Chapter 13 Under Revision

72 5 0
                                    

CHAPTER 13

When I woke up in the morning, ay agad akong naligo. Natutulog pa si Gelle masyado itong napagod dahil alas siyete na talaga sila natapos maglaro. Kung hindi ko pa sila niyayang kumain ng hapunan ay talagang wala silang planong tumigil. After they eat ay sumama na sila kay Lore at Ghon.

I'm wearing my underwear when I look at the mirror here in the bathroom. Bahagya akong tumagilid at agad na dumapo ang paningin sa kilid ng boobs ko. I softly touch it when I saw the mole there. Maliit lang iyon pero kahit isang sulyap mo lang doon ay agad mo nang mapapansin dahil sa sobrang itim no'n.

“He's right. What is really happening?” Bumuntonghininga ako.

Mabilis akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Dala ang cellphone ay nagluto ako, mabilis ang bawat kilos ko kaya nang matapos ako agad ay naupo ako sa living room at kinulikot ang cellphone.

Sikat si Ghon kaya paniguradong may mga news about what happened to his wife. I search Ghon's name and his wife. Maraming lumabas na article about it. I read them all. While reading it, alam kong kapag may nakakakita sa akin ay iisiping nababaliw ako dahil sa paiba-iba ng aking ekpresiyon.

Hindi ko na alam kung anong itsura ko sa oras na iyon. Nalulungkot ako dahil sa sinapit ni Rainnance. Ngunit ang nakapagtigil talaga sa akin ay ang mga larawang nito. My eyes wided in so much confused.

“S-She really look like me,” I said stammering. Bahagya kong hinaplos ang larawan and my heart suddenly beat so fast. Sa lakas ay nakakaramdam ako ng pagkirot no'n.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at humugot ng malalim na hininga. Ngayon ay mas naiintindihan ko na sila kung bakit ganoon na lamang ang naging reaksiyon nila ng makita ako. Kamukhang-kamukha ko talaga siya.

She died because of car accident. Ngunit may nagsabi na sabotage ang nangyari dito. Dahil mayaman si Ghon at gano'n din naman si Rain, may posibilidad na may naiinggit sa mga ito at ginawa ang bagay na iyon. Walang statement si Ghon doon at ang pamilya ni Rain pero sigurado daw silang they investigate silently. Matagal ding humupa ang balitang iyon.

Natulala na lang ako pagkatapos. May naiwang tatlong anak si Rain iyon ang masakit. Hindi pa lumalaki ang mga bata ay nawalan na sila ng Ina. Kaya kung ako nga ang sinasabi nila na Mommy nila na alam kung impossible ay hindi ko matatanggap. Masakit para sa akin na hindi ko sila nakasama at hindi ako ang nag-alaga sa kanila hanggang paglaki.

I watched some videos na makikita kung paanong masaya sila ni Ghon at Rain. Dahil sikat sila ay may mga litrato kumakalat sa social media kapag lumalabas silang magpamilya. I can see that they are really happy. They didn't care sa mga tumututok na camera sa kanila. Hindi ko na napansin na lumuluha na ako habang pinapanood ang mga videos na iyon.

Why I am hurting?

I can't imagine Ghon taking care the three kids alone. Nakakalungkot na imbis silang dalawa ng asawa nito ang gagawa no'n ay siya na lamang. Nakakapaghinayang na nawalan ng maaga ang mga bata ng isang Ina na sana ay mag-aalaga at magmamahal sa kanila.

Kitang-kita naman kung paano kamiss ng mga bata ang Ina nila. Napagkamalan nila akong siya, ramdam ko ang emosiyon nila kapag malapit sa akin. How they lovingly stared at me na sana ay para sa tunay nilang Ina.

Wala sa sariling tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng bahay. Alas sais pa lamang ng umaga kaya hindi pa masyadong mainit. Naglakad-lakad ako sa tabing dagat. Thinking about what I have read. Hindi ako makapaniwala. Ayokong mag-over think pero hindi ko maiwasan. Kumuyom ang kamay ko. Ano ang ibig sabihin no'n? Rain and I have the same face, even when she smile and  her expression. I remembered what Ghon said about Rain's mole, we're both the same.

Cage the Truth [COMPLETED]Where stories live. Discover now