23

5.1K 259 33
                                    








Unedited...








"Are you okay?" tanong ni Ethan dahil parang wala sa mood ang dalaga. Sinundo niya ito dahil nasiraan ng gulong.

"I'm fine," sagot ni Tasha.

"Ipahila ko na lang ang sasakyan mo at bukas ay sasabay ka na muna sa akin, okay?"

"May choice pa ba ako? Wait, parang si Rutchel 'yan ah," sabi ni Tasha nang makita ang babaeng naglalakad sa dilim kaya binagalan ni Ethan ang pagmaneho. "Siya ba?"

"Oo yata."

Pumapara ito.

"Okay lang ba na tumigil ako?" tanong ni Ethan.

"Itigil mo kung gusto mo pero for what?" sagot ng dalaga.

"Gabi na at walang magpapasakay sa kanya at ang layo pa ng sakayan," sagot ng binata. "Kung okay lang naman sa 'yo pero kung ayaw mo—"

"Bahala ka! Itigil mo!" sagot ni Tasha dahil kapag hindi siya pumayag, mukhang siya pa ang lalabas na masama.

"I'm sorry, Tash," paumanhin na Ethan at pumito saka tumigil. Binuksan niya ang bintana.

"Ethan?" gulat na wika ni Rutchel pero lumiwanag ang mukha nang makita ang binata.

"Sakay na."

"Thank you," pasalamat ni Rutchel saka agad na sumakay sa backseat.

"Saan ka? Gabi na a. Bakit nandito ka?"

"Pinababa ako ni Anton," mahinang sagot ni Rutchel.

"Diyan talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Ethan. "Alam ba niya kung gaano ka delikado riyan? Wala pang tao at walang sakayan doon!"

"Nag-away kasi kami kaya bumaba ako," pag-amin ni Rutchel.

"Kahit na, Rutchel! Hindi tama ang ginawa niya!" galit na sabi ni Ethan. "Anong klaseng kasintahan si Anton na basta ka na lang niyang iniwan sa daan?" Gusto sana niyang idagdag na ito ba ang ipinalit nito sa kanya? Kaso nakaraan na iyon kaya ayaw na nyang balikan pa.

"My fault," sabi ni Rutchel. "Ako ang nag-insist na ibaba niya ako dahil sa galit ko."

"What the fuck!" ani Ethan.

Tahimik na nakikinig lang si Tasha pero iniwas niya ang tingin kay Ethan nang makita ang labis na pag-aalala sa mukha nito. Nasasaktan siya. Ngayon lang siya nakaramdam ng hapdi sa puso kaya hindi niya alam kung paano i-manage.

"Saan ka?" tanong ni Ethan.

"Hindi ko alam. Diyan na lang sa kanto. Bahala na," sagot ni Rutchel.

"Anong bahala na?" tanong ni Ethan. "Tawagan ko si Anton para sunduin ka niya."

"No!"

"Rutchel—"

"Please, Ethan. Ayaw kong makita at makausap siya ngayon," pakiusap ng dalaga.

"Pero gabi na. Wala ka nang matutuluyan. Gusto mo mag-hotel?"

"No, ibaba mo na lang ako sa kanto at sa kalsada ako matulog o isama mo ako sa bahay at makitulog ako," sagot ni Rutchel.

"Tash," wika ni Ethan na tila nagpapaalam sa kasintahan. "Pero i-book ka na lang namin ng hotel."

"Isama mo na sa bahay!" sabi ni Tasha na nakakuyom ang kanang kamao para pigilan ang galit.

"Sa hotel na lang," sabi ni Ethan na iniiwasang ma-misinterpret ni Tasha ang pag-alala nya. Ex niya si Rutchel at kilala niya ito mula pagkabata. Kahit na wala na sila, normal lang siguro na mag-alala siya para dito dahil babae pa naman ito.

3.The CEO's Secret LoverWhere stories live. Discover now