Chapter 18

73 5 0
                                    

CHAPTER 18

Hinaplos ni Haera ang buhok ni Ilham. Simula nang mayakap siya nito kanina ay parang ayaw na siya nitong bitawan pa. Halos hindi na sila umaalis sa sopa dahil ayaw siyang bitiwan nito. She really feel how he miss her.

“Akala namin ay next week pa ang uwi mo,” nakangusong saad niya.

“Next week pa nga sana kaso umapila na ako doon,” nahihiyang humagikhik ito, “Nang hindi sila pumayag,  nagdabog ako. Wala naman silang magawa, I have a big percent of investment on their company. I can do whatever I want. Kapag gusto kong umuwi, uuwi ako. Miss ko na kaya itong fiance ko at ang anak namin.” Nilingon nito ang anak nilang nakahiga sa kabilang sopa at natutulog habang yakap ang bigay na barbie ni Ghon.

Lalo itong napagod dahil naglaro din sila ni Ilham kanina. Gawain na talaga nila iyan. Kapag may oras si Ilham ay nilalaan niya iyon kay Gelle. Daddy's girl na daddy's girl talaga ang anak nila.

Mahina niya itong kinurot dahil sa sinabi nito. “You're so makulit talaga. Talagang nagdabog ka? Dinala mo pa talaga doon ang pagiging isip bata mo. Ano na lang ang iisipin nila, na may Fiance akong isip bata?” natatawa biro niya.

Natigilan naman ito saka mabilis na umupo at tumingin sa kanya. “What? Kinakahiya— What is this?”

Nabigla siya ng maningkit ang mata ni Ilham habang nakatingin sa kanya. Naputol ang dapat na sasabihin nito nang mapatingin sa labi niya kung saan naroon pa rin ang sugat dahil sa pagsampal ni Lore. Hindi niya inaasahan na mapapansin nito agad iyon.

Kanina ay nahirapan pa siyang itago iyon dito. Si Ilham kasi ang tipo ng taong may napapansin agad. Kahit maliit na bagay ay napapansin nito lalo na at may kinalaman iyon sa kanya. Ang maliit na sugat niya noon sa braso na halos itaya na niya ang buhay para patago lang dito ay napansin pa nito. Kapag sinabing maliit, maliit lang talaga. Sinlaki lamang iyon ng maliit na gagamba.

Ang isa kasi sa ginawa niyang patakaran sa bahay noon ay huwag siyang masaktan. Ayaw ni Ilham na makikita siyang may sugat o kahit anong makakasakit sa kanya. Kaya simula doon ang bilis na nitong makakapansin sa kung anong bagay na may kinalaman doon.

Umiwas ng tingin si Haera ngunit hinawakan ni Ilham ang baba niya at hinarap dito.

“Where did you get this? Don't you ever lie to me, Haera Visen. Hindi mo magugustuhan kapag ako pa ang umalam niyan,” inis na bulong nito. Lalong nilapit ang mukha sa kanya upang matitigan iyon.

“Babe, maliit lang naman ito. Saka hindi naman niya sinasadya iyon.”

Kumunot ang noo nito at tinitigan siya.  Napanguso siya at umirap. Hindi niya ugaling magsinungaling kay Ilham pero sa oras na iyon ay parang kailangan niyang gawin iyon. Hindi nga lang niya alam kung paniniwalaan siya.

“What happened? I asked you the second time, where did you get this?” mariin na wika nito. Kinabahan tuloy siya.

“Ilham, naman eh.”

Sinamaan siya nito ng tingin. “Isa!”

“Bakit ba ang kulit—”

Bumuntonghininga ito, malapit ng maubusan ng pasensiya. “Dalawa! Kapag umabot pa ito sa tatlo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Sinabi ko ng ayaw kong nakikitang nagkakasugat ka! Lahat nang nagiging dahilan ng sugat mo ay buburahin ko. Kung sa banyo ka nasugatan, then ipapagiba ko ang lahat ng banyo sa lugar na ito at doon sa Manila! Kung—” Hindi na nito matapos ang sasabihin ng hampasin niya ito sa dibdib. Malala na talaga.

“Baliw ka ba? Tumigil ka nga! Kung ipapagiba mo ang mga banyo, anong gagamitin namin? Saan kami magbabawas? Lumuwang na naman ang turnilyo sa ulo mo,” she said and give him a death glare.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now