Chapter 30

112 4 0
                                    

CHAPTER 30

After what happened in that day, Ghon never show up in the hospital. She never asked ngunit sinabi pa rin ng Mommy niya na busy si Ghon sa kompanya nito. Dahil simula daw nang makita siyang muli ay hindi na ito bumibisita sa kompanya, hindi na nag-aattend ng mga meeting, nawalan na ito ng oras sa kompanya at tanging si Wize at ang Daddy ni Ghon na lamang ang nag-aasikaso no'n.

“Do you want to eat, babe? Uuwi muna ako para kumuha ng damit mo, I'll cook for you,” Ilham said before fixing her bags. Iyon ang mga ginamit niya.

Ang Mommy na sana niya ang magdadala no'n ngunit ayaw ni Ilham. Napapansin din ni Haera ang pamamayat ng fiance, namumutla din ito kung minsan. Hindi lang mapapansin dahil maputi ito. Hindi siguro nito alam na napapansin niya ang palaging pagtungo nito sa banyo.

Sa katunayan ay napapansin na niya iyon simula nang nasa Palawan sila,  ang umuwi ito galing sa business trip nito. Hindi na niya masyadong napansin iyon dahil busy ang isip niya sa ibang bagay.

“Are you okay, babe?" nag-aalalang tanong niya.

Nakaupo siya sa kama niya at nakatingin dito. Ilham stiffened then she wait for him to look at her. Ngunit hindi ito lumingon at nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit niya. Gusto man niyang puntahan ito at masakit pa ang hita niya at alam niyang hindi din  papayag si Ilham.

“I am okay, babe, don't worry. Pupunta si Grace dito at babantayan ka muna. Babalik naman ako agad, okay? Don't be hardheaded here, magagalit na naman si Tita.” Alam niyang pinipigilan nitong mapaubo.

Kumunot ang noo niya at hindi na nagsalita. Nararamdaman niyang may problema ito... may nararamdaman ngunit ayaw sabihin sa kanya. This is Ilham, ayaw nitong pinag-aalala siya. Kung kinakailangan nitong itago para sa ikabubuti ay gagawin nito.

“Are you sure? Babe, tell me if you have a problem. Are you tired taking care—”

“Stop!” malakas nitong turan na kinabigla niya.

Nagulat siya sa biglaang paglakas ng boses nito. Bigla siyang naluha. Mukhang napansin nito iyon, mabilis na nilingon siya. When he saw her tears ay biglang nanlambot ang mukha nito. Lumapit sa kanya at sinapo ang kanyang mukha. Pinagdikit nito ang kanilang mga noo at maharan na pinatakan ng halik ang labi.

“I'm sorry, babe, hindi ko sinasadya! It just that, ayokong naririnig iyon mula sa 'yo. Don't you ever think that I'm tired of taking care of you. Alam mong kaya kong isuko ang lahat para sa 'yo. Ang alagaan ka ay ang isang bagay na hindi nakakasawang gawin. So please, don't say that again,” he said.

Nagsisi tuloy siya at sinabi nito iyon. Hindi siya nag-iisip. Ayaw nga pala nito ang mga ganoon.

Tumango siya at bahagyang yumuko. Hanggang sa pinalibot niya ang mga braso sa leeg nito at mahigpit itong niyakap. Mukhang nagulat pa ito sa ginawa niya.

“Sorry, nag-aalala kasi ako sa 'yo. Akala ko napagod kana. Npapansin ko ang pamamayat mo, babe. You can take a rest for a while. Si Grace na lang muna ang—”

Umiling ito at siniksik ang mukha sa leeg niya. “Ayoko. I want to take care of you. Gusto kong ako ang mag-aalaga sa 'yo at hindi ang iba. Please, don't take that from me.” Nanindig ang balahibo niya ng maramdaman ang halik nito sa leeg niya. “Uuwi lang ako saglit, babalik din ako agad. Just wait for me here, okay? Kukunin ko na rin si Gelle sa school niya, dito matutulog ang prinsesa ko.”

Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya at saka tumango dito. Ilang minuto pa ay nagpaalam na itong aalis upang makabalik agad. Sakto namang pag-alis ni Ilham ay ang pagpasok ni Grace.

“Ate!” Kasunod nito ang isang lalaki, habang buhat si Kookie.

Lumapit ang mga ito sa kanya kaya kunot ang noong sinundan niya ng tingin ang lalaki. He's good looking, nasisiguro din niyang may ibubuga din ito sa buhay.

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon