9

5.6K 257 32
                                    










Unedited...











Pabalik na sila sa Iloilo. Pinabaunan pa sila ng lola ni Ethan ng suha o kabugaw dahil nasasarapan si Antasha. Bago sila umalis sa Lambunao, ipinangako ni Antasha sa sarilina bibilhin niya ang malawak na palayan sa tabi ng lupa nina Ethan. Kahit ang malaking bahay ay susubukan din niyang ipabili kay Rica kung negotiable ang lupa para hindi na mahirapan ang lola Pat ni Ethan lalo na sa tubig.

"Inaantok ka?" tanong ni Ethan saka isinandal ang ulo ng dalaga sa balikat niya nang mapansing papikit-pikit ito. Ang tahimik ng mga pasahero mula nang bumaba ang maingay na magkaibigan sa Janiuay.

"Okay lang ako," sagot ng dalaga at napatingin sa labas sa desinyo ng malaking dahon ng saging sa plaza ng Cabatuan. Pansamantalang tumigil ang van para mag-pickup ng pasahero.
"Gusto mong umihi? Pwede ka pang umihi. May public CR."

"Wag na. Malapit na rin naman eh," sagot niya. Isa pa, hindi pa siya naiihi.

Ipinikit niya ang mga mata para umidlip muna. Mas lalo siyang hinila ng antok nang sinuklay ni Ethan ang malambot niyang buhok gamit ang mga daliri nito.

Nang nasa Sta.Barbara na sila, mahinang tinapik siya ni Ethan sa kanang balikat.

"Malapit na tayo," bulong ng binata kaya inayos ng dalaga ang sarili at hinawakan ang backpack at supot na may suha o kabugaw.

Bumaba sila sa bangga Aganan at sumakay sa tricycle patungo sa Viktors subdivision.

Pagdating sa bahay, nahiga siya sa sala at ipinagpatuloy ang pagtulog dahil antok na antok pa siya. Siguro dahil sa nainom kagabi or sa naganap sa kanila ni Ethan.

"Tasha," pukaw ni Ethan kaya mas lalong bumaluktot ang dalaga na parang fetus. Napabuntonghininga ang binata at binuhat ang dalaga patungo sa kwarto nito saka maingat na inilapag sa malambot na kama. "Dito ka na sa kwarto matulog."

"Hmm..." mahinang ungol ng dalaga saka hinawakan ang kanang kamay ng binata at niyakap.

"Hey, matulog ka na muna," ani Ethan.

"Dito ka lang, tabi tayo," nakapikit na sabi ng dalaga at hinila ito kaya napilitang humiga si Ethan at tumabi sa dalaga. Isiniksik ni Antasha ang mukha sa dibdib ni Ethan saka niyakap ito sa bewang na para bang isang malambot na unan.

Pinagmasdan niya si Antasha. Ang tangos ng ilong nito, mahaba ang pilikmata, mamula-mula ang pisngi at mapula ang mga labi. Kung hindi lang ito taga Maynila baka isipin niyang anak-mayaman ang dalaga.

"Should I keep you?" tanong niya sa isip at hinawi ang buhok na tumakip sa mukha ni Antasha. Pagkatapos ni Rutchel, ayaw na niyang magtiwala sa mga babae. Isa pa, fresh pa sa kanya ang nangyari. Sino ba ang madaling maka-move on kung ang kaibigan mo at girlfriend ay matagal ka na palang iniiputan sa ulo?

Dahil sa katahimikan ng silid, nakaidlip din si Ethan.

Nang magising ang dalaga, nakita niya ang sariling nakayakap sa binata habang nakaunan ang ulo sa balikat nito.

"Ang pogi mo talaga," puri niya at hindi napigilan ang sariling i-trave ang ilong nito gamit ang kanang hintuturo pero napatigil nang hawakan ni Ethan ang kamay niya.

"Stop seducing me, Tasha."

"I'm not seducing you," tanggi ng dalaga saka binawi ang kamay. Gagalaw na sana siya pero hinapit siya ni Ethan sa bewang.

"Hindi ba? Bakit nase-seduce ako?" mahinang tanong ng binata kaya natigilan si Antasha.

"Pinagsasabi mo?"

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon