Chapter 35

5.7K 71 0
                                    

Anya Belle Pov

5 months later.

Kararating ko lang sa bahay dahil namasyal kami ni Drew. Drew is my childhood crush. After kasi no'ng gumising ako ay akala ko hindi na babalik ang paningin ko kaya natakot ako
Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ako na ospital basta paggising ko ay masakit na ang buong katawan ko pati nga puson ko pero binaliwala ko lang iyon dahil Drew is my side that time.

They undergo Lab. Test and check up for everything. For  head to toes bago kami lumabas sa ospital that we found out na my mild head injuries typically amnesia ako na hindi naman daw magtatagal at babalik din at sabi naman ng Opthalmology doctor na si Patrick sa mata ko na nagkatruma lang ito dahil sa naalog at matagal ng nakapikit.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at tumaas ang kilay ko ng makita ko na naman ang bisita nila na kampanting naka upo sa sofa.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ko sa kaniya kaya napatingin siya sa akin at tumayo. Hindi naman ako natatakot sa tingin na mukhang kakainin ka na.

"Saan ka galing?!" diin na tanong niyang sagot  at lumapit sa akin kaya napaatras ako ng bahagya. Napalunok ako dahil ang pabango niya na  gustong-gusto ng ilong ko na para bang kay sarap yakapin pero simpre galit ako sa kaniya.

"MR. SEBASTIAN!" Galit na tawag ko apilyedo niya para hindi bumilis ang tibok ng puso ko kasi kapag nakikita ko siya o nilalapitan ako parang double-double na ang bilis ng tibok ng puso ko. At tinatatak ko talaga sa isipan ko ang na ala-ala kong pinakulong niya ako kaya natatakot akl.

Hindi ko talaga matanggap ang pag diin niya sa akin sa korte. Purket, magaling siyang Attorney pero alam niya naman na wala akong kasalanan pero pinakulong talaga ako for the reason na namatay sa aksidente ang nobya niya at anak niya. Wala talaga siyang puso
Sayang ang gwapo niya pa naman at ang bango niya pa.

"What?" sagot niya sa pagtawag ko sa kaniya.

"Hindi ko alam kung anong napakain mo sa magulang ko dahil hinahayaan ka nilang pumapasok dito sa bahay namin at isa pa anong paki-alam mo kung saan ako galing?!" galit na sabi ko sa kaniya. Kunwaring galit ako pero kunwari lang.

Tumaas ang kilay niya sa akin at hinatak ako upang yakapin. Kung mahal ko lang to sinubsob ko na ang mukha ko sa dib-dib niya kaso ay hindi. Kaya mabilis ko siyang tinulak pa layo sa katawan ko.

"Sa pagkakatanda ko..." huminga muna ako ng malalim.

" Alam mo kung saan ako galing dahil kung asan ako ando'n ka rin!" sigaw ko at iniwan na siya dahil baka mamaya ay bibigay ako sa kaniya. Hinatak niya ang isang siko ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Wag mong pairalin ang pagkamaldita mo, Bella! Dahil hindi iyan uubra sa akin."

"Andito ka para magpagaling hindi ka andito para lumandi! " galit din na sabi niya  at hinigpitan ang pagkakahawak niya sa siko ko.Masama ko siyang tinignan dahil nasasaktan na ako sa pagkakahawak niya.

" Let me go!" sabi ko.

"Let me go, sabi eh!" sigaw at marahas na inalis ang pagkakahawak sa siko ko at sakto naman na dumating si Papang.

"Anya?!" warning na tawag sa akin ng tatay ko kaya huminga ako ng malalim dahil kakampihan na naman niya ang magaling na lalaki ito. Humarap ako sa tatay ko.

"Ano bang pinakain ng lalaking to sa inyo kung bakit siya palagi ang kinakampihan niyo?" tanong ko at tinuro si Mr. Sebastian.

"Pang, ako ang anak niyo Oh, ako! " sabi ko sa aking ama at tinuro ko pa ang sarili ko pero tumingin lang sila sa akin. Nasasaktan ako dahil palaging si Noah na lang. Si Noah na lang! Si Noah na lang!

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) Where stories live. Discover now