Chapter 21

79 5 0
                                    

CHAPTER 21

Humiga si Haera sa kama at niyakap si Luna. Ngayon lamang siya nakaramdam ng pagod. Ni hindi niya pinansin ang basa niyang damit dahil sa pagbuhos ng tubig sa kanya. Hindi niya pinansin ang panlalamig. Namamanhid pa rin ang kanyang pisngi at nararamdaman ang sugat sa kanyang labi. Hinawakan niya ang pisngi ni Luna at doon tahimik siyang umiyak. Hindi niya napigilan ang yakapin ito ng mahigpit.

Naramdaman niya ang paglaki ng pisngi nito, dahil payat ito ay mararamdaman talagang nag-iba ang laki ng pisngi niya. Pilit niya iyong sinisilip at doon nakita ang pamamaga ng pisngi niya.

Ilang ulit din iyong sinampal ng babae kanina, na hanggang ngayon hindi niya alam ang pangalan. Basi sa mga tauhan nila, Madam V ang tawag sa kanya.

Simula pa lang plano na talaga nilang kidnapin ang mga bata. Hindi alam ni Haera kung bakit nakalusot ang babaeng ito kay Ghon samantalang mahigpit ito sa mga taong lumalapit sa mga anak nito.

O baka mas pokus ito sa trabaho kaya hindi na nito masyadong natutukan ang mga bata? Kasalanan din nito ang nangyari, kung hindi sana niya hinayaan ang mga batang umalis ay baka hindi naranasan ni Luna ito ngayon.

Kahit nakapikit ang mga mata ay nagbabantay din siya. Hindi siya pwedeng matulog tulad ng sabi ni Ilham sa kanya. Wala sa sariling napahawak siya sa kwentas. Swerte na lang niya at binigyan siya ni Ilham ng gano'n. Nagpapasalamat talaga siya at naisipan ng fiance niya ang bigyan siya ng gano'n kung hindi ay hindi na niya alam ang gagawin niya.

“Daddy...no please!” Napabangon si Haera ng magsisigaw si Luna. Umiling-iling ito sa kanyang higaan, kahit nakapikit ay tumutulo ang luha nito.

“Luna anak, hey wake up!” Bahagya niya itong inalog upang magising.

Paulit-ulit niya iyong ginawa hanggang sa magising ito at niyakap siya. Awang-awa siya sa bata. Kumuyom ang kamay niya sa galit sa babaeng iyon. Hintayin lang niyang makulong at babawi siya. Kahit siguro wala siyang gawin ay hindi pa rin siya makakatas kay Ghon. Anak nito ang tinalo nila. Mga demonyo!

“Mommy, I'm scared,” she cried loud.

Tumulo ang luha niya ng maramdaman ang takot at hirap sa boses nito. Wala siyang magawa kundi ang yakapin ito at hagkan ng paulit-ulit.

“I know anak, Mommy is here. I won't let them hurt you again. Hindi na ako papayag.”

Ilang minuto pa ay nakatulog ulit siya. Dahan-dahan niya itong nilapag sa kama. Pasulyap-sulyap siya sa pinto, nagbabakasaling bumukas iyon. Alam niyang maghahating-gabi na, kaya siguradong inaantok na rin ang iilang tauhan sa labas. Sana lang ay makapasok sila ng ligtas.

Naghintay pa si Haera ng ilang minuto hanggang sa dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto. Pigil ang hiningang napatayo siya at hinintay ang kung sino mang pumasok.

“Ilham!” Dumaloy ng sunod-sunod ang luha niya nang makita ang lalaking pumasok. Mabilis akong tumakbo patungo dito at ito naman ay inilang hakbang ang pagitan nila.

Ilham hugged him so tight. Ramdam niya ang panginginig nito habang yakap siya. Humagulgol siya sa dibdib nito. Doon lamang nakaramdam ng takot si Haera. Halos manghina ang kanyang tuhod. Dahil kay Luna kaya umurong ang takot niya kanina pero ngayong yakap na niya si Ilham ay halos manginig ang buong katawan niya. Ramdam niya malakas na kabog ng puso niya.

“Damn, babe! I'm so worried and scared that you didn't go home. Tapos malalaman kong nakidnap ka? Damn, gusto ko silang patayin... Damn it!” Nakita nito ang sugot at pamumula ng pisngi niya.

Nakita niya ang galit sa mga mata nito. Tumiim ang bagang na nakatingin lang doon. Hanggang sa naalala niya si Luna. Mabilis niyang nilingon ang kama at natigilan ng makitang nakakuyom ang kamay ni Ghon at nanlilisik ang batang nakatingin sa anak.

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon