Chapter 48

5.4K 74 0
                                    

Anya Belle’s POV

Gaya nang sabi ni Levi, pagkatapos ng kasong hawak niya sa aming probinsya, umuwi kami sa Manila para ipa-checkup ako. Hindi ako nagprotesta sa bagay na iyon dahil gusto ko siyang bigyan ng anak na pinapangarap niya. Although, we both suffered and hurt, we have to accept what happened. Dahil hindi na naman maibabalik pa ang nawala na.

Pero siguro nga, may piling pagkakataon na bumabalik ang mga nawala, gaya ng aking alaala. When I woke up after we made love, I just remembered everything like it really never happened. Naaalala ko na si Levi, naalala ko na ang lahat. Pupwede na nga akong magtrabahong muli kung gugustuhin ko.

Subalit, hindi ko pa nasasabi ang totoo kay Levi. Alam kong naguguluhan siya sa mga gawi ko, kahit na ang paglalambing ko sa kaniya. Pero hinayaan ko na lang muna iyon. Gusto ko lang siyang subukan kung hanggang saan aabot ang pasensya niya. Gusto kong malaman kong totoo ang sinabi niyang hindi niya ako iiwanan kahit na ano pa’ng mangyari.

I was preparing myself for my checkup with Dra. Fajardo. Pababa na ako sa hagdan nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa likurang bulsa ng high-waisted jeans na itenerno ko sa puting t-shirt. Napangiti ako nang makita kung sino ang tumatawag.

“Drew.” Hindi na ako nag-hello pa, dahil pareho lang din naman iyon.

Magiliw niya akong kinumusta. Sasagutin ko pa lamang siya pero inagaw na ni Levi ang telepono ko at tiningnan ako nang masama.

“Bella is mine alone, did you understand that?!” pagalit niyang sabi kay Drew sa kabilang linya. “We’re busy here, so, don’t disturb us!” Mariin nitong diniinan ang end button. Napailing na lang nang kunin sa kaniya ang telepono ko.

“Ang sama talaga ng ugali mo, Levi. Kaya kapag nagkaanak tayo at nakuha ang ugali mo, bahala ka talaga,” sabi ko sa kaniya saka naunang bumaba.

“Gusto ko lang ipaalala sa kaniya kung saan siya dapat lumugar.”

Huminto ako. Hinarap ko siya. “At bakit naman? Magkaibigan lang naman kami, ah,” anggil ko sa kaniya.

Umiling siya. “Kahit pa. Basta ayoko na nakikipag-usap ka sa kaniya,” utos niya sa akin.

Ako naman ang napailing. “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na magkaibigan lang kami ni Drew?” Ito pa ang isang ugali niya na ayoko. Masyadong seloso at walang tiwala sa akin. Porke’t crush ko noon si Drew ganito na siya magsalita.

“End of discussion, Bella, kung ayaw mo ipatanggal ko siya sa trabaho,” tiim-bagang niyang tugon.

Inirapan ko siya. Nakuha pa talaga akong takutin. “Hay! Ang kitid talaga ng utak mo.”  Kinuha ko ang isang kamay niya at pinagdaop ang aming mga palad. Hinatak ko siya palabas ng bahay, dahil baka mamaya kung ano na naman ang maisip niya. Baka humantong na naman sa korte ang usapan namin.

Ito ang mga attitude ni Levi. Direct to the point kung magsalita. Hindi niya alintana kung makasakit ba siya ng ibang tao. At hindi siya marunong magbiro. Kapag sinabi niya, iyon talaga ang gagawin niya.

Pumasok kami sa sasakyan. Nilingon ko siya bago ako naupo sa passenger seat.

“After the checkup, I want to visit the island,” may diing sabi ko.

“The island renovation is not yet done. Marami pang kailangang gawin,” imporma niya sa akin.

Napailing ako. “Marami na pala akong utang sa iyo kung ganoon.”

“Kulang ang buhay mo na pambayad, love,” kibit-balikat na sagot niya. Niyakap ako at isinandig ang ulo ko sa kaniyang dibdib.

Nagawi ang mga mata ko sa rear view mirror. Nakatingin sa amin si Keyn. Nginitian ko siya na mabilis na nag-iwas ng tingin sa akin

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Where stories live. Discover now