Chapter 17

8.9K 117 1
                                    

FLASHBACK

"Kalalabas mo lang noong isang buwan ng limang million. Ngayon maglalabas kana naman, Love may problema ba?"tanong ko. I'm worried dahil hindi na din siya nakakatulog ng maayos at ngayon she's drunk. Hindi ko na siya pinayagan maglabas ng pera dahil feeling ko bina-blaickmail siya.

Katatapos lang ng kasal namin at sa isang araw aalis na kami for our honeymoon pero sa status niyang ganito ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon pa na mag-asawa na kami at ngayon pa siya nagkakaganito.

"What happen, Love?" tanong ko.

"Ano bang nangyayari sayo? Pwede natin to pag-usapan. Makikinig ako, please tell?" pag-aalo ko sa kaniya.

"Love please, common say it?"

"Tutulungan kita. Makikinig ako, pera ba?" sunod-sunod na sabi ko pero umiling siya. Alam kong lasing siya pero kinakabahan ako. Tumitig siya sa mga mata ko kaya kaya sunod-sunod ang lunok ko ng laway.

"H-Hindi ko na kaya. H-Hindi ko na kaya. I'm sorry,"sabi niya at inalis ang suot niyang sing-sing.

"H-Hindi ko na kayang magpanggap," utal niyang sabi sa akin at inabot ang wedding ring namin na suot niya.

"You drunk!" pagalit na sita ko sa kaniya at tinalikuran siya. Hindi maganda ang birong gusto niyang mangyari. Ka kakasal lang naman.

"No!"sigaw niya kaya humarap ako. Nakikita ko sa mata niya ang katotohanan na may gusto siyang sabihin.

" I'm not drunk!" sabi niya at pinatong ang sing-sing niya sa ibabaw ng table lampshades namin.

"What do you mean?" seryosong tanong. Pinipigilan ko ang galit ko dahil sa hinala ko.

"Our relationship is a Big Deal!" dare-daretso niyang sabi kaya nagulat ako.

"What did you say?" tanong ko. Parang na bingi ako sa sinabi niya.

"Our relationship is a Big Deal," Iyak niyang sabi. Tama ang narinig ko. Akala ko nagkamali lang ako.

"No," iling kong sabi.

"Hindi totoo iyan. Hindi!" may paninindigan kong sabi. Ngayon niya lang sabihin na kasal na kami.

"Love, wag naman ganyan. Hindi maganda biro iyan," sabi ko pero tumingin lang siya sa akin. Tingin na nagsasabing maniwala ako. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya. Umupo siya sa kama at yumuko.

"Diba Love? nagbibiro ka lang? Ilan ba gusto mong ilabas na pera, sabihin mo sa akin. Isang million, 5millions, 10 millions o 100 millions? I can give, maglalabas tayo. Wag lang ganito, please?!" paki-usap ko. Lumuhod ako upang magpantay kami.

"Nagbibiro ka diba?" sabi ko ulit at dahan-dahan inangat ang ulo niya. She's crying at nagsimula ng manginig ang mga kamay niya.

"I didn't love you since then," sabi niya at tumingin sa mga mata ko. Wala ng mas sasakit sa narinig ko mula sa asawa ko. All these years na magkasama kami, ngayon pa? ngayon pa talaga!

"I'll dont want old man like you. Hindi ko pinangarap na mag-kaboyfriend at mag-asawa ng mahigit sampong taon ang agwat sa akin. Ayaw ko ng matanda Noah Lev. Nahihiya akong kasama ka sa publiko," dare-daretso niyang sabi. Ni hindi man lang siya na utal. Pumikit ako at nagtiim - bagang at kinuyom ang dalawang kong palad.

"Sinong mahal mo?!" matigas na tanong ko. Tumayo ako at lumayo sa kaniya.

"Si Jessie?" tanong ko kaya umangat ang ulo niya at tumingin.

"I love him bu.." hindi ko na pinatapos ang gusto niyang sabihin niya nong magsalita ako ulit.

"Matulog kana. I'll talk to you tomorrow kapag okey na iyang isip mo. Siguradohin mo lang na ka tanggap-tanggap ang rason mo dahil handa pa akong makinig at mapapatawad pa kita kung sakali dahil mahal kita bilang asawa ko, Anya Belle!" galit na sabi ko. Ngayon ko lang rin binigkas ang totoo niyang pangalan dahil Bella lang talaga ang tinatawag ko sa kaniya at Love ang tawagan namin. Iniwan ko siya sa kwarto namin at tinungo ko ang guest room. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon