Chapter 14

9.3K 143 3
                                    

"GOOD MORNING MANANG!" masayang bungad ko nang maabotan ko siyang nag-kakape. Hindi na rin kasi ako lumabas noong pumasok na ako dahil naalala ko naman ang nakaraan kaya iniyak ko na lang hanggang sa nakatulog ako.

"Bakit namumugto ang mga mata mo?" tanong niya sa akin. Natural lang naman dahil umiyak ako.

"Okey lang ako manang, " Magalang na sagot ko din at kumuha ng mug at nagkusa akong magtimpla din ng kape dahil maaga pa naman. Nagsisimula pa lang mag sunrise.

"Uuwe na pala ako anak dahil tumawag na si Attorney Noah, " inporma niya sa akin.

"Ganon po ba manang. Mag-iingat po kayo at sana magkita pa po tayo, "malungkot na saad ko.

"Oo naman anak hindi mo pa nga nakwekwento lahat sa akin eh," pagbibiro niya kaya umiling na lang ako.

"Sus! sa alaga mo na ikaw magpakwento manang, " sagot ko din sa kaniya pero tumawa lang naman din siya sa akin.

"Salamat po sa pagsama sa akin dito manang," sabi ko at tumayo bago ako lumapit sa kaniya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Walang anuman anak," sagot niya.

Nagpaalam ako kay manang na mamasyal muna ako sa tabing dagat habang maaga pa. Maganda kasi pagmasdan ang paglitaw ng araw lalona't nag sha-shadow ito sa tubig dagat at dag-dagan mo pa ang malamig na simo'y ng hangin at ang hampas ng alon sa pampang na siyang nakakarelax sa pakiramdam.

This island is beautiful pwede itong gawin tourist spot kapag napaganda lalo. Malawak naman ang area at makikita mo sa pinakadulo may lapagan ng sasakyan pang himpapawed. Ito na lang kaya ang hingiin ko kay Noah Lev kung sakali? Tanong ko ng isip ko.

"Rest house niya to Anya Belle wag mong angkinin, " sagot ko sa tanong ng isip ko rin.

Tumingin ako kung saan nakatayo ang bahay niya. His house was plan and designed by  Architect Lauter Clifford Mondragon simpre hindi iyan mapapatayo kung walang Engineer na si Adam. Sino pa nga ba? Hmm! Ererenovate ko to kung maging akin, sabi ko sa isip ko lang.

Bumalik ako sa bahay niya dahil dumating na sila Noah. Matagal-tagal din akong nakatayo doon. Nagpaalam na sa akin si manang Aida kaya lumapit ako sa kaniya para mayakap siya at nagpasalamat na rin ako. Hindi ko na binalik ang pinahiram niyang t-shirt saan dahil kakailanganin ko pa iyon  mamayang hapon kasi maliligo pa ako.

Nakita kong pumasok si Noah sa kwarto kung saan ako natutulog ng apat na araw. Alam kung pagod iyon dahil halata naman sa mukha niya. Bumuntong hininga ako dahil ako naman ang problemado ngayon kung saan ako matutulog. Binalik naman kasi ni manang ang susi sa isang kwarto kanina kay Noah at nakita ko iyon inabot niya. Sayang talaga nakalimutan kong kunin sa kaniya.

Magdidilim na nong umahon ako sa tubig wala naman akong kausap sa bahay niya dahil tulog siya panigurado kaya minabuti ko na lang na magbabad kanina. I'll will not talk kapag hindi niya ako kausapin. Bahala siya aa buhay niya at bahala rin ako. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumaretso sa kusina dahil plano ko sanang magluto ng pagkain ko. Baka kasi plano niya akong gutomin  kaya hanggang ngayon nasa kwarto parin siya pero nagulat ako ng makita ko naka prepare na pala ang hapagkainan kaya ngumiti ako.

"Nagluto pala talaga ang mukong,"bulaslas ko.

Tinignan ko ang mga ulam sa mesa kaya mas lalo akong nagutom. Ang alaga ko sa tiyan masayang gumagalaw na. Umupo ako sa upuan kung saan ako naka pwesto lagi. Nagpangalumbaba ako habang hinihintay siya lumabas kung lalabas siya. Kapag papakainin niya ako magpre-presenta akong maghugas ng plato mamaya.

Nalungkot ako dahil kalahating oras na akong naghihintay pero wala pa rin siya. Wala ata siyang balak lumabas at plano niya talagang gutomin ako subra na kaya ang gutom ko. Nagugutom na ako. Kumain na kaya siya? Tanong ng isip ko.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon