2

6.3K 260 13
                                    










Unedited...









"Morning," bati niya nang lumabas dahil nakaamoy siya ng tuyo.

"Kumain ka na," sabi ng binata na nakahanda na ang pagkain sa mesa. Pritong tuyo at itlog na maalat na may kamatis ang ulam nila.

"Mukhang masarap ang ulam natin ah," sabi ni Antasha at naupo saka kumuha ng ulam. Minsan  lang sila kumakain ng tuyo dahil kapag magluto ang katulong ay nangangamoy ang buong bahay.

"Pagkatapos mong kumain, bumalik ka na sa—"

"Wala na akong pamilyang babalikan," agad na sabi niya. "dito na lang muna ako sa 'yo. Magtatrabaho ako at tutulungan kita. Consider mo na lang ako na boarder mo. Hati tayo sa monthly payment ng bahay at kuryente. Ayaw ko nang bumalik sa magulong mundo sa Maynila."

"Ayaw kong may babae na kasama sa bahay," sagot ni Ethan.

"Hindi naman tayo madalas na nagkikita eh," sabi niya at nagsimulang kumain. "Hindi ako magiging pabigat sa 'yo, promise."

Hindi kumibo ang binata. Ipinagpatuloy nito ang pagkain hanggang sa matapos.

"Ako na ang magligpit ng hugasan, hindi pa ako tapos kumain eh," sabi niya kahit na hindi siya marunong maghugas ng plato.

Pumasok sa banyo ang binata at nag-toothbrush. Pagkatapos ay nagpalit ng damit at lumabas.

"Saan ka pupunta?" tanong ng dalaga na napatingin sa suot ng binata. Nakamaong na shorts ito at puting sando tapos tsinelas pa na Islander ang suot.

"Magtatrabaho. Pagdating ko kailangan wala ka na dito," sagot ni Ethan at kinuha ang susi ng truck sa ibabaw ng TV.

"Wala akong alam sa lugar na ito kaya baka mawala ako," nag-aalalang sabi niya pero hindi siya pinakinggan ng binata. Narinig niya ang pag-alis ng truck kaya dali-dali niyang kinuha ang cellphone at binuksan. Nakatanggap siya ng maraming messages pero ang secretary lang niya ang ni-reply-an niya para hindi sila mag-alala.

Napatingin siya sa cellphone nang may tumawag. Hindi niya matiis ang ina kaya sinagot niya ito.

"Mom, ayaw ko po talagang umuwi. Don't worry, I'm fine. Wala hong nag-kidnap sa akin," mahinahong sagot niya. Oras na malaman nilang si Ethan ang kasama niya ay baka ipakulong nila ito at sabihinh kinidnap siya. Kawawa naman ang tao na namumuhay ng simple lang.

"Hija, nag-aalala kaming lahat sa iyo," sabi ni Anika. "Saan ka ba, ha?"

"Mom, sasabihin ko sa 'yo but not now. Promise, okay lang ako. Need ko lang po mag-unwind," panigurado niya. "I'll send you photo later para sure ako."

"Ikaw talaga. Kapag kailangan mo ng allowance, sabihin mo lang ha."

"Sure, Mom. Please ikaw na ho ang bahala kay Daddy at don't tell kay grandma ha. Ayaw ko pa talaga mag-asawa at hindi ko bet ang mga inirereto niya," pakiusap niya.

"Okay," pagpayag ni Anika sa kabilang linya.

"Bye, mom. I love you," sabi niya at nag-selfie saka isinend sa ina. Syempre sinigurado niyang hindi siya ma-trace ng mga ito.

Tumayo siya at iniligpit ang pinagkainan. Kinuha niya ang walis tambo at naglinis sa sala. Hindi naman siya nahirapan dahil malinis na talaga ang buong bahay.

Kinuha niya ang wallet. May sampung libo pang laman kaya kailangan niyang makahanap ng ATM machine para maka-withdraw.

Binuksan niya ang TV at nanood dahil wala na rin naman siyang gagawin sa maghapon. Kahit na pinapalayas siya ni Ethan, hindi siya aalis. Una, dahil hindi rin naman niya kabisado ang lugar.

3.The CEO's Secret LoverWhere stories live. Discover now