Chapter 16

73 5 0
                                    

CHAPTER 16

Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga lang sila ng ilang minuto bago naligo muli. Si Grace ay binanlawan na si Kookie dahil nilalamig na ito. Haera was just looking at the kids playing and swimming at the sea. Yakap niya ang tuwalyang binigay kanina ni Ghon sa kanya.

“Bonfire? Aayusin ko na ang mga kahoy na gagamitin.” Ramdam niya ang pag-upo ni Ghon sa tabi niya.

She didn't even answered him. Kanina pa niya ito hindi pinapansin. Manigas siya. Nakanguso niyang tiningnan ang kamay. Masakit kanina iyon dahil sa ginawa ni Lore.

“Are you mad at me? I'm sorry,” he whispered at sinundot ang braso ko.

“Tumigil ka.” Umirap siya dito at tinuloy ang pagkatulala.

Kung nandoon lang sana si Ilham ay hindi gugulo ang isip niya. Nakikisama pa pati ang puso niya kapag malapit ang lalaking katabi niya. Bumuntonghininga siya at inisip ang posibleng dahilan no'n. Ngunit kahit anong isip ang gawin niya ay nauuwi pa rin iyon sa, hindi niya ito gusto. Hindi niya gusto ang pakikitungo nito sa kanya, na para bang ang tagal-tagal na nilang magkakilala. Kung makalapit ito ay parang close sila.

“Sircto anak, do you want to help Daddy?” rinig niyang tanong sa nito sa anak.

Mabilis naman na nagtungo si Sircto sa puwesto nila. Kahit ang tatlo ay sumunod pa. Naupo si Gelle sa harap niya at siniksik ang sarili sa kanya. Niyakap niya ito dahil ramdam niya ang panginginig nito.

“Bakit po, Daddy?” Nilingon ni Sircto ang kambal at ang Ate nito bago dumapo ang tingin kay Gelle na nakasiksik sa kanya. Hindi niya mabasa ang emosiyong naglaro sa mga mata nito dahil mabilis itong umiwas ng tingin sa kanila. “Wait, Daddy!”

Tumakbo ito patungo sa kung saan kaya sinundan nila ito ng tingin. Hindi maiwasang mapangiti ni Haera ng makitang may bitbit itong dalawang towel pagbalik.

“Here, Ate Luna, Aisleigh Sireli.” Inabot nito ang towel sa Ate nito at tinulungan si Aisleigh para balutin ang sarili nito. “Done, let's go Daddy!” masayang humawak ito sa kamay ng ama.

Umupo sa tabi niya ang dalawang babae. Tumayo si Ghon at naglakad paalis. Nilingon pa sila nito. Nang makita silang nakatingalang nakatingin dito ay Iiling-iling itong ngumiti at umiwas ng tingin. Kumunot naman ang noo ni Haera ng makita iyon.

“Where sila pupunta, Mommy?” tanong ng anak niya.

“Kukuha lang ng kahoy for bonfire, anak.”

Tumango-tango siya. Humarap sa kanya ang dalawang batang babae kaya natuon ang atensiyon niya sa mga ito.

“Bonfire? We love bonfire! Mommy, love it too,” malungkot na tumitig sa kanya si Aisleigh. Si Luna ay napayuko at alam niyang malungkot din ito.

“Your mommy...” simula niya kaya napatingala muli ang mga ito sa kanya. Kahit si Gelle ay ganoon din, mukhang interesado pa doon.

“What about our Mommy po?” Nakikita niya ang lunkot at pangungulila sa mga mata ng mga ito.

Kahit pala nandiyan ang Daddy nila ay ang kalinga pa rin ng Ina nila ang hinahanap nila. Bata pa lang sila nang mawala ang Mommy nila kaya siguro hanggang ngayon ay ito pa rin ang hinahanap ng mga ito. Hindi niya masisisi ang mga ito kung ganoon na lamang ang naging reaksiyon nang makita siya.

“Kamukha ko ba talaga siya?” she asked. “Can you tell me about her? If its okay with you, pero huwag niyong pilitin magkwento kung hindi niya kaya okay?”

Umiling-iling ang mga ito. Si Luna ang nagsalita kaya sa kanya natuon ang paningin nila. Nakakatanda siya kaya mas nakakasama niya ang Ina nila kaysa sa kambal.

Cage the Truth [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ