Chapter 15

9.8K 137 5
                                    

Noah Lev POV

PAGKATAPOS kong gawin lahat ng gagawin ko ay bumalik na ako sa isla. Hinayaan ko na lang ang ka partners ko sa pagpatayo ng building para sa firm doon sa Ilocos dahil may tiwala naman ako sa kanila at ina-sign ko na lang si Hana Alvarez doon para kahit papaano may trabaho siya ulit at makatulong na rin ako sa kaniya dahil tinulungan niya naman ako noon nasa kulungan sila ni Bella.

Hana is our Agent. Kay daddy siya nagtratrabaho sa Empire campany. I approach her akala ko nga noon una hindi siya papayag dahil sino ba naman ang papayag na makulong? Diba wala! Pero dahil sa pera, dahil sa kailangan niya ng pera at dahil para sa anak niya ay pumayag siya sa trabahong ibibigay ko sa kaniya. Lahat ng agent sa agency namin ay mapagkakatiwalaan kaya isa siya sa napili ko.

LUMAPAG ang helicopter na sinasakyan namin kaya agad-agad akong bumaba at tinungo ang bahay dito sa Isla. Pagdating ko ay nakita ko na si Bella na paparating rin pero hinayaan ko lang at pumasok na ako sa loob ng bahay at dumaritso sa kwarto ko upang magpalit ng damit.

Huminga ako ng malalim at sinirado ang pinto bago ko pinatong ang susi sa ibabaw ng lampshades table dahil ito ang susi sa kabilang kwarto na binalik ni manang sa akin. Tinungo ko ang walking closet at pumili ng maisusuot. Kumunot pa ang noo ko ng mapagtanto kong hindi ata nagagamit ang mga damit dito sa closet. Nagpalit ako ng damit at tinungo ang kama dahil gusto ko na munang magpahinga  kasi subrang inaantok pa ako. Plano kong lumabas mamayang hapon.

HAPON na nong bumangon ako at na pagdesisyonan  kong lumabas at tinungo ang kusina para magluto. Hindi na hinanap ng mata ko si Bella dahil alam kong nasa tabing dagat lang siya.

One of Bella habit is swimming and she love walking in the seashore  lalo na kapag sunrise atsaka  sunset. Kaya nga isa sa dahilan kung bakit nabili ko itong isla dahil sa magandang at peaceful pa at makakarelax ka talaga.

I'll prepared our food bago ako bumalik ulit sa kwarto para maligo. Mabilisan lang naman ang mga galaw po pero matagal pa rin talaga akong maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako at nagpabango pero iniiwasan ko ang pabango na pinili niya noon para sa akin dahil ayaw kong gamitin ngayon. Lumabas agad ako nong natapos na ako at bumalik ulit ako sa  kusina.

"Gutom na ako Levi," rinig kong bulaslas niya. Nagulat siya sa pagpasok ko kaya umayos siya ng upo.

"You can knock to my door, Bella! " sabi ko at umupo sa harapan niya.

Alam kong magugulat siya sa pagtawag ko sa kaniya sa pangalan Bella dahil ako lang naman ang tumatawag  sa kaniya ng ganoon pero simpre nagulat rin ako noong tinawag siyang Bella ni Engineer Brian.

Whatever!

Nagtanong siya pero iniba ko na ang sagot ko dahil ayaw kong umasa siya. Kumain kami ng walang imikan at natapos rin kami ng walang imikan. Nagpresenta siyang maghugas ng nagamit namin at natural lang naman iyon na gawin niya dahil ako ang nagluto dapat lang na siya ang maghugas ng pinagkainan namin.

Rude man iyon para sa kaniya pero bahala siya. Iniwan ko na siya sa kusina after namin kumain dahil maghuhugas pa siya at alam kong matatagalan pa iyon doon ang dami pa niyang agenda sa buhay baka abutin pa siya ng siyam-siyam  kapag antayin ko pa siya.

Bumalik ako sa kwarto at kinuha ko ang laptop  para ma-check kung may update ba galing sa firm o kay Hana. Gusto ko din magtrabaho kahit malayo kami sa kabiyasnan dahil dagdag income pa ito. Wala kasi kaming kapera-pera sa ngayon atsaka may utang pa ako kay Adam at malaki-laking halaga rin talaga.

Naaliw ako sa trabaho kaya umabot na pala ako ng hating gabi. Huminga ako ng malalim dahil hindi pa siya pumapasok kaya napilitin na lang akong lumabas para tawagin siya. Aamin kong hindi kami okey ngayon pero kailangan ko siya para sa properties ko at saving ko na-freezed.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon