Chapter 15

91 5 0
                                    

Good day , Everyone!

I know this is sudden, pero kasi wala akong choice. Isa talaga sa rason kung bakit ko sinulat ang sequel na ito dahil in-apply ko sa Goodnovel ang story ni Ghon at Rain. Since need ko ng 120K doon ay sinulat ko ito. Mahina ako sa First POV pero sinubukan ko pa rin, pero kasi natatagalan akong magsulat gamit ang POV na iyon. Kaya balik na lang muna ako sa 3rd POV. Sana maintindihan niya. Kung hindi niyo naman trip ay huwag na kayong tumuloy po. After I finish this story, susukan kong revise at ibalik sa First POV.

RedPoisonInk

CHAPTER 15

Kunot ang noo nakatingin si Haera sa mga bata na ngayo'y naliligo na sa dagat. Naalala niya bigla ang pagtawag ni Ghon sa pangalan niya kanina, pero bakit ayaw niyang tanggapin ang pagtawag nito ng ganoon sa kanya? Ang gulo din talaga minsan ng sarili niya eh. Gusto niyang tawagin siya sa pangalang Haera pero nang tawagin naman siya nito ay gusto niyang umapila. Bumuntonghininga na lamang siya.

“Mommy, let's swim po!” Nagulat si Haera ng biglang sumulpot sa harap niya si Luna, ang nakatatandang anak ni Ghon. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya, bahagyang hinila siya ngunit masyadong mahina ito para mapatayo siya.

Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa batang nasa harapan. Dumating din ang tatlo pang bata at tinulungan si Luna na patayuin siya at para mapatayo. Nagsalubong ang kilay ni Haera at lalo silang tinitigang tatlo, si Gelle, Sircto at Aisleigh. Bakit gano'n? 

Doon niya lang napagtanto na may hawig si Gelle sa kanila kapag tumatagal. May bakas ni Ilham pero may pagkakataon na kamukha ito ng kambal.

“Ate, ligo tayo.” Naglakad si Grace patungo sa dagat habang karga si Kookie.

Kumaway at ngumiti pa si Kookie sa kanya kaya napatawa siya. He's really cute. Excited itong maligo dahil ng mabasa ang paa ni Grace ay nagsimulang pumalag-palag na si Kookie, gusto ng bumaba at maligo.

“Mommy, please!” Nag-puppy eyes pa ang apat sa kanya na kina buntonghininga niya.

Napailing siya. “Anak, mamaya na si Mommy okay? Sige na maligo na kayo, susunod na lang ako mamaya.” Ngunit hindi nakinig ang apat.

Dumidilim na rin naman. Gusto sanang maligo ni Haera mamaya pang gabi. Natatawa siya ng mas lalong nag-puppy eyes sila. Hanggang sa lumingon ang mga ito sa likuran niya. May presensiya siyang naramdaman doon. Bago pa siyang makalingon ay nagsalita na si Sircto.

“Daddy, Mommy won't swim. Tulungan mo po kami, Daddy!” Nanlaki ang mga mata ni Haera. Mabilis siyang tumingin sa lalaki. Si Ghon.

Nagulat si Haera nang maghubad ng damit si Ghon habang papalapit sa kanya. Nangunot pa ang noo niya ng makita ang ngisi sa labi nito. Sinamaan niya ito ng tingin.

“Subukan mo ako, Ghon,” pagbabanta niyang wika ngunit para itong walang narinig dahil sa patuloy na paglalakad patungo sa kanya.

Tumawa pa ito, pati ang mga bata na humagikhik. Tumayo siya nang malapit na ito sa kanila. Salubong ang kilay na humakbang papalayo.

“Bakit ka lumalapit?” inis na singhal niya.

“Dahil lumalayo ka! Natatakot ka ba?” natatawang saad pa nito.

“Mommy, run! Tito Ghon will catch you!” natatawang sigaw ng anak niyang si Gelle.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Sumulyap pa siya sa mga bata bago nilingon si Ghon na malalaki na ang hakbang patungo sa puwesto niya. Bago pa ito makalapit sa kanya ay tumakbo na siya.

Cage the Truth [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon