Chapter 38

4.7K 70 0
                                    

Marahas niyang hinatak ang pulsohan ko palabas ng restaurant at dinala sa sasakyan niya. Sinabi kasi ni Attorney Ara na humihingi ako ng payo sa annulment kaya itong si Noah galit na galit. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya pero huminto siya bigla kaya napasubsob pa ako sa gilid niya.

Tinignan niya lang ako ng masama kaya humiwalay agad ako sa kaniya. Naiwan pa nga ang bango ng pabango niya sa damit ko.

Si Noah ang tipong kahit hindi maligo mabango pa rin sa paningin. Lalo na kapag tinitignan mo lang siya kaya marami siyang babae  dahil mga babae na ang lumalapit sa kaniya. Kumbaga pipili na lang siya.

Tumingin ako sa gawi ko kong saan nakatingin si Noah at nakita ko ang babaeng kasama niya na nag-aantay pa rin pala ito malapit lang sa sasakyan niya.

"Chrisian?" tanong niya.

"Chrisian get inside, " mahinahon niyang utos sa babae at mabilis naman itong pumasok sa loob ng sasakyan niya.

Hatak-hatak niya pa rin ako  hanggang sa pinto ng passenger seat sa harapan pero binawi ko na ang kamay ko kaya nabitawan niya ito.

"Get inside!" matigas na utos niya  at tinignan ako ng masama. Sa akin galit kapag nag utos pero sa babae niya mahinahon kapag magsalita. Pinaikotan ko siya ng mata, idi sila na at magsama silang dalawa.

"Get inside!" utos niya ulit.

"No!" matigas din na sagot ko at umiling pa. Kasasabi ko lang na hindi na ako lalambot kay Noah dahil may babae na siya.

"I said, get Inside!" pigil niyang sigaw sa akin. He is anger dahil gumagalaw na ang panga niya pero hindi pa rin ako papatinag at tinignan ko din siya ng masama para patas lang.

"Magsama kayo ng babae mo!" Galit na sabi ko at mabilis na tumalikod at patakbong naglakad pero marahas niya akong hinatak at pinapasok sa sasakyan niya.

"Let me go!" sabi ko sa kaniya at tinulak siya pero mas malakas siya sa akin.

Malakas niyang sinarado  ang pinto ng sasakyan at tinungo ang driver seat. Tumingin siya sa akin pero pinaikotan ko lang siya ng mata  at inayos niya na ang seatbelt ko.

"Chrisian?"tawag niya ulit aa babae. Narinig ko na ang pangalan na Chrisian pero hindi ko maalala kung saan.

"Magpapahatid kana ba sa bahay na tinutuluyan niyo?" tanong  niya at tumingin pa dito na mayro'n pag-aalala kaya nasasaktan tuloy ako.

"Dont you worry ako na bahala, " sabi niya dito at sumilaw ang ngiti niya. I bow ny head dahil may nagpapangiti na pala kay Noah tapos tumango pa ang babae kaya hindi ko na lang sila pinansin.

"Sa ospital na lang p  kuya.k," magalang na sagot niya.

"Kuya?!" tanong ko at tumingin sa babae. Dalawa lang naman sila magkapatid ni Eli, eh. Baka kuya-kuyahan lang kaya gano'n.

"Bella!" sita ni Noah sa akin  kaya sumimangot ako at umayos ng upo at hindi na ako nagsalita ulit pero nagagawi ang tingin ko sa mirror kaya nakikita ko si Chrisian. Naguguilty tuloy ako sa attitude ko kanina sa kaniya dahil parang ang laki ng problema niya. Mas malaki pa siguro sa problema ko.

Hinatid namin siya sa ospital kung saan niya gustong magpahatid. Nagpasalamat muna siya sa amin bago siya bumaba ng sasakyan. Huminga ako ng malalim at tinignan pa siyang naglakad papasok sa loob ng ospital.

"Ayusin mo ang ugali mo, Bella!" galit na sabi niya sa akin at siningkitan ako ng mata. Ako na naman ang papagalitan. Ako na naman ang may kasalanan.

"Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ng tao," inporma niya habang inaatras ang sasakyan. I smirked at him at umiling. Wala nga akong alam pero nagtanong lang naman ako.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Where stories live. Discover now