Ethan."

"Ayaw kong makipagtalo, Rutchel. Pero sana irespeto mo si Tasha dahil wala naman siyang kasalanan sa 'yo."

"Alam natin pareho na panakip-butas mo lang siya."

"Mahal ko siya!" giit ni Ethan kaya napatingin sa kanya si Rutchel.

"Ano ba ang ipinagmalaki niya, Ethan? Pareho kayong mahirap."

"Hindi pera ang habol niya."

"Woah! At ano? Mukha mo?"

"Bakit? Hindi ba ako gwapo? Mas gwapo ba si Anton sa akin?"

"Mabubuhay ako ni Anton," sagot ni Rutchel. "Engineer siya at kaya niyang ibigay ang mga gusto ko. Hindi ako nabubuhay sa kagwapuhan mo at malaki ang bahay na ipinatayo niya para sa amin."

"Congrats," ani Ethan na hindi naikaila ang pait sa boses. Nasagi kasi ang pride niya.

"Kaya si Tasha? Iiwan ka rin niya. Laking Maynila kaya siya. For sure maraming lalaki na ang—."

"Iba siya kaysa sa 'yo!" depensa ni Ethan.

"Ilang buwan pa lang kayong magkakilala tapos ganyan ka na magtiwala sa kanya?"

"Wala sa tagal 'yan. Tayo nga eighteen years na tapos ganyan pa ginawa mo," sumbat niya.

"Sa eighteen years hindi kita naramdaman, Ethan."

"Bago ako mag-abroad, ibinigay ko ang lahat. Kahit na LDR tayo, hindi ako nagkulang sa pagpadala at pagsuporta sa 'yo."

"Nanunumbat ka? Obligasyon mo iyon dahil pinili mong iwan ako. Kapag malulungkot at magkasakit ako, si Anton ang nandiyan para sa akin."

"Past is past, Rutchel. Mag-focus ka kay Anton at wag mong pakialaman ang relasyon namin ni Tasha."

"Fine!" inis na sabi nya at bumaba saka pabagsak na isinara ang pinto.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon