Chapter 43

4.8K 71 0
                                    

Chapter 43

Anya Belle

Ngayon araw ang kaarawan ng daddy ni Levi kaya pupunta kami sa mansion nila. Sa mansion ng mga Sebastian. Gusto kasi ng daddy niya na kompleto ang pamilya kaya pati sila Eli umuwe dito sa Pilipinas kahit na sa Spain pa sila.

Habang inaayos ko ang dadalhin namin sa mansion ay inayos ko rin itong regalo namin. Buti na lang pinansyal namin si Franko kaya naisipan namin na dumaan muna sa department store bago kami umuwe para bumili ng regalo at para isahang labasan na lang rin dahil ang init ng panahon ngayon. Nakakaheat stroke.

Naalala kong hindi mahilig si Levi sa pamamasyal pero dahil sa bata, kay Franko namasyal kami. Naalala ko rin na mas gusto niyang magbasa ng magbasa ng mga libro niya  dahil feeling ko doon siya ng to-tour. Naiisip ko nga kung pinasyal na rin ba niya ako like travel abroad dahil nagtra-travel naman siya tapos na alala ko rin na may hearing siyang naantala sa San Francisco at pumapasok rin sa isipan ko na impossible naman kung hindi pa ako naka punta doon.

Nakakabaliw ang mag isip ng mag isip dahil wala naman rin nangyayari dahil putol-putol ang pinapaalala ng isipan ko at ngayon ay naalala kong next month ay may hearing siya doon dahil na move ito due to holiday raw. May isang rason ako kung bakit ako sumama sa kaniya dito sa bahay namin dahil may takot akong nararamdaman. Yes, natatakot ako na baka mamaya aalis na naman siya ng walang pa alam sa akin at babalik siya na subra sa isang araw ang isang buwan niyang paalam like before...

"Ahh!" hiyaw ko at hinawakan ang ulo ko dahil biglang sumakit ito.

Napahiga ako sa kama at hinihila ng dalawang kamay ko ang buhok ko para maalis ang sakit ng ulo ko habang pa gulong-gulong sa ibabaw ng kama. Ganito palagi ang sistema kapag naalala ko ang subra sa isang araw ang isang buwan na paalam niya sa akin. Hindi ko alam kung anong ka dugtong dahil hindi buo ang pinapaalala ng isipan ko sa senaryong iyon.

Yes, Aaminin kong hindi ko siya maalala pero ramdam ko siya at kilala siya ng puso ko kaya susugal ako at ayaw kong ituloy ang annulment dahil natatakot ako lalona't may hindi siya sinasabi sa akin na ikakasakit ko. Feeling ko ay ang karugtong ng subra isang araw ang isang buwan niya doon sa San Francisco.

Huminga ako ng malalim sa iniisip ko at bumangon dahil okey naman na ako. Lumabas ako sa kwarto at plano kong sa labas na lang rin hintayin si Levi dahil subra pa sa babae maghanda kapag may pupuntahan.

Isa pa pala ay umuwe na din si Franko kahapon pinahatid siya ni Levi sa ospital mismo dahil doon niya gustong dumaritso sa nanay niya. Naawa din ako sa batang iyon at pati si Chrisian na rin na pinagselosan ko pa talaga. Hindi ko kasi talaga siya nakita no'n tapos naririnig ko lang ang pangalan niya na binabanggit ng mga asawa ng ibang bachelors. Buti nga sila maalala ko pero ang asawa ko ay hindi. Maalala ko man siya pero ang pag diin naman niya sa akin sa korte at ang pag-iwan niya sa Isla, ang r*pe senaryo sa isla. Other than that wala na.

"Shall we go?" rinig kong aya ni Levi sa akin kaya napatingin ako sa kaniya at tumango.

Sa simpleng suot niya na white Polo - Shirt na my brand at maong pants ay tatagal pa siya ng subrang isang oras e isusuot niya lang naman iyon dahil na prepared ko na nga kanina. Tapos subrang bango niya. Lalaking tao mahilig ito sa pabango.

Marami siyang iba't-ibang brand perfume collection. Kung may library books siya  dito sa bahay niya ay may library perfumes rin siya. Tinaasan ko siya ng kilay kaya hinawi niya ang buhok niya na hanggang leeg ang haba at tinali niya ito pero half bun lang at ngumiti sa akim. Mas shine pa nga ang wavy hair niya kaysa sa akin. Maalaga kasi talaga siya sa katawan. He is handsome and strict man kapag tinitignan mo siya. Kapag hindi mo naman siya close o hindi mo siya kilala ay matatakot kang lumapit dahil tingin niya palang nakakatakot na.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Where stories live. Discover now