Chapter 27

91 5 0
                                    

CHAPTER 27

Umawang ang labi ni Haera. Gulat sa binitawan nitong salita. Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya galit sa babaeng kaharap. She's not Rain, pero gusto niyang pilipitin ang leeg nito sa oras na iyon. Her body trembling in so much emotion. Naghalo-halo na ang nararamdaman niya, hindi alam kung anong sasabihin niya.

Ngumisi ito lalo nang makita ang sari-saring emosiyon na biglang sumulpot sa kanyang mukha. Nilaro pa nito ang baril sa kamay nito, she expertly throw it up and catch if immediately. She was like playing a toy gun.

“You look shock. Iyan pa lang ang nasasabi ko pero gulat na gulat kana. How about I told you everything I did, baka mahimatay kana diyan,” she mockingly said.

She just looking at her. Parang takot na siyang magpakita ng ibang emosiyon dito dahil lalo itong natutuwa roon.

Pilit na lamang niyang iniinda ang sakit at kirot na nararamdaman dahil sa sugat niya.

“W-What did you do?” walang emosiyon niyang saad.

Kailangan niyang ibaling sa iba ang atensiyon nito upang mabigyan ng oras si Ilham upang maligtas siya. Haera know Ilham will save her. Hindi iyon mapapakali kapag hindi siya nakikita. Alam niyang galit na galit na ito ngayon.

Then she remembered Ghon, alam ba nito ang nangyari sa kanya? Is he worried? Is he looking at her?

Napailing siya. Paano niyang nagagawang isipin ito samantalang ito ang dahilan kung bakit siya naroon. Her heart skip thinking that Ghon is the reason why her life is in danger. Kakilala lamang niya dito ngunit heto na ang nangyari sa kanya.

Kung hindi niya ito nakilala ay baka masaya at payapa niyang inaayos hanggang ngayon ang kasal nila ni Ilham.

Lore hold her chin while thinking what she did years ago. Dahil pinagmamasdan ni Haera ang dalaga ay nakikita niya ang pagbabago ng emosiyon nito.

She glared her when she saw how the smirk plastered on his lips.

“Well, seriously wala naman akong masyadong ginawa sa 'yo noon maliban sa sinira ko ang brake ng kotse mo, and I payed someone para salubungin ang kotse mo. I told him na salubungin ka tapos kapag malapit na siya sa kotse mo ay tumalon na lang siya sa sasakyan niya but he's so stupid. I get him because he's expert on that, kung ginawa niya iyon siguro buhay pa din siya ngayon. Patay nga lang siyang dinala sa hospital, and while you someone help you to get out on your car, you know who is he now,” parang walang pakialam nitong pagkukwento sa kanya.

“I remember, ilang beses ko din palang inakit ang asawa mo noon kaya kayo nagkalabuan, you always fight each other. And you saw me kissing your husband before the accident,” natatawang wika pa nito na kinagulat niya.

Who's husband is she talking about? Is she referring to Ghon that Rain's husband? Wala naman kasi itong ibang bukambibig kundi si Ghon at Rain. So everything she had said was all about Rain and Ghon.

Pero bakit kinakabahan siya? Natatakot at nagagalit? Dahil ang sinasabi nito ngayon sa kanya ay may kaugnayan sa nangyari din sa kanya. The accident... kung paano siya salubungin ng flammable truck.

“Nakakatawang isipin na pagkatapos nang nangyari noon, kung saan ako ang dahilan kung bakit nawala ang unang anak niyo ay pinatawad niyo pa din ako. Expecting that I will changed that so easily... you even trust me again. So really stupid of you. Do you think, after you get my Ghon to me, I'll just stop and move on? That's b*ullshit, Rain!” asik niya at dinuro ang dulo ng baril sa ulo niya.

She was still quiet. She doesn't want to talk. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para tuluyan siya. Sapat na ang dalawang tama niya. Sinubukan niyang igalaw ang paa ngunit kumirot lamang lalo ang sugat niya. Nanlalabo ang paningin niya sa kawalan ng dugo. Patuloy pa rin kasi ang pag-agos nito lalo na sa kanyang balikat.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now