Chapter 2

13.4K 223 8
                                    

"Mendez may dalaw ka! " sigaw ng isang gwardya ka sabay ang pagbukas niya ng aking selda.

Nagpapahinga kami ni Hana dahil katatapos lang namin ng community service sa labas. tumingin muna ako Kay Hana bago tumayo at inayos ko ang aking sarili at nagpalit ng yellow t-shirt dahil hindi naman pwede kapag pupunta ka sa Visitor's area na hindi nakasuot ng detained uniformed. Alam kong si Jessie ang dalaw ko kaya hindi na ako nagtanong sa supladang taga bantay dahil hindi naman sasagot ng tama.

Tatlong linggo na din siyang hindi nakakadalaw pero ito naman ang gusto ko ang kalimutan na nila ako kasi kahit bali-baliktarin man ang mundo hindi pa rin ako makakalabas dito.

Dahan-dahan ko na ngang tinatanggap na dito na ako tatanda dahil kailangan. Ayaw ko ng umasa dahil wala naman akong aasahan.

My life here is waisted.

Lumabas ako at tinungo ang visitors area. Nagtaka ako dahil wala naman si Jessie kaya napahinto ako at hinanap ko pa siya ng mata ko pero wala talaga. lalapitan ko na sana ulit ang guard at magtanong pero pinipigilan ko lang rin dahil kahit anino ni Jessie wala naman rito baka nga pinag-tri tripan lang ako ng Jail guard na ito kaya ganon wala naman silang magawa sa kanilang buhay.

Babalik na sana ako sa aking selda ng may mapansin akong familiar sa akin. Nakatalikod siya kaya hindi niya pa ako nakikita. Hindi kaya siya ang dalaw ko? Pero bakit? Bakit siya andito? Tanong ng isip ko.

Lumapit sa akin ang isang gwardya na buti pa to mabait sa mga preso at may puso talaga. Alam niya ang hinaing ng mga preso dahil hindi naman kasi lahat masama pero ang iba tingim sa amin para ng hindi tao. Kahit  Wala maman kaming kasalanan at walang ginagawa sa kanila. Ang rason kasi nila nahatulan kana ngang guilty sasabihin mo pang walang kasalanan.

"Mendez siya ang dalaw mo, " sabi niya at tinuro ang taong hindi ko inaasahan na dadalaw sa akin.

Parang ayaw kong lumapit s akaniya dahil nahihiya ako. Baka nagkamali lang siya ng pinuntahan o dinalaw pero ako naman ang tinawag ng gwardya at hindi naman nagtri-trip lang din itong isang guard.

"Wag kang tumayo dyan  puntahan muna. Special visitors yan hindi kailangan ng madaliang oras, "Ngiting sabi niya pa sa akin at tinulak pa niya ako para makahakbang lang patungo sa dalaw ko.

Para ata akong kinapos ng hininga habang papalapit sakaniya. Nanglalambot ang mga tuhod ko kaya huminga muna ako ng malalim. Why he's here? Tanong ko sa isipan ko. Mabigat ang mga paa kong lumapit sa kaniya at tumingin muna ako sa mabait na guard na nagmamasid lang din pala sa akin. Tumango siya at ngumiti lang.

"Bahala na," ika ko bago ako humarap sa harapan ng bisita ko. Lumunok muna ako ng tatlong beses bago ko siya tinawag sa apelyido niya.

"Mr. Sebastian?" formal na tawag ko. Lumingon at tumingin lang siya sa'kin ng seryoso kaya mas lalo akong kinabahan.Why he's cold amber eyes na parang nakakakilabot. Ito ang sinasabi ko eh.

Kinakabahan ako.

"Have a seat," seryosong sabi niya kaya agad-agad naman akong umupo sa harapan niya. Yumuko lang ako at pinaglalaruan lang ang mga kuko ko.Habang nag-aantay kung ano ang sasabihin niya sa akin.

"I am here to talk about your case, "he said kaya na pa-angat ako ng tingin at nagtama  ang mga mata namin.

"Im sorry for what happene. I didn't mean to disturb you,"unang sabi ko at yumuko.

"Forgot the disturb things Anya Belle. Im here to discuss your case not anything else or nothing else," he seriously said. Umangat ulit ang ulo ko at nakatingin parin pala siya sa akin. Animo'y may gustong iparating o sabihin.

"Kinausap ako ng kaibigan mo. Humingi siya ng tulong sa akin kaya andito ako ngayon sa harapan mo."

"Now tell everything at makikinig ako sa iyo. Alang-alang sa kaso mo, "sabi niya  at tinukod ang kaniyang dalawa siko sa ibabaw ng mesa at kampanting umupo. Sabagay special visitor siya kaya't kahit hanggang bukas pa siya dito ay okey lang.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Where stories live. Discover now