Chapter 31

107 5 0
                                    

CHAPTER 31

Ngayon lang napapansin ni Haera na laging namumula ang mata ng kanyang anak na si Gelle. Nakausap na din pala niya ang anak niya kay Ghon. They spent their days in hospital para makasama siya. They are very happy.

Si Ilham naman ay nanatili sa tabi niya, dinadalhan din siya ng pagkain ng Mommy at Nanay Nina niya. Kung minsan ay si Ilham ang namimilit na ipagluto siya. Laging gabi din naman bumabalik kaya nagtataka siya.

“Anak, wala pa ba ang Daddy mo?” mahinahong tanong niya sa anak niyang si Gelle na nakaupo sa sopa malayo sa kanya at bahagyang nakatulala.

Tumingin ito sa kanya ng malungkot at umiling. “W-Wala pa po, Mommy. Let's call him na po?”

She furrowed her brow and shook her head. "Let's just wait for him. Your father said he would call or send a message."

Wala itong nagawa kundi ang tumango. Kaya ng tumunog ang cellphone niya ay mabilis niya iyong kinuha. Si Gelle ay agad na lumapit sa kanya.

Sakto namang pagsakot niya ay ang pagpasok ni Ghon. Natigilan ito ng makita silang mag-ina sa kama. Umiwas na lamang siya ng tingin at natuon iyon kay Gelle.

That's why she sees the resemblance of the twins in her daughter. She even looks more like Ghon when stared at closely. Perhaps she resembles Ilham because the two of them are closer. And Gelle is definitely a daddy's girl.

While staring at her daughter, napapaisip siya kung sasabihin ba niya kay Ghon ang tungkol kay Gelle. But she already said to Ilham na hindi niya sasabihin sa kahit sino ang tungkol sa pagkatao ng kanyang anak. Si Ilham ang ama nito at wala ng iba. Kung tumating man ang araw na malalaman nila, sana ay maayos na ang lahat.

“B-Babe?” That was Ilham soft and loving voice. But why there's something on his voice?

“Ilham, nasaan kana?” she asked.

Lumapit lalo si Gelle at nilapit ang tainga sa cellphone upang marinig ang sasabihin ng ama. Hinayaan naman niya iyon.

“Babe, I will let your Mom brought your foods there, okay? Just this week. N-Nagkaproblema ang kompanya natin sa Australia. Habang nandoon ako ay aayusin ko na din ang kasal natin, kaunti na lang ang dapat ayusin doon kaya makakabalik ako agad. Hindi ba gusto kong makasal na tayo pagkalabas mo?”

He let out a sigh when she didn't respond. She was taken aback by his sudden decision. She noticed their child's nose turning red, trying hard to hold back tears, which made her furrow her brows in concern.

"Ghon and I have already discussed things. We talked about your divorce. He'll talk to you again for your final decision because if you decide against our marriage, I'll understand and—"

“No, I only want to marry you! That's my final decision, Ilham, there's nothing more to discuss.” She shot Ghon a glare, who was now standing in front of them.

“T-Thats good. Pagkatapos ko sa Australia ay uuwi agad ako. Ready yourself, okay? We will get wed when I come back,” mahina at nanghihinang saad ni Ilham.

Someone signaled him to end the call, so he nodded in acknowledgment. He didn't wait for her to answer him.

“I'll text or call you again later. I have to go now. Don't cry, okay? Take care, babe, and take care of our little princess. I-I love you both.” Then he ended the call.

Buong tawag ay gulat na gulat si Haera. Nabigla siya sa mabilis nitong desisyon. Gano'n ba kalala ang problema ng kompanya nito sa Australia para magmadali?

Lumapit si Ghon sa kanila, seryoso ang mukha at pantay ang mga labi. Naupo ito sa upuang naroon sa tabi ng kama niya at tinitigan siya ngunit hindi niya ito pinansin. She's still shock because of what happened.

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon