3

6K 265 44
                                    










Unedited...







"Ilang taon ka na?" tanong ni Ambo kay Ethan.

"Thirty three ho," sagot niya habang inaayos ang makina ng sasakyan.

"Bata pa. Bakit ka ba umuwi dito? Maganda naman yata ang trabaho mo sa Africa," sabi ni Mang Ambo sabay abot ng kagamitan kay Ethan.

"Mahirap din na malayo sa pamilya," sagot niya. Balak din sana niyang mag-asawa na pero iba pala ang uwian niya.

"Pero mahirap kapag walang pera."

"Maganda naman atang magpasahod ang kompanya," sabi ni Ethan at binuksan ang pinto ng sasakyan para tingnan kung maayos na. Isa pa, hindi nila alam kung gaano kahirap magtrabaho sa ibang bansa. Kakarampot lang ang sahod tapos alipin ka pa ng ibang lahi. Uuwi ng bahay na walang pagkain kundi ikaw pa ang magluluto.

"Kanugon ka kagwapo mo. Mag-artista ka dulang," sabi ni Mang Ambo kaya ngumiti si Ethan.

"Wala po akong balak mag-artista at hindi ako papasa doon."

"Sus. Ang gwapo mo tapos maging driver ka lang? Apply ka sa PBB," sabi ni Mang Ambo kaya ngumiti lang si Ethan at pinatay ang sasakyan.

"Okay na ho 'yan," sagot ng binata.

"Ethan?" tawag ni Angeline nang lumabas.

"Ma'am?"

"Ito pala ang susi ng sasakyan," sabi ni Angeline sabay bigay ng susi ng company's car.

"May ipag-drive ho ba ako?"

"Dahil driver ka, sabi ng assistant manager ay ipadala sa 'yo ang isang sasakyan para may service ka at anytime ay makapunta ka kapag tawagan ka. Libre na rin ang gasolina niyan," sabi ni Angeline kaya nagtataka si Ethan.

"Bakit ko ho dadalhin?"

"Kasi sabi ng boss ay baka anytime tawagan ka in case of emergency at para hindi na rin sa service mo."

"Sige ho. Salamat," pasalamat niya at kinuha ang susi. Napatingin siya sa sasakyang nakaparada. May tatak ng CA company pero sobrang liit lang na halos hindi nga kita kapag nasa limang na metro ang layo.

Inasikaso niya muna ang gagawin sa mga sasakyan at bandang alas kwatro ay umuwi na.

"Bakit ang tagal mo?" reklamo ni Antasha nang pumasok siya.

"Syempre may trabaho ako. May kailangan ka?" tanong niya saka naghubad ng damit. Napatingin siya sa dalagang agad na tumalikod.

"Gusto ko sanang magpasama sa 'yo sa mall para bumili ng damit," sagot ng dalaga. "Mayroon bang Robinson dito o SM?"

"Kumpleto ang Iloilo. Marami ang Robinson at SM dito. May ilang Gaisano rin."

"Ano ba ang pinakamalapit?"

"Dito sa Pavia? Kung gusto mo may SM Manduriao dito. May Robinson Pavia rin."

"Doon na lang sa makamura ako ng damit," sagot ng dalaga. "Pwede bang ngayon na tayo lumabas?"

"Magpalit lang ako ng damit," sagot ng binata at pumasok sa kwarto. Paglabas niya, naka-maong shorts ang dalaga at puting tshirt. "Bilisan mo dahil may pasok pa ako bukas."

"Okay," pagpayag ng dalaga at sumunod sa labas. Napatingin siya sa kotseng binuksan ni Ethan.

"May sasakyan ka na?"

"Company's car," sagot ng binata.

"Oh, buti at may gagamitin tayo," masayang sabi niya. Goodjob talaga si Rica at agad na inasikaso ang sinabi niyang bigyan ng sasakyan si Ethan.

3.The CEO's Secret LoverWhere stories live. Discover now