Chapter 4 Under Revision

126 5 0
                                    

CHAPTER 4

"Haera?"

Nakatulalang nakatitig lamang ako sa kamay ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Pakiramdam ko ay ang laki-laki ng kasalanan ko. Ngunit kanino? Wala akong maalalang may ginawan ako ng masama.

"Hoy, ayos ka lang?"

Simula nang umalis ako sa hospital ay daladala ko ang pakiramdam na iyon. Habang humahakbang papalayo doon ay nasasaktan ako lalo pa noong tinawag nila ako. Sino sila? Bakit ganoon na lamang sila sa akin? They call me Mommy, why? Kamukha ko ba ang Mommy nila?

Napalabi ako. Napakuyom ang kamay ko nang maalala ang mga sinabi ko. Hindi ko sila kilala. Akala ko ayos na ako, na kaya ko nang humarap sa ibang tao. Pero bakit nang makaharap ko sila ay sumakit na lang ang ulo ko? They are the one who trigger my illness, iyon lang ang alam ko. Napapikit ang mga mata ko kasabay ng pagkunot ng noo ko. Naalala ko ang nangyari kanina sa hospital.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang naging reaksiyon ko nang marinig ang kanilang boses. Anong gagawin ko? They are here. Ngunit kaninong boses ng lalaki ang narinig ko? Bakit ganito kalakas ng tibok ng puso ko? Ang lakas ng epekto niya sa sistema ko. Humugot ako ng hininga at dahan-dahan silang nilingon.

Sa paglingon ko ay agad na natuon ang aking paningin sa lalaking nasa gitna nila. Halos mapatingala na ako sa taas niya. Nagtagpo ang aming mga mata kasabay ng pagkirot ng aking ulo. Simula nang magpa-therapy ako ay ngayong araw lamang bigla-biglang sumakit ang aking ulo. It's like someone or something trigger it. I shook my head.

"R-Rain, honey..." Nangunot ang aking noo nang bumuka ang kanyang labi.

Ngunit nawala sa kanya ang paningin ko nang marinig ang mga hikbi na nanggagaling sa mga batang nasa tabi niya. Nakatingin sila sa akin habang lumuluha. The man step forward but I confusedly step back on him. Kunot pa rin ang noo ko.

"M...Mommy!" The kids run towards me and hug my waist so tight.

Pigil ang hininga kong niyuko sila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na iyon. Litong-lito ako sa mga pinapakita nila.

"You're dead, why... Damn!" Mabilis din na lumapit ang lalaki at niyakap ako ng sobra na halos hindi na ako makahinga.

"C-Can't breath."

Pilit ko itong tinutulak ngunit masyado itong malakas. Wala akong magawa kundi ang hampasin at suntukin ang kanyang likuran. Iyon ang dahilan kaya binitawan niya ako. Ngunit natuod lamang ako sa aking kinatatayuan ng pati ang lalaki ay nakita kong umiiyak. Hindi pa rin ito makapaniwala habang nakatingin sa akin.

They're crying while I'm confusedly looking at them. Bumuntonghininga ako. Halo-halo ang nararamdaman ko sa oras na iyon. Kaya napalabi ako at niyuko ang mga anak nito. Dahan-dahan kong kinalas ang kanilang mga kamay sa baywang ko na lalong kinaiyak ng mga ito.

"Please, let me go." Naguguluhan, nagmamakaawang wika ko.

"Mommy, Nooo!" they are shouted so loud. Napangiwi ko.

Nang tingalain ko ang lalaki ay nakatulala lamang ito sa akin habang patuloy na lumuluha. Kaya nang ilibot ko ang paningin sa paligid ay halos magsilapitan na ang mga taong naroon na para bang napaka-interesante ang kanilang napapanood.

"I'm sorry but I guess you just mistook me for someone else." Nang makawala ako sa kanila ay niyuko ko ang mga ito. "I'm sorry kids but I don't have two more children. Nag-iisa lang ang anak ko at impossible magkaanak ako sa iba dahil masyado kong mahal ang asawa ko." Then I look at the man. "Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaksiyon niyo. Pero nasisiguro kong hindi ako ang babaeng hinahanap niyo. Maaaring kamukha ko siya, but I'm sorry I don't even know you." Yumuko ako at napalabi. Tumalikod ako sa kanila at mabilis na naglakad palabas. Sinubukan pa akong habulin ng mga bata ngunit sa tingin ko ay pinigilan sila ng ama nila.

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon