Chapter 19

67 4 0
                                    

CHAPTER 19

Nakangusong nakatingin si Haera sa kaharap nila. She's still sitting at Ilham's lap. Ayaw kasi nitong paalis siya. She's comportable with her position hindi katulad kanina. Nakasandal siya kay Ilham habang binibigyan ng masamang tingin si Wize.

Yes, its Wize. Dahil iisang mundo lang naman ang ginagalawan ng mga ito ay magkakilala sila. Sa katunayan ay nakilala lamang ito ni Ilham nang mag-aattend ng party si Ilham sa isang sikat na artista na kaibigan pala nilang pareho.

Walang alam si Wize tungkol sa kanya dahil hindi naman hilig ni Ilham ang mag-share sa iba about his life. Kaya nang pumasok ito kanina ay nagulat pa ito, dagdagan pa nga ang naging posisyon nila ng fiance.

“Talagang kayo?” Tinitigan sila nito. Nakapalibot ang isang braso ni Ilham sa baywang niya. Doon natuon ang tingin bago nagmura ng ilang ulit “Alam ba niya 'to?”

Hindi nila narinig ang huling sinabi nito. Hindi alam ni Haera kung bakit malungkot ang mga mata ni Wize pagkatapos kumpirmahin na sila nga ni Ilham at ikakasal na sila next month.

Bakit ba ang wi-weird ng nga tao ngayon?

Nagpaalam muna si Haera kay Ilham na lalabas upang makapag-usap sila ng maayos ni Wize. Mukhang hindi kasi ito komportable na kaharap nila ni Ilham sa ganoong posisyon.

‘Kung saan komportable na ako, saka pa umepal ang lalaking iyon!’ Umirap si Haera at lumabas ng kompanya.

Dumeretso siya sa park ilang metro mula doon sa kompanya ni Ilham. Ngunit kahit doon sa pwesto nila ay nakikita pa din ni Haera kung nasaan banda ang opisina ni Ilham. Alam niyang nakikita siya sa taas kung matalas ang paningin mo, ngunit kapag nasa baba ka ay hindi mo makikita ang nasa loob no'n.

Mabuti na lang at walang masyadong tao roon. Umupo siya sa swing at nanatili muna roon. Babalik na lamang siya mamaya, sigurado naman wala na roon si Wize.

“Why are you here?” Napapitlag si Haera ng may magsalita sa tabi niyang swing.

Dumagongdong na naman ang puso niya ng marinig ang boses nito. His familiar voice. It was Ghon. Dahan-dahan niya itong tiningnan at hindi na siya nagulat ng makilala ito. Bakit ito naroon?

“Why are you here?” balik tanong niya dito.

Tumaas ang kilay nito sa kanya, tumiim ng bahagya ang panga. Tuloy ay napanguso siya. Mukhang nainis ito dahil sa pagbalik niya ng tanong dito.

“I asked you first.” He avoid his gaze.

“Ilham's company is near here. Wize was there so lumabas na muna ako. Ah, why I feel that you knew that Wize?” she nonchalantly said without looking at him.

“Wize? Yeah he's my friend.”

Umangat ang kilay niya. “Is he the reason why you're here?”

Malay ba niyang pinuntahan o hinihintay pala nito ang kaibigan. Pero parang hindi dinn. Kasi basi sa nakikita niyang ugali ni Ghon ay parang mahal lagi ang oras nito. Hindi ito pupunta sa isang lugar kung maghihintay lang ito sa isang kaibigan.

“No, my reason is here.”

Nagsalubong ang kilay niya ng balingan ito. Nakatingin ito sa kung saan kaya sinundan niya ito ng tingin. He's looking to the group of people na nakaupo kalayuan sa kanila.

Hindi maiwasang mapasimangot ni Haera. What did he mean by that? Namatay si Rain, then bumalik siya kay Lore at naging girlfriend ito, and now she's looking at that woman? Nadismaya siya ng balingan ito. Hindi makapaniwala.

Mukhang napansin ni Ghon ang naging reaksiyon niya, tumiim ang bagang nito. Umiling sa kanya, “I am not like what you're thinking. I only have Rain, nothing else.”

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon