5

5.7K 256 29
                                    








Unedited...




Dahil may pinuntahan pa raw si Ethan, nag-taxi pauwi ang dalaga. Nang wala pa rin ang binata, naisipan niyang maglakad-lakad sa buong subdivision dito sa Pavia.

Nakarating siya malapit sa gate. Muli siyang napatingin sa malaking bahay na ginagawa. Same lang din ang kulay sa paligid pero iba ang structure nito at mas malaki.

"Kuya, kanino ho ang pinapagawang bahay na 'yan?" tanong niya sa gwardiya.

"Hindi ko rin alam e. Walang may nagsabi. Pinagawa lang daw 'yan ng may-ari," sagot ng guwardiya.

"Okay po," magalang na sabi niya saka napatingala sa malaking bahay. Lumabas ang Nissan auto sa gate at malakas na bumusina kaya napaatras siya kahit na nasa gilid na siya.

"Hey! Baliw ka ba?" bulyaw ni Rutchel na bumaba sa sasakyan.

"Hi, ikaw pala," bati niya. "Ginagawa mo rito?"

"Ako ang designer ng bahay na ito!" taas noong sagot niya. Napasulyap si Antasha sa driver ng auto, ang boyfriend nito. Hindi maikailang may sinabi sa buhay ang kasintahan nito, malayo kay Ethan pero kung mukha at katawan ang basehan, double ang lamang ni Ethan dito. "Bakit? May reklamo ka ba?"

"Eh di wow!" tanging nasabi ni Antasha.

"Bakit? Inggit ka?"

"Ba't ako maiinggit? Magkano lang naman ang sahod mo riyan!"

"Kalahating milyon!" taas-noong sagot ni Rutchel.

"Kalahating milyon lang pala," bulong ni Antasha na hindi nakaligtas sa pandinig ni Rutchel.

"Lang? Nila lang mo ang kalahating milyon? Magkano ba ang sahod ng isang newbie na kagaya mo?"

"Ay, di mo afford ang sahod ko," sagot ng dalaga.

"Yabang mo rin, ano?" ani Rutchel. "Sino ba ang pinagmamalaki mo? Si Ethan? To tell you frankly, kahit na anong pagsisikap ng lalaking 'yon, walang mararating 'yon sa buhay dahil ni hindi nga nakatapos ng kolehiyo!"

"Masyado mo naman yatang minamaliit si Ethan? Minahal mo naman!"

"Noon 'yon! Iba na ngayon!"

"Alam ba ng bago mo na pera lang ang habol mo sa kanya? At hindi ka ba nakokonsensya sa panloloko mo kay Ethan?" gigil na tanong ni Antasha.

"Lahat 'yon bayad na. Kung ako sa 'yo, galingan mo na lang ang pag-angat sa kanya!"

"Fine!" taas-noong sagot ni Antasha. "Kapag umahon sa kahirapan si Ethan, wag na wag mo siyang lapitan at balikan!"

"Kahit lumuhod pa siya sa harapan ko, hinding-hindi ako babalik sa kanya! Magsama kayo!" mataray na sabi ni Rutchel at bumalik sa sasakyan.

"Yabang! Bigaon!" gigil na sabi ni Antasha nang usok na lang Nmng sasakyan ang maiwan sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Rica.

"Madam."

"Rica, paki-check nitong Viktors home kung sino ang may-ari at pakitingnan kung magkano itong buong subdivision!"

"Bakit, madam?" curious na tanong ng PA niya.

"Bibilhin ko!" sagot niya.

"Sure ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" tanong ni Antasha at tinapos ang tawag. Lumapit siya guwardiya.

"Manong, kilala mo ba ang may-ari ng sasakyan na lumabas diyan sa pinapatayong bahay?" tanong niya sabay turo sa malaking bahay.

3.The CEO's Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon