Chapter 7

93 4 0
                                    

CHAPTER 7

“Babe? Where are you? Dapat ay hindi na kita iniwan diyan o hindi na lang ako umalis.  We're worried to you. Uminom lang kayo ni Craine sa rooftop pero hindi ka sa kwarto natulog. Nasaan ka ngayon? Saan ka natulog? Papunta na ako sa airport, I'm going home.”

Napangiwi ako nang iyon ang bumungad sa akin pagsagot niya ng tawag ko. Plus that Craine was giving me a death glare. Halos mabaliw daw siya kakahanap sa akin kanina. Pumunta pa siya sa kabilang hotel para magtanong baka daw sa sobrang lasing ko ay kung saan-saan na ako napapadpad.

Hindi naman kasi ako lasing kagabi. Mariin kong ipinikit ang mga mata para mag-isip ng sasabihin sa kanila lalo na kay Ilham na nagbabalak pang umuwi.

“Babe, I'm okay. Ano ka ba, go back on your hotel. May meeting ka pa mamaya, hindi ba? Walang nangyari sa akin. S-Sa kubo ako natulog kagabi. Plano ko lang naman kasi magpahangin doon kaso bigla akong inantok at tinatamad na akong umakyat kaya doon na ako natulog.” Umirap ako kay Craine nang simangutan niya ako.

Nilayo ko ang phone para hindi marinig ni Ilham ang sasabihin ko sa kanya. “Ang totoo ay ayaw kong alalayan ka pababa. Did you remember, sinukahan mo ako ng dalawang beses noon? Duh, Craine, iinom-inom nang hindi mo naman pala kaya.”

Nanlaki ang mata niya at mabilis akong hinampas. Ngingisi-ngisi akong muling kinausap si Ilham. “Uuwi na din kami mamaya. Igagala ko pa si Gelle sa mall since wala ka naman at naiinip kaming pareho ng anak natin sa bahay nang walang ginagawa doon.”

Sandali siyang natahik saka bumuntonghininga. “Fine, just take care, Babe. Sa susunod na pinag-aalala mo ako ng ganito ay uuwi ako. I can't even focus here because I'm always thinking of you.”

“Oo, oo. Sorry na ulit. Hindi na talaga mauulit iyon. Si Craine kasi. Basta huwag kang uuwi, sayang din iyan, Babe.” Lalo akong ngumisi nang sinamaan ako ng tingin ni Craine habang inaayos ang damit niya.

“Okay, I love you! I'll talk our daughter, Babe.”  Binigay ko naman kay Gelle ang phone pagkatapos ay sinimulan ko na ang pag-aayos ng gamit namin. Hindi din naman nagtagal iyon dahil konting damit lang naman ang dinala ko dahil isang gabi lang naman kami dito.

“Nasa kubo ka? I didn't saw you there, Haera. Sabihin mo ang totoo, saan ka natulog ha?” mahinang bulong ni Craine pagkatapos akong tusukin sa tagiliran.

Papunta na kami ngayon sa kotse. Hawak-hawak ko si Gelle habang nakikipag-usap ito kay Syker. Masyado talagang madaldal ang anak ko, manang-mana sa ama niya. Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko.

“Lahat ba ng kubo napuntahan mo? Huwag ka ngang baliw diyan. Kung hindi ko pa nalaman na hinigit mo ang isang lalaki doon sa rooftop para lang ihatid ka sa room natin, tsk!” Iiling-iling akong umirap sa kanya na kinanguso niya.

“Paano mo nalaman ‘yon? Wala ka naman---”

I cut her off. “Someone tell me about it. Kapag hindi ka tatahimik ay sasabihin ko talaga iyon kay Jeff, ewan ko na lang sa'yo kapag nagalit siya.”

“Ito na, ito na, tatahimik na.” Nagmartiya siya patungo sa kotse. Natatawa ko lang naman siyang pinagmasdan. Inalalayan ko si Gelle papasok sa kotse.

Bago kami umalis ay hindi sinasadyang mapatingin ako sa isang kotse na hindi kalayuan sa amin. Nangunot ang noo ko nang may makitang tatlong bata roon na nakatayo roon habang nakatingin sa kotse naming papalayo. Kahit papalayo ay nakikita ko ang mga luha sa mga mata nila. Kumirot ang puso ko kaya agad akong umiwas. Buong byahe ay tahimik lang ako dahil inaalala ko ang mga batang iyon. Bumuntonghininga ako at tiningnan ang anak ko. She's playing with Syker. Ilang oras lang naman ang naging byahe namin.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now