13

5.9K 257 52
                                    










Unedited...









"Siopao," sabi ni Ethan nang pumasok sa bahay.

"Thanks," pasalamat ng dalaga.

"Ano ba ang ulam natin?" tanong ni Ethan. "Ano ba ang gusto mong kainin?"

"Estufado," sagot ng dalaga.

"May hinog na saging pa ba tayo?"

"Meron ata," sagot ng binata.

"Okay. Magluto ako pero mamaya unti lang."

"Ethan, aminin mo sa akin ang totoo. Bakit nandoon ka sa opisina ng Viktors?"

"Nasabi ko na sa 'yo. Nakita niya ang draft ko."

"Paanong nakita?"

"Desperado ako noon sa Africa kaya nag-send ako ng draft ko sa kanila pero hindi ko naman inaasahan na mag-reply ang company," pagsinungaling niya na kanina pa inihanda ang sarili.

"Bakit papayag ka? Magiging ghost engineer ka niyan. Sinasabi ko na sa 'yo na bumalik ka sa pag-aaral mo."

"Tash, ayaw ko na. Isa pa, magastos talaga."

"Ako ang bahala sa tuition mo. Papaaralin kita at may ipon naman ako," sabi ng dalaga. Nanghihinayang talaga siya kay Ethan kaya kahit na ano ang mangyari ay ipu-push niya ito sa pagbalik-eskwela. "Wag mong sukuan ang pangarap mo."

"Mahirapan na talaga ako," sabi ni Ethan. Hindi nga siya nakapagtapos ng engineering pero hindi na talaga iyon mahalaga dahil bawat salita niya sa kompanya ay nagiging batas. Isa pa, lahat ng gusto niyang gawin at plano ay nasusunod. Wala man siyang diploma pero siya ang utak ng Viktors. For formality na lang ang diploma kung sakali pero magsasayang lang talaga siya ng panahon dahil siya ang boss ng engineering at lahat ng department.

"Sige. Papayag ako na hindi mo na ituloy ang pag-aaral basta wag kang lumipat sa Viktors!"

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Ethan.

"Dahil hindi sila mabuti. Ang sama ng ugali ng mga taga Viktors!"

"May masama ka bang experience sa kanila?" tanong ni Ethan.

"Ang yayabang ng mga empleyado."

"Sino?"

"Hindi mo kilala."

"Nakakasabay ko na ang mga taga Viktors sa restaurant minsan at kapag tumambay sila sa labas, nakakasama rin namin ni Mang Ambo."

"Kahit na. At ang boss nila, sobrang yabang at manyak!" sabi ni Tasha kaya napakunot ang noo ni Ethan.

"Nakita mo na ba siya?"

"Yung Viktor na 'yong kausap mo kahapon. Narinig ko na mayabang daw siya," sabi ni Tasha.

"Hindi naman—" Napabuntonghininga si Ethan dahil hindi niya alam ang sasabihin.

"Basta. Ayaw kong lumipat ka ng company."

"Kinausap pa lang naman nila ako na gusto nila ang gawa ko pero hindi pa naman nag-offer," sagot ng binata. "Sige na, magluto na ako ng estufado. May baboy pa naman tayo, 'di ba?"

"Mayroon pa sa ref."

"Okay," pag-iwas ng binata dahil mukhang matigas ang ulo ng dalaga.

Nang maluto na ang ulam, sabay na silang kumain.

"Ako na ang maghugas ng plato."

"Ako na," sabi ni Ethan.

"Ikaw na ang nagluto kaya ako na ang maghugas," giit ni Antasha. "At wag ka nang tumanggi!" Ayaw niyang darating ang araw na mapagod ang binata sa kanya dahil wala siyang ginagawa sa bahay.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon