29

6.1K 278 43
                                    






Unedited...

"Hindi ka ba talaga galit?" tanong ni Ethan nang pumasok sila sa malaking bahay dito sa subdivision.

"Hindi," sagot ng dalaga na inilibot ang mga mata sa loob. "Hmm? Okay naman siya. Maganda rin ang interior design."

"Gusto mo bang baguhin?"

"Si Rutchel ang nag-design nito, ano?" Binuksan niya ang pinto at pumasok sa master's bedroom.

"I'm sorry. May ilang part na siya ang nag-design pero ninety percent ay sa akin din nanggaling ang idea."

"It's okay. Alam ko namang huli na ako dumating e. Kung hindi siya nagloko malamang kayo na ang nagsasama rito."

Niyakap ni Ethan si Tasha sa bewang at hinalikan sa leeg.

"Tash? May gusto ka ba kay Ritz?" seryosong tanong niya.

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Kasi dinadalhan mo siya ng lunch at ang bait mo pa sa kanya."

"Hindi ba siya si Viktor?"

"I am Viktor!" nagtatampong pag-amin niya.

"Si Ethan ka eh."

"Ethan Viktor," pagtatama ng binata.

"I know," sagot ng dalaga.

"Pasensya ka na kung late ko nang inamin. Nagulat ka ba kagabi?"

Humarap si Tasha sa binata at tiningala ito saka ipinulupot ang mga kamay sa leeg. "Actually, ilang linggo ko nang alam na ikaw ang CEO ng Viktors," pag-amin niya kaya nanlaki ang mga mata ng binata.

"A-Alam mo?"

"Oo."

"P-Paano? Kanino mo nalaman?"

"Kay Anelyn," pag-amin ng dalaga. "Nakakaduda yung presyo ng Viktors subdivision at bahay ninyo sa Lambunao e."

Hinapit ni Ethan ang bewang ng dalaga. "At bakit naman kaya gustong bilhin ng CEO ng CA ang subdivision at lupa ko? Hmm?"

"Wala. Trip ko lang, bakit?"

"Sabi ni Ace, dahil gusto mong iregalo sa akin?" pilyong sabi ni Ethan. "Mahal mo talaga ako, ano?"

"Heh! Feeling mo lang!" ani Tasha sabay irap sa kasintahan.

"Pero paano mo nalaman na alam ko na ikaw ang CEO ng CA?" curious na tanong ni Ethan.

"Sa presyong tanga mo," sagot ni Tasha.

"Ha? Presyong tanga?" natatawang tanong ng binata.

"At sino naman ang CEO na magbebenta ng subdivision at lupain ng isang libo lang? Akala ko ba matalino ka?"

Mahinang kinurot ni Ethan ang kanang pisngi ng dalaga. "Hindi ko kasi kayang tumanggap ng pera sa 'yo. Syempre lahat ng mayroon ako ay sa iyo na rin 'yun."

"Hmm? Kaya masyado kang halata e."

"Teka, alam mo na pala na ako si Viktor bakit ka pa lapit nang lapit sa assitant ko?"

"Kasi ayaw mong umamin," inis na sabi ni Tasha. "Para kayong tanga."

Wala silang panahong mag-usap kagabi dahil nang dumating sa bahay ay nakatulog sila kaagad dahil sa pagod.

"Hmm? Tash? Alam mo rin noong pumunta si Lola Kristina mo?"

"Actually, hindi ko pa talaga alam. Kahit noong sina Mommy ay hindi ko pa rin alam noon," sagot niya saka napangiwi. "Ikaw ba? Alam mo na?"

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon